KABANATA 16

1.9K 28 0
                                    

KABANATA 16

Nagising akong mahigpit na nakayakap sakin si Geoffrey. Biglang nag-flashback sakin yung mga nang yari kagabi. Pakiramdam ko ay nag- init bigla yung mga pisngi ko pero napangiti in ako malaunan. We did it. Yes we did. Ramdam ko pa rin yung pagkirot ng pagkababae ko. Pero yun ang pinaka-magandang nangyari sakin. Masaya akong babauinin lahat ng masasayang ala-ala namin habang magkasama. Masaya ako na sa kanya ko iyon inalay. Sana lang ay hindi niya napansing siya ang aking una. Ayokong magka-problema sila ni Maurene kung malalaman nitong isa akong virgin, samantalang kilala niya ang kapatid ko na marami ng naging karanasan. Pero parehas naman kaming nakainom kagabi hindi ba? Sana lang talaga ay hindi niya na mapansin. Pinilit kong tanggalin ang pagkakayakap niya sakin, kailangan ko ng umalis. Mabuti nalang at mahimbing ang tulog niya. Makakaalis ako ng maaga upang mapalitan ako ni Maurene.

Kinuha ko yung cellphone ko, at tinext ang kakambal ko. Sinabi kong pumunta na siya rito sa bahay nila ni Geoffrey dahil paalis na ako. Alas kwatro na pala ng umaga. Wala naman akong dadalin kaya nagbihis nalang ako at tanging cellphone ko lang ang binitbit ko. Bago ako umalis ay minasdan ko muna si Geoffrey na mahimbing na natutulog. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha. Pigil na pigil ko ang bawat paghikbi ko. Gusto ko siyang halikan at yakapin para kahit sa huling pagkakataon ay maiparamdam ko sa kanya ang aking pagmamahal. Ngunit hindi na pwede, kailangan na siya ni Maurene. Gising na ang asawa niya at ayoko na ring mahirapan. Kung nanakawan ko pa siya ng halik ngayon ay baka hindi ko na kayanin pang umalis sa tabi niya. Paalam Geoffrey, habang buhay kong itatago sa puso ko na minsan ay naranasan kong mahalin at makapiling ang isang tulad mo.

Nagising si Geoffrey na masakit ang ulo. Aminado siyang late na siyang nakatulog dahil sa kakaisip na nalaman niya sa kanyang asawa. Paanong nangyari na isa itong virgin? Oo masaya siya sa kaalamang SIiya ang una, pero may mali! Bakit? Paano? Alam niyang pati mga kaibigan niya ay natikman ito. llang beses na ibinida ng mga kaibigan niya ang pahgiging wild nito sa kama. Kaya nga nahirapan siyang tanggapin ito ng buong-buo. Tapos ngayon namang okay na ang lahat bigla siyang bubulagain ng katotohanang siya ang kauna-unahang lalaki sa buhay nito? Agad siyang bumangon upang kausapin ang asawa. Kitang- kita pa niya ang bahid ng dugo sa bed sheet na ginamit nila. Gulong-gulo na siya pero kailangan niyang magpakahinahon.

GEOFFREY

"Maurene?" Kailan pa siya ulit nanigarilyo?

"Oh sweety I missed you!" Pinatay niya yung sigarilyong hinihitit niya at niyakap ako pero bakit ganun? Bakit pakiramdam ko hindi siya ang asawa ko? Bakit hindi ko maramdaman yung malakas na pagkabog nitong puso ko?

"Hon kailan ka pa bumalik sa pag- smoke?" Hindi na ako makatiis kaya tinanong ko na.

"Ha? Ah ee parang namiss ko lang." Isa pa yung amoy niya, yung pananamit niya? Bakit parang bumalik siya sa dating Maurene na kinaiinisan ko? Ano yun? After niyang ibigay ang tungkulin niya bilang asawa ko ay balik na siya sa dati?

"Pero magkasama tayo kagabi? Bakit parang miss na miss mo ako? You know, we did it kagabi. Pero Maurene, paanong nangyari na ako ang una?" Biglang nanlaki yung mga mata niya.

"Sweety. Mali kasi ang pagkakakilala mo sakin." Shit! Bakit ba parang siya na talaga yung dating si Maurene? Ano bang palabas ito? Bakit ganito? Asan na yung Maurene na minahal ko? Yung Maurene na nagpabago para sakin?

"Sweety? Matagal mo na akong hindi tinatawag ng ganyan Maurene! Geoffrey o Geoff maliban sa Hon na tawagan natin! Ano bang palabas ito!" Hindi ko na mapigilan yung inis ko! Naguguluhan na ako! This time bigla niya akong niyakap! Ibang-iba na yung amoy niya. Nasaan na yung amoy na napaka-inosente, yung kahit hindi siya magpabango ay lumalabas yung amoy niyang natural, arggghh mababaliw ako! Sa inis ko ay tinalikuran ko siya, papanik na sana ko sa kwarto namin ng bigla niya akong yakapin buhat sa likuran. Bakit ba ganito? Hindi ko maipaliwanag pero bumalik na yung inis ko sa simpleng pagdampi lang ng mga balat namin! Bakit parang gusto kong baklasin yung pagkakayakap niya? We made love kagabi at paggising ko para rin akong nagising sa isang panaginip?

"Geoffrey please. Huwag ka ng magalit. Sorry, hindi na ulit ako mag-smoke!" Shit! Lahat iba na! Dati ay parang musika sa pandinig ko tuwing tatawagin niya ako sa pangalan ko, ngayon? Nakakainis! Alam kong mahal ko na siya pero bakit ganito?

"Maliligo lang ako. Magluto ka na."

"Magluto? Alam mong hindi ako nagluluto sweet." Ngayon ay labis na talaga ang pagtataka ko. Pakiramdam ko ay magkaibang tao ang kaharap ko ngayon at ang pinakasalan ko. Posible bang?

"Kiss me Maurene." Bigla siyang ngumiti at ikinawit ang mga braso sa aking leeg, mapapatunayan ko ngayon ang iniisip ko. When she kissed me. Shit! I know it! "Enough magbibihis na ako magluto ka na."

"But sweety."

"Gusto ko yung sinigang na hipon!"

"Alam mong allergic ako dun!" Sa sobrang inis ko ay binalikan ko siya. Hinawakan ko siya sa kaliwang braso, alam kong mahigpit ang pagkaka- hawak ko. Ngayon ko lang narealize lahat. Magkaibang tao ang nakasama ko at ang Maureen na nasa harap ko ngayon. Bakit hindi ko naisip na sa ugali at pananamit palang ay magkaiba sila? Bakit hindi ko pinagtuunan ng pansin yung pagiging allergic niya sa hipon then suddenly bigla nalang na kumain siya non? Bakit natuto siyang magluto? Bakit napakadali saking mahalin siya? Bakit napakasaya ko tuwing kasama siya? Ngayon ay malinaw na lahat. Yung yakap niya, yung mga halik niya? Hindi siya ang asawa ko! Hindi siya ang Maurene na nakasama ko! Hindi siya ang minahal ko! Kilala ko bawat haplos at pagdampi ng mga balat namin! Kilalang-kilala ng puso ko. Nung yakapin at halikan ako ng babaeng ito ay wala akong maramdaman kung hindi inis. Kaibang-kaiba sa Maureen na kasama ko kagabi! Yung Maurene na minahal ko! Yung Maureen na asawa ko! "Sweety nasasaktan ako!"

"Hindi ikaw ang asawa ko!"

Itutuloy..

The Substitute Bride ✔️(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon