CHAPTER 6NAPATANGA ako sa sunog na hotdog sa mesa.
Naman hotdog pa ba 'to? Kung hindi niya lang sinabing hotdog 'to mapagkakamalan ko 'tong uling.
"I tried to cook but I failed."
Pinagpraktisan pa talaga ang kusina ko. Hanep na babae 'to.
" Don't you worry , marami pa namang hotdog dito." Itinuro niya ang paper bag na nasa mesa.
Kumuha siya ng another batch ng hotdog doon.
Habang pinagmamasdan ko siyang tinatanggalan ng balot ang hotdog ay hindi ko mapigilang mapangiti.
Pa'no ba naman e parang hindi rin marunog magbalat itong babaeng 'to. Ramdam ko 'yong stress niya habang binabalatan ng balot ang hotdog.
Bumaba ang tingin ko sa hotdog na binabalatan niya. Pa'no kaya niya nabalatan iyong hotdog na nasunog niya kanina.
Bumalik ang tingin ko sa kanya. Focus na focus siya sa ginagawa at mukhang stress na stress.
Nawala ang ngiting sumilay sa aking labi nang may mapagtanto. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Iyong may ibang emosiyong makikita sa pagmumukha niya.
Dali-dali kong iniwas ang paningin sa kanya nang mapagtanto kong kanina ko pa pala siya tinititigan.
Bumaba ang tingin ko sa hawak kong alaga.
Kitang-kita ko kanina ang pagbabago ng awra niya nang makita niya ang dala ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya na ayaw niya nito.Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko't inilapag ang tuta sa upuan.
Pumunta ako sa may lababo at naghugas ng kamay. Pagkatapos ay pumunta sa puwesto ni Malificent. Kumuha ako ng isang hotdog na hindi pa na natatanggalan ng balot.
Napalingon siya sa 'kin sa ginawa ko, pero sandali lang at binalik agad niya ang atensiyon sa binabalatan.
"Tulungan na kita dito." Pangwasak ko sa katahimikan.
"Mukha kasing maaabutan ka pa ng ilang taon bago mo matanggal'tong mga balot nito," sarkastiko kong sabi.Bumalik ang tingin niya sa 'kin .
Ngumisi siya. "Mukha nga." Tipid niyang tugon bago iniwas ang tingin sa 'kin.
Ano ba ang problema niya? Bakit parang hindi siya mapakali.
Tumikhim ako. "Ayos ka lang
ba?"Tumango lang siya sa tanong ko. Hindi ko na lang siya inuusisa pa.
Pagkatapos naming tanggalan ng balat ang hotdog ay niluto ko na ito. Ako na ang nag presenta na magluto baka kasi masunog na naman niya.
Pagkatapos kong magluto ay kumain na agad kami.
Tahimik lang akong kumakain, maging siya. Kanina pa talaga ako nagtataka, apaka himala talaga na ang tahimik niya lang.
Tulad ng sabi ko mas gusto ko pang maingay siya keysa sa tahimik.Nakakatakot kasi pag ganito siya katahimik.
Nahuli ko ang pasimple niyang paglingon sa tuta na kumakain sa sahig. Hayst ang laki talaga ng problema niya sa dala ko.
" Binili mo ba ang tutang 'yan?" biglang tanong niya.
Umiling ako. "Alaga yan ng kaibigan ko, mula ngayon sa akin muna siya."
Napatango siya. "Ang cute niya." Komento niya habang nakatutok ang paningin sa kanyang plato.
Bahagya akong napangiwi sa sinabi niya. Cute talaga ha.
YOU ARE READING
𝙏𝙃𝙀 𝙋𝙎𝙔𝘾𝙃𝙊 𝙄𝙉 𝙍𝙀𝘿
General FictionWarning: R-SPG. MATURED SCENES, SENSITIVE CONTENT, ABUSE, AND VIOLENCE! The curse series 1: THE PSYCHO IN RED Akala ni Eugine ay hindi na siya makakabalik sa pag-aaral sa hirap ng buhay. Pero may isang oportunidad ang dumating sa kanya para makabal...