KABANATA 19

2.1K 27 1
                                    

KABANATA 19

Malungkot akong pauwi ngayon sa bahay namin. Nakausap ko si Mrs. Rivas. Gusto man daw niya akong tanggapin muli kaso ay nakahanap na daw sila ng kapalit ko. Bakit hindi? Halos tatlong buwan akong nawala, tapos ngayon ay babalik nalang ako ng biglaan, hindi naman pwedeng pabayaan nalang ang kalusugan ni Mrs. Rivas. Bakit ba kasi hindi ko naisip ang mangyayari sa amin ni Papa after magising ng kakambal ko? Bigla ko tuloy naalala si Geoffrey, kahit kailan yata ay hindi ko na siya malilimutan. Siya lang ang tanging lalaking minahal ko. Siya lang ang una at huling lalaking iibigin ko.una at huling lalaking iibigin ko.

Nakarating ako sa bahay na nanlulumo. Paano ko ito sasabihin kay Papa? Mabuti pa'y huwag ko ng sabihing wala na akong babalikang trabaho. Baka magisip pa iyon kung saan kami kukuha ng panggastos sa araw-araw pati na ipambibili ng mga gamot niya. Bukas na bukas ay kailangan ko ng humanap ng ibang mapapasukan.

"Papa?" Teka bakit parang walang tao? "Papa? Nasaan kayo?" Bakit ba ang dilim? Napakaaga pa naman para magsarado ng bintana si Papa? Teka hindi kaya may nangyaring masama? Pupuntahan ko na sana siya sa kanyang kwarto ng biglang bumukas ang ilaw at bumungad sakin ang napakaraming mga Rosas. Ibat-ibang mga kulay. May malalaki at may maliliit pero lahat ay maganda. "Papa?"

"Maxene anak. Halika dito." Natanaw ko siya sa sala kaya naman pinuntahan ko siya, and to my surprise, punong-puno pa rin ng rosas pati rito. Actually buong kabahayan ay puro mga rosas!

"Papa anong meron? Saan po galing lahat ng ito?"

"Pwede ba kitang isayaw anak?" Nagtataka na talaga ako.

"Papa pero yung rayuma niyo?"

"Anak lalo mo naman akong pinatatanda." Biglang nagkaroon ng background music.

(Marry your Daughter)

Lumapit ako kay papa at kinuha niya yung kamay ko. Nakayakap lang ako kay Papa habang nagsasayaw.

"Papa bakit yan yung tugtog?

"Anak, kailan ba kita huling naisayaw? Nung 18th birthday mo pa ano? Naalala ko pa noon, wala tayong pang-debut mo kaya bumili lang ako ng cupcake at nilagyan ng kandila tapos ay isinayaw kita.." Napangiti ako pero hindi ko mapigilang hindi mapaluha. Naalala ko pa noon, dahil sa sobrang kakapusan namin sa pera ay ni hindi ako nakapag-celebrate ng 18th birthday ko. Kaiba siguro sa kakambal ko ay tiyak na enggrande ang naging birthday niya. Hindi ko mapigilang hindi maiingit kay Maurene. Naranasan niya lahat ng ginhawang wala ako. Tapos ay nasa kanya pa pati ang lalaking mahal na mahal ko. This time ay umiyak na talaga ako. Pero hindi ako nagsisising naging mahirap ako. Aanhin ko ang mga kayamanan nila kung ang ugali ko naman ay isang basura.

"Thank you Papa. Masaya ako at kayo ang nagpalaki sakin. Salat man tayo sa kayamanan, binusog niyo naman ako ng walang hanggan Ninyong pagmamahal."

"Anak, patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko, dapat ay ako ang nagtataguyod sa atin, pero heto ako at nagiging pabigat pa sa iyo."

"Papa hindi, masaya akong alagaan kayo. Masaya ako na ako ang pinili niyo. Kung babalik man ako sa nakaraan at papipiliin kung kanino ko gustong sumama ay sa inyo ko pa rin pipiliing manatili. Mahal na mahal ko kayo."

"Anak lahat ng magpapasaya sayo kung maaari ay gusto kong ibigay sayo."

"Papa ayos lang po ako. Isa pa, hindi ko na po maaaring abutin at makasama ang taong magpapasaya sakin." Niyakap ko ng mahigpit si Papa para mabawasan kahit papaano ang sakit na umaatake na naman sa puso ko.

"Bakit hindi Maxene? Pwede ko na po bang hingin ang kamay ng inyong anak papa? Because I really wanna marry your daughter." Yung boses na yun. Kumalas ako kay papa at paglingon ko.

The Substitute Bride ✔️(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon