THE PSYCHO IN RED 15

38 9 3
                                    

AN:Medyo mahaba 'to kasi last pov na 'to ni Eugine. Abangan n'yo naman ang pov ni Malificent sa next chapters. Thank you.♡⁠˖⁠꒰⁠ᵕ⁠༚⁠ᵕ⁠⑅⁠꒱

CHAPTER 15
•••˖⁠♡♡♡⁠˖•••

"GOOD MORNING, SIR!"

"Good morning din po."

Kasalukuyan pala akong naglalakad sa hallway papuntang office ni Allison. Nakasalukbit naman sa likuran ko ang hindi kalakihang itim na backpack ko.

Habang dumadaan sa hallway ay may mga staff or mga trabahante sa building ang bumabati sa 'kin kaya binabati ko rin sila pabalik.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang hindi mapansin ang mga abstract painting na nakasabit sa wall ng hallway at ang mga halamang malulusog na nakadisplay sa bawat sulok ng hallway. Hindi ko rin maiwasang hindi pansinin ang mga establisyimento sa ibaba na matatanaw ko mula sa glasswall ng building.

Malapit na sana ako sa mismong pintuan ng office ni Allison nang matigilan ako.

I saw a familiar woman, wearing a white long sleeves and black skirt, while walking with a confident strut towards my direction.

Nang isang dipa na lang ang layo ko sa kanya ay natigagal ako nang maaninag ko nang husto ang pagmumukha niya. Now way!

"Rhey?" mahinang banggit ko sa pangalan ng babaeng ngayon ay nasa harapan ko na.

Umangat ang mukha niya sa 'kin kaya't nagsalubong ang mga mata naming dalawa. I was stupefied when I saw how her eerie and stonelike eyes pierced through mine. Is this really her or baka kamukha