THE PSYCHO IN RED
•••˖♡♡˖•••
22"BAKIT GANYAN KA MAKATINGIN?"
kunot noo niyang tanong sabay subo ng pagkain."Wala lang, maganda lang kasi tulog ko kagabi." Nakangisi kong sabi habang nakatingin sa kanya. " Don't you remember?"
Napatigil naman siya sa pagsubo at nag iwas ng tingin sa 'kin.
"Ha? B-akit may ginawa ka ba sa 'kin kagabi?"My lips formed into arch. "Wala naman, in fact it's the opposite."
Wala siyang naging tugon sa'kin. Kumuha lamang siya nag baso at nag ipis ng tubig mula sa pitsel.
"Bakit 'di mo ba maalala 'yong ginawa mo sa 'kin kagabi?" panunudyo ko.
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo gumagawa ka na naman ba ng kuwento?" depensa niya sabay inom ng tubig.
"Well sinabi mo lang naman sa 'kin na miss mo ko."
Sa sinabi kong 'yon ay bigla na lang niyang naibuga ang tubig na iniinom niya.
Agad ko naman siyang nilapitan at tinapik sa balikat.
" Ayos ka lang ba, Eugine?"Agad naman siyang tumango.
" A-ayos lang ako."Napatingin ako sa kanya na parang naka recover na mula sa pagkakabulunan pero napansin ko na sobrang pula ng leeg at tenga niya. Sigurado ba siyang ayos lang siya.
"Eugine," tawag ko sa pangalan niya. "Ayos ka lang ba talaga?" tanong ko sabay hawak sa tenga niya. " Bakit ang pula-pula ng tenga mo-"
Hindi ko na natapos ang sabihin ng biglang tinapik niya agad ang kamay kong nakahawak sa tenga niya.
"A-ayos lang ako." tugon niya habang ang palad ay nakatapik sa kanyang tenga.
Nagkibit balikat na lang ako at bumalik na sa pagkakaupo sa gilid niya.
Bumalik ang paningin ko sa kanya. Ang sarap niya talagang panuorin kumain.
Napansin kong may ketchup sa gilid ng labi niya. Balak ko sana itong pahiran gamit ang daliri ko nang biglang lumingon siya sa 'kin.
"Bakit 'di ka kumakain? Lumalamig na 'yan." sabi niya pero ang paningin ay wala na sa 'kin.
Itinulak niya ang plato ko sa 'kin habang ang paningin ay nanatili sa kanyang pinggan.
May problema ba siya? Bakit ayaw niyang tumingin sa 'kin?
Kanina ko pa talaga siya napapansin na hindi nakikipag eye contact sa 'kin. Gano'n na ba niya ako ka hate? kahit pag lingon lang sa 'kin ng sandali ay 'di niya kaya?
"Kumain ka na." utos niya sa 'kin.
Napatingin naman ako sa pinggan na na may pagkain na nasa harapan ko. Sunny side up, itlog, at kanin, the typical dish for breakfast, na siya mismo ang nagluto.
I should be happy kasi makakain ako ng niluto niya but I felt a bit disappointed. Akala ko maaalala niya 'yong sinabi niya kagabi, I thought I could glimpse a confirmation from him this morning but I failed. Sa pinapakita niya lang ay nakumpirma kong baka na sabi niya lang talaga 'yon out of drunkenness.
"Kumain ka na kasi."
Wala sa sariling napailing ako.
"Hayst." he rapsed frustratedly habang kinuha ang kutsara ko at nag sandok ng kanin at ulam.
YOU ARE READING
𝙏𝙃𝙀 𝙋𝙎𝙔𝘾𝙃𝙊 𝙄𝙉 𝙍𝙀𝘿
General FictionWarning: R-SPG. MATURED SCENES, SENSITIVE CONTENT, ABUSE, AND VIOLENCE! The curse series 1: THE PSYCHO IN RED Akala ni Eugine ay hindi na siya makakabalik sa pag-aaral sa hirap ng buhay. Pero may isang oportunidad ang dumating sa kanya para makabal...