chapter 1

11.4K 291 16
                                    

Sophia's PoV

"Magkamukha talaga tayo, mom," nasabi ko na lang habang nakatingin sa repleksyon ko sa harap ng salamin.

Napabuntong hininga ako at kinuha ang picture ng parents ko with my siblings. Napangiti ako. I miss them so much that I always have sleepless nights whenever I see their faces getting killed by some unknown men.

Bigla namang bumukas ang pinto kaya naalarma ako only to see that its just Zarah, my cousin. Humihingal siyang tumayo sa harap ko at naghahabol ng hininga.

"What do you want?" I asked her. Tumikhim muna siya bago ako sagutin.

"Cous, may kaunting problema lang," sagot niya sa akin habang hawak-hawak pa ang dibdib na animo'y tumakbo ng pagkalayo layo.

Hindi ko siya sinagot instead, tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay at naghintay ng sasabihin niya.

Kaunting problema? So bakit pa sa akin dapat sabihin?

"Come with me," naglakad na siya palabas kaya nababagot ko siyang sinundan.

Tumigil kami sa harap ng double door kung saan sa likod nito ay ang conference hall na ginagamit lang kung may important meetings ng mga taong may matataas na ranggo sa organization namin.

Tuwing papasok ako sa double door na ito, hindi ko talaga maiwasang hindi kabahan.

Pagkapasok namin, naabutan namin ang maingay at nagkakagulong tao sa loob. They're all shouting at each other not knowing na nakapasok na kami.

Sa isang taong pamamalagi ko rito sa headquarters, hindi pa rin ako masanay sa mga presensya ng mga taong nakahaharap ko araw-araw.

They're all up to no good and that's not even new with our kind of environment.

Agad silang umayos at nagbow sa amin ni Zarah nang tumikhim ang personal bodyguard ni Zarah na si Leyn na naghihintay rin dito sa loob ng conference hall.

Dito, makikita mo ang mga tao na nakapalibot sa mahabang lamesa. Naupo ako sa pinakadulo samantalang si Zarah ay sa kanan ko. Everytime na may mangyayaring ganito, laging kami ni Zarah ang pinakabata sa lahat.

"So, what's with the commotion ladies and gentleman?" kalmado kong tanong sa kanila habang iniikot ikot ang ballpen na nakalagay lang sa table kanina.

"What? So are you telling to us na hindi mo pa alam ang nangyayari?" bulyaw sa akin ng isang babae, I don't know her either. Agad siyang hinawakan sa braso ng mga guards at pinaupo.

Binalingan ko siya ng tingin. "That's why I'm asking," I answered while looking intently at her eyes.

"Irresponsible leader," mariin niyang sambit habang nakatingin sa akin ng masama. Nakita ko naman kung paano tutukan ng mga armas nila ang babae.

Just by looking at her, she's at her 30's. And it seems to me that she's new to this dahil hindi rin siya familiar sa akin. Napangisi ako, hindi rin naman niya ako kilala.

Sinenyasan ko ang mga guards na ibaba ang armas nila at saka ako nagsalita habang nakaupo pa rin.

"Federico, what's wrong?" imbes na sagutin ko ang patutyada ng matandang iyon ay binalingan ko na lang ang matandang lalaki na kasunod lang ni Zarah. He holds the power in managing the transactions of money inside our organization.

"It's not about money you ignorant selfless kid," komento ng babae na hindi ko na nga pinansin ay pilit pa ring nagpapapansin.

I gritted my teeth and stopped myself from glaring at her. Losing my patience with a mere woman like her will do me no good.

this nerd is a mafia princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon