Epilogue

2.9K 45 6
                                    

Epilogue

Six months later..

"Naalala mo na naman ang kakambal mo?" Nagulat pa ako ng yakapin niya ako buhat sa likuran.

"Geoffrey hindi ko lang matanggap na kailangan pang mangyari ang mga bagay na tulad non." Naramdaman kong humigpit ang yakap ng aking asawa.

Three months na kaming kasal ni Geoffrey. Matapos niyang magproposed ay agad niyang inayos ang aming kasal. Pero this time ay alam na ng lahat na ako bilang si Maxene ang pinakasalan ni Geoffrey.

Masaya ako, masayang-masaya. Alam na rin lahat ni Lola Marcela lahat ng ginawa ng aking kakambal at ng mama ko. Nagalit siya nung una, ngunit dahil napakabuti ng Lola ni Geoffrey ay pinatawad niya rin agad ito.

Napag-alaman ko rin na pagkakuha nila Mama sa mana at perang ipinangako ni Geofftey ay agad silang lumipad patungong America ng aking kakambal. May galit akong nararamdamn dahil mas lalo lang nilang pinatunayan na wala kaming halaga ni Papa sa kanila. Alam ko naman talaga na wala kaso sana man lang nagpaalam sila samin. Pero hindi, lumipad sila ng walang paalam kapalit ng pera na nakuha nila. Ipinagpapasalamat ko nalang na buhay pa ang Mama ko at sa kaalamang may kapatid pa ako kahit malayo sila basta alam ko nalang na may kapatid akong maituturing.  Ipinagpapasalamat ko nalang din na kahit sandali ay nayakap ko si Mama. Nakakalungkot na ginamit lang ako ng sarili kong Ina, pero hindi ako nagsisising pumayag akong maging Substitute Bride para sa aking kapatid. Kung hindi ko ginawa yun ay malamang na hindi ko nakilala ang lalaking nagpapasaya sakin ngayon, ang lalaking kayakap ko ngayon at lalaking mahal na mahal ko.

Pero isang buwan matapos naming maikasal ni Geoffrey ay nabalitaan nalang namin na patay na daw si Maurene. Hindi ako makapaniwala kaya lumipad pa kami nila Geoffrey kasama si Papa patungong america upang kompirmahin ang katotohanan. Pero pagdating namin doon ay ang malamig na bangkay ni Maurene ang dinatnan namin. lyak ako ng iyak. Ang sakit. Ni hindi man lang kami nakapag-usap bago siya nawala. Ni hindi ko man lang nayakap ang kakambal ko, hindi ko nasabi sa kanya na kahit kinamumuhian niya ako ay mahal na mahal ko siya. Napagalaman nalang namin na na-gang rape ang aking kakambal. Umiinom daw ito sa bar at may nagpakilalang isang mayamang lalaki. Dahil silaw sa pera at yaman si Maurene ay sumama ito. Pero yun na pala, may naghihintay na pala sa kanyang kapahamakan. Napakasaklap ng pagkamatay nito. Puro pasa ang buong katawan nito. Hindi ko mapigilang hindi magwala kung saan naroon ang bangkay ni Maurene, pati si Papa ay hindi mapigilang hindi umiyak, kahit naman hindi kami tumira sa iisang bubong, kahit hindi kami magkakasundo. Mahal na mahal namin sila ni Mama.

Si Mama, nalaman nalang namin na nasa isang Mental Institution na pala siya, nawala daw ito sa sarili ng malaman ang sinapit ng aking kakambal. Nung dalawin namin siya ay tulala nalang ito. Niyakap namin siya ni Papa pero tulo lang ng tulo ang mga luha sa kanyang mata habang binabanggit ang pangalan ng aking kakambal. Hindi ko matanggap na kailangan mangyari sa kanila yun. Kung hindi sana sila naging ganid sa kayamanan, sana ay buhay pa ang kakambal ko, sana ay maaari pa kaming magkasama.

"Hon, alam ko kung nasaan man si Maurene ngayon, ay binabantayan niya ang Mama mo. Alam kong humingi na siya ng kapatawaran sa iyo. Huwag kang mag-alala,humingi na siya ng kapatawaran sa iyo. Huwag kang mag-alala, dadalawin natin next month si Mama Cindy sa Institution." Humarap ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Gusto kong dalawin si Papa at Lola Marcela bukas."

"You missed them?" Sa mansion na kasi ni Lola Marcela nakatira si papa. Dahil parehas daw silang nagiisa na sa mga buhay dahil kasal na kami ay doon nalang pinatira si papa na labis na pabor sakin. Kahit papaano ay hindi malulungkot si Papa.

"I do. Ayoko lang maubusan ng oras para maiparamdam sa kanila na mahal kO sila"

"Napaka-swerte ko talaga sa misis ko." When he kissed me, I automatically respond to his kisses. "Napaka-swerte ko talaga sa misis ko." When he kissed me, I automatically respond to his kisses.

"I love you Geoffrey. Mahal kita."

"I love you too Misis sobra-sobra."

"Maxene."

"Gusto mo bang maramdaman ngayong gabi ang pagmamahal ko sayo ha?" Alam kong alam na niya ang iniisip ko. When he smiled at me. Feeling ko ako na ang pinakamaswerteng babae na nabubuhay. Pero bago niya pa ulit ako mahalikan. Pakiramdam ko ay hinalukay ang sikmura ko. Nagtatakbo ako sa banyo habang hinihimas niya ang likod ko. "Napapadalas na itong pagsusuka ko, tapos nahihilo din ako." Huli na para marealize ko. Posible bang? "Oh God! Maxene!" Bigla nalang niya akong binuhat at inikot sa ere na lalo ko namang ikinahilo. Nung ibaba niya ko at halikan sa mga labi. "Tara, buuin na natin yung mga parts ni Baby!"

"Baby?" kunyaring hindi ko pa alam.

"Ay naku tara na misis. I'm so happy hon. Mahal na mahal kita. Salamat dahil tatay na ako!"

"Hindi pa tayo sigurado oy!"

"Pwes para sigurado, I will make sure na pregnant ka na bukas pag punta natin sa doktor! I love you Maxene. Mahal na mahal kita.."

Hindi na ako nakasagot. He kissed me like there's no tomorrow. Hindi ko akalaing sa pagiging Substitute Bride ko ay mahahanap ko ang aking forever. Marami mang nangyari. Sa huli ay kami pa rin.

Alam kong malayo pa kami sa happy ending pero sisiguraduhin kong bawat araw na magkasama kami ay pupunuin ko ng pagmamahal.

THE END.

•THANK YOU!!!

Sa lahat ng sumuporta dito sa THE SUBSTITUTE BRIDE simula sa una hanggang sa huli 😍😘❤️

The Substitute Bride ✔️(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon