KABANATA 9
Kinabukasan..
Maaga pa lang ay gumising na ako, tulog pa rin si Geoffrey ng iwan ko. Kahit maraming kasambahay sa mansion ni Lola Marcela ay gusto kong ako mismo ang magasikaso sa mga pangangailangan ng 'asawa ko' hindi naman masamang mag- assume hindi ba? Ako pa naman ang asawa niya ngayon di ba?
Nagpapanggap ako oo, pero hindi pagpapanggap ang nararamdaman ko. Nakita kong bihis na bihis na siya ng bumaba, napaka-gwapo niya sa suot niyang amerikana.
"Geoff kain ka muna." Pero tiningnanlang ako. Cold. Napaka-lamig ng tinging ipinukol niya sakin. "Ah nagluto ako. Tikman mo naman kahit kaunti." Ano bang itsura ko ngayon? Bakit kung tingnan niya ko ay parang hindi mo maaarok?
"Maurene, ano bang laro ang niluluto mo? At kailan ka pa natutong magluto? Kahit ano pang plano mo hindi magtatagumpay! Magpapa- annul tayo after five years! At hindi magbabago ang desisyon kong yun!" Pagkasabi non ay bigla nalang niya akong iniwang tulala ngayon. Anong magpapa-annul after five years? Bakit wala akong alam na ganun? Mama ano pa bang hindi ko alam? Marami pa ba akong matutuklasan sa pagsasama namin ni Geoffrey?
Maghapon akong naging balisa, inisip ko kung ano yung tungkol sa annulment? Hindi niya ba talaga kayang mahalin ang kapatid ko? Ako? Hindi niya ba ko kayang mahalin para nalang sa kapatid ko ng kung sakaling magising siya ay okay na ang magiging pagsasama nila? Alas sais na ng gabi pero wala pa rin si Geoffrey. Wala naman si Lola Marcela dahil dumalaw sa malayong kamaganak. Nagluto nalang ako para malibang ako, baka this time gutom na si Geoff at kainin na itong lulutuin ko. Nagluto lang ako ng sinigang na hipon. Ewan ko ba, bata pa lang kasi ako ay paborito ko na ito. Alas nueve na pero wala pa rin siya. Malamig na itong niluto ko. Hihintayin ko nalang muna siya dito sa sala. Tutal hindi din naman ako makakatulog..
Pasado alas dose na ng gabi nakauwi si Geoffrey, Ang totoo ay talagang nagpa-late siya ng uwi para hindi niya makita pa ang kanyang asawa. Naguguluhan na siya sa nararamdaman niya. At hindi niya maintindihan kung bakit ang dating inis ay napalitan ng pagmamahal? Ano bang ginawa ng Maurene na yun? Ginayuma ba siya nito? Ang totoo ay miss na niya ang mga labi nito sa twina ay gusto na niya itong yapusin at yakapin. Pero nagpipigil siya. Pinipigilan niya ang sarili niya dahil may kakaibang bitag na ginagawa ang mag-ina. Gahaman ang mag-inang yun. At kung ang balak nila ay mapaibig ako para hindi matuloy ang annulment after five years at makuha ang kayamanan ng lola, pwes hindi sila magtatagumpay. Pilit niyang papatayin at iiwasan ang pagmamahal na namumuo sa puso niya. Hindi niya akalain na maaaring magbago ang isang Maurene Ramoso.
Alas dose na ng maisipan niyang umuwi, hindi naman niya kailangan mag-overtime sa opisina. Sila ang may-ari. Pero dahil sa Maurene na yun ay kailangan niyang magbabad ng ilang oras pa para masigurong tulog na ito kung siyay umuwi. Pero naabutan niya itong mahimbing na natutulog sa sala. Gusto niyang magwala. Kaya nga siya umuwi ng ganitong oras ay para hindi na niya ito makita, pero heto at maaabutan niya ito na mahimbing na natutulog. Kahit anong pigil niya ay hindi niya makontrol ang sarili. Umupo siya sa tabi nito ay ninakawan niya ito ng halik. Shit! Bakit ba kakaiba na ang mga halik niya? Dati ay pandidiri ang nararamdaman niya pero ngayon? lba na. May kuryenteng dumadaloy sa bawat himaymay na kalamnan niya tuwing magdidikit ang maa labi nila Tuwing makikita niya ito ay lumulukso ang puso niya. Hinawi niya ang mga buhok na tumakip sa mukha nito.
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humawi ng buhok ko. "Hmmmm. G-Geoff? Kanina ka pa ba?" Nakatulog na pala talaga ako, anong oras na kaya?
"Bakit dito ka natulog sa sala?" Ramdam ko yung coldness sa boses niya.
