KABANATA 14
Paglabas ko ng ospital ay agad akong dumeretso sa bahay. Tinawagan ko agad si Papa
"Anak gising na ang kapatid mo."
"I know Papa. Nagkausap na kami. At kailangan ko ng umalis bukas na bukas din sa piling ng asawa niya gusto na niyang bumalik."
"Anak, pasensiya ka na. Alam kong mahal mo na si Geoffrey. Magulang ako kaya ramdam ko yun. Pero kailangan na nating umalis sa buhay nila.ako kaya ramdam ko yun. Pero kailangan na nating umalis sa buhay nila."
"Papa, akala ko mahal ako ni Mama. Akala ko nagkataon lang lahat na nahanap niya ako, tayo! Pero hindi. Sa kanya na nanggaling. Ginamit niya lang ako dahil may makukuha silang pera dahil sa arrange marriage ni Maurene at ni Geoff!"
"Sorry anak. Sana ay hindi nalang din ako pumayag. Akala ko ay nagbago na si Cindy, ngayon ay ikaw ang labis na nasasaktan. "
"Isa pa si Maurene. Parang hindi ko siya kapatid! Mahal ko siya Papa kaso parang kaaway ang tingin niya sakin."
"Anak igayak mo na ang mga gamit mo. Bukas ay babalik na tayo sa bahay natin."
"Papa, pwede bang mauna na kayo ngayon sa bahay? Umalis na kayo dyan sa bahay ni Mama. Susunod ako bukas na bukas din. Kailangan ko lang makapagpaalam kay Geof."
"Naiintindihan ko anak. Magiingat ka." Kanina pa kami tapos makapag- usap ni Papa pero tulala pa rin ako. Parang hindi ko matanggap na kaaway ang tingin sakin ng sarili ko pang kakambal! Ginawa ko ang lahat para mapabuti ang pagsasama nila paggising niya. Oo! Totoo lahat ng pagmamahal at pagaasikasong inilaan ko para sa asawa niya, bukal sa loob ko yun dahil masaya akong pagsilbihan si Geoffrey. Pero ginawa ko lang naman lahat ng iyon para din sa kanya. Alam ko naman sa umpisa palang na siya ang asawa at SUBSTITUTE BRIDE lang ang role ko, pero hindi ko napigilan ang puso ko! Minahal ko ang asawa niya pero wala akong balak na agawin ito sa kanya! Ang sama ng loob ko kay Mama. Buong puso ko siyang tinulungan! Pero ano? Dahil lang sa pera? Noon ay iniwan niya kami ni Papa kasama si Maurene kapalit ng maalwan at masaganang pamumuhay! Ngayon naman? Babalikan niya ko para magpanggap bilang kakambal ko ng dahil ulit sa pera? Tama nga si Papa, masyadong mataas ang pangarap niya! Ngayon ako lubos na nagpapasalamat dahil kay Papa ako naiwan! Pinalaki niya ako ng maayos! Hindi niya ko pinabayaan! Salat nga kami sa kayamanan pero binusog niya ko sa pagmamahal at tamang asal! Kaya pala masyado ang pagkabigla ni Geoffrey sa mga actions ko! Dahil sa ugali pa lang ay magkaibang-magkaiba kami ni Maurene! Hindi ko akalain na ang inasam kong kapatid ay ituturing akong mangaagaw at isang kaaway. Gusto ko ngayong maawa para sa lalaking pinakamamahal ko. Ngayon ay hindi ko alam kung totoo ba ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Geoffrey. Baka kasi kaya niya lang ito gusto pakasalan ay dahil sa malaking manang makukuha nila plus pa yung manang makukuha ng asawa niya kay Donya Marcela.
Pero anong magagawa ko? Paano ko siya matutulungan? Alam kong pag nalaman niyang hindi ako ang asawa niya ay magagalit siya, baka kamuhian niya ako. At iyon ang ayokong mangyari. Mas mainam pang hindi na niya malaman ang lahat kaysa kamuhian niya ako sa panloloko ko sa kanya. Nagpapasalamat nalang ako na minahal niya ako sa loob ng mga panahong magkasama kami. Alam ko, ako bilang si Maxene ang minahal niya. Mukha niya lang ang nakikita sakin ni Geoffrey pero alam ko sa puso ko na ako ang minahal niya. Napakaswerte ng kakambal ko sa asawa niya. Napakaswerte niya
"Hon? Bakit ang aga mo?" Alas singko palang pero nakauwi na ito. Buti nalang at nakapagbake na ako ng cake na inilagay ko sa ref at nakapagluto na rin ako ng mga putaheng pagsasaluhan namin. Alam ko kasing hindi na kami matutuloy bukas. Nalulungkot ako pero anong magagawa ko? Bukas ay kailangang wala na ako rito. Kailangan na siya ng tunay niyang asawa. Ang balak ko ay magkaroon kami ng dinner date kahit dito lang sa loob ng bahay.
"Namiss kasi kita ee, ewan ko ba hindi ako mapakali." Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya ng buong higpit. Mamimiss kita. Mamimiss ko yung mga yakap mo Geoffrey. Habambuhay kong itatago sa puso ko lahat ng masasaya nating ala-ala. Sorry Geoffrey, sorry dahil minahal kita kahit alam kong para ka sa kapatid ko, pero hindi ako nagsisisi. Dahil ikaw ang pinakamagandang pagkakamaling nagawa ko.