"Hinintay kasi kita. Nagluto ako ng sinigang na hipon. Kumain ka muna." Nagkusot ako ng mata, pero pagtingin ko kay Geoff. "Ba-bakit??"
"Alam mo namang allergic ka sa hipon hindi ba? Naatataka ako Maurene? Bakit nung inaya kitang kumain ay hipon pa talaga ang una mong nilantakan? Tell me Maurene hindi nagagamot ang allergy hindi ba?" Binundol ako ng kaba. Allergic ang kakambal ko sa hipon? Samantalang ako ay paborito ko iyon?
"K-kasi, mahusay yung gamot na nireseta sakin." Para makaiwas sa mga tanong niya ay nagumpisa na akong maghain.
Habang abala sa paghahain si Maxene. Napakaraming katanunagn din ang tumatakbo sa isip ni Geoffrey ngayon, marami ng kakaibang nangyayari sa asawa niya. Napansin din niyang hindi ito naka-make-up. Dati ay kahit nasa bahay ay todo pustura ito na nagpapamukha lang na isa siyang malanding babae. Pero ngayon, napaka-natural ng itsura niya, ni wala siya kahit polbo sa mukha, but he find it so right. Bagay sa kanya. Noon ay lagi rin itong naka- dress, tila mo laging makikipag- party kung pumorma kahit nasa loob lang ng bahay pero ngayon. Short at maluwang na damit lang ang suot nito. Ano bang plano mo Maurene? Dahil sa totoo lang nahuhulog na ako sa patibong mo. Yan ang nasa isip ni Geoffrey habang pinagmamasdan ang asawa niyang ngayon ay abala sa paghahanda ng makakain. Isa pa yan. Hindi siya kahit kailan nagluto. Prinsesa ang turing niya sa sarili niya. Kung magutos siya sa kasambahay ay parang siya ang batas.
"Kumain ka na." Nakangiti pa ako habang inaaya ko siya sa lamesa.
"Kumain na ako sa office pero sige kakain ako." Napangiti ako. Kahit papaano titikman niya ang luto ko. Pero hindi mawala sa isip ko na allergic pala sa hipon ang kakambal ko? Grabe, muntik na akong mabuko. Bakit walang nabanggit si Mama? Hindi naman ako makakadalaw sa kanila ni Maurene, dahil binawalan ako ni Mama. Baka daw kasi makahalata si Geoffrey.
"Ikaw ba talaga ang nagluto nito?"
"O-oo, hindi ba masarap?"
"Masarap, kaso nagtataka ako, hindi ka naman marunong mag-luto hindi ba? Itlog nga ay hindi ka marunong kahit ilaga. Tapos ngayon?" Akala ko ba wala siyang alam sa kapatid ko sabi ni Mama? Bakit ang dami niyang alam? At lahat ng alam niya ay wala ako kahit anong ideya!
"Ha? E hindi ba ako pwedeng mag- aral? Nung nasa ibang bansa ka, nagaral ako para kapag ikinasal na tayo ay maipagluto kita." Nakayuko kong sabi.
"Anong ginawa mo maghapon?"
"Ha? Nagdilig lang ako ng halaman at nagluto."
"Nagdilig? Alam mo Maurene--- Nevermind. Anyway bakit hindi ka nag bar? Napag-usapan naman nating kanya-kanya pa rin tayo hindi ba? Pwede ka pa rin mag-party. Huwag mong itali ang sarili mo sa marriage na ito dahil alam mong may katapusan ito." Bigla akong parang nainis. Ganun nalang ba sa kanya ang kasal? Pero anong karapatan kong magreklamo? Hindi ako ang kakambal ko, pansamantala lang ako! Wala akong alam sa mga usapan nila. Hindi ko pwedeng husgahan si Geoff dahil hindi ko rin naman lubos kilala ang mama at kakambal ko. Paano nga kung toto0 ang mga sinasabi ni Geoff? Kaya ko bang tanggapin ang mga malalaman ko? Paano kung ginamit nga lang ako ni Mama kapalit ng makukuha nila sa pamilya ni Geoff?
"Maurene. Anong problema?"
"Ha?"
"Tulala ka."
"Ah naisip ko lang sila Mama at Papa. Namiss ko sila bigla."
"Gusto mo ba silang dalawin?"
"Talaga?"
"Oo, tapos na ako. Matulog na tayo. Mga kasambahay na ang bahala sa mga iyan bukas." Napangiti ako. Atleast mukhang may pagbabago sa pakikitungo niya sakin..
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Substitute Bride ✔️(completed)
RomanceMaurene and Maxene are twins. Ikakasal na dapat si Maurene kay Geoffrey Anderson pero bigla siyang naaksidente at kailangang matuloy ang kasal, pero dahil in-coma si Maurene, kailangang mag panggap si Maxene bilang kanyang kakambal para matuloy ang...