"Namiss din kita."
"I love you.!
"Mahal din kita, sobra-sobra."
"Alam mo, kapag sinasabi mong ma- hal mo ako? Ewan ko ba kinikilig ako. Ang bakla ko noh?" Napangiti ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.
"Mahal na mahal kita. I love you. Alam mo bang tunay na lalaki lang ang isinasatinig ang pagmamahal nila?"
"Mahal na mahal din kita, hindi ko maintindihan. Yung dating inis at galit ko sayo noon? Bigla nalang parang nawalang lahat. Masaya ko sa piling mo at hindi ako nagsisising pinakasalan kita dahil ikaw ang pinakamagandang desisyong nagawa ko." Niyakap ko siya at hindi ko mapigilang mapaiyak. Alam ko. Nararamdaman ko. "Hey, nagiging iyakin ka na talaga? Nasaan na ba yung palabang Maurene?" Hindi kasi ako si Maurene, ako si Maxene at hindi ang kakambal ko.
"Nagbago ako para sayo, para mas maging karapat-dapat ako sayo."
"Napakasaya ko ngayon."
"'Ako rin. Sige na, umakyat ka na at mag-bihis. May sorpresa akO sayo." Kumalas siya sain at biglang pararng naging bata.
"Talaga? Siguro kaya hindi ako mapakali kanina kasi may sorpresa ka pala sakin! Sige magbibihis ako." Nung makaalis siya ay bigla akong napaupo sa sahig. Posible bang nararamdaman niyang aalis na ko sa piling niya? Pero wala akong magagawa, si Maurene ang asawa niya. At hindi ako pinalaki ng Papa na kumuha ng pagaari na ng iba!
Dito na ako naligo sa C.R sa kusina dahil naliligo na siya nung pumanik ako. Nagsuot lang ako ng isang simpleng bestida, binili ko ito nung minsan akong dumalaw kay papa. Hindi talaga kasi ko sanay sa mga pananamit ni Maurene. Nagpulbos at lipgloss lang ako. Agad kong iginayak yung lamesa. Luto naman na lahat kaya mabilis ko lang naayos. Kumuha rin ako ng isang red wine.Pinatay ko ang mga ilaw at nagsindi ng kandila.
"Whoaaa, anong okasyon? Bakit may candle light dinner tayo?"
"Nandyan ka na pala, halika dito. Naghanda ako ng masarap na hapunan." Nginitian ko siya ng ubod ng tamis. Kailangan kong maging masaya para hindi siya makahalata.
"Ang sweet mo Hon. Ikaw ang nagluto ng lahat ng yan?" Tumango ako at kinindatan ko siya. "Pati yung cake?"
"Oo, nagaaral ako hindi ba? Para sayo."
"Thank you Hon. I love you." Masaya kaming kumain. Kwentuhan at tawanan. Pilit kong ine-enjoy ang huling pagkakataon na ito. Kinakabisado ko lahat sa kanya. Yung pagtawa niya, yung pag ngiti niya, kung paano niya ako masdan. Lahat ng ito ay hahanap-hanapin kong panigurado. "Hon baka matunaw ako.." Kasalukuyan kami ngayong umiinom ng red wine ang totoo ay medyo nahihilo na ako dahil hindi naman talaga ako umiinom. Kaya nga hindi ko tinangkang magpunta sa bar kahit inaaya ako ni Geoff dahil tiyak na mabubuking ako.
"Ang gwapo kasi ng isa dyan."
"Naiinlab ka lalo ano?"
"Oo e." Tinungga ko lang lahat ng nasa baso ko at lumapit ako sa kanya. Kumandong ako, hindi ko maintindihan pero parang lumakas yung loob kong gawin ito. Dahil ba sa alak na yun?
"Hon."
"Ssshhh. I want to kiss you Geoff."
"Kiss me." I kiss him. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. to ang huling pagkakataong mahahalikan kita ng ganito. Ito ang huling gabi na maipaparamdam ko sayong mahal kita. Mahal na mahal.
"He-Hey! Umiiyak ka na naman."
"Kiss me Geoff, just kiss me." Hindi naman ako nabigo dahil pinagbigyan niya ako. Masama ba ako kung iniisip ko ngayon na sana ay may mangyari samin? Alam kong mali pero hindi ba pwede? Kahit sa huling pagkakataon. I felt his soft kisses on my neck, while his hands are on my breast. "Geoff!"
"Please Hon. Matagal na akong naghintay, pagbigyan mo na ako. I want to make love to you right now.." Hindi ko alam pero dala siguro ng alak at ng sobrang pagmamahal ay nagpaubaya ako.
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
The Substitute Bride ✔️(completed)
RomanceMaurene and Maxene are twins. Ikakasal na dapat si Maurene kay Geoffrey Anderson pero bigla siyang naaksidente at kailangang matuloy ang kasal, pero dahil in-coma si Maurene, kailangang mag panggap si Maxene bilang kanyang kakambal para matuloy ang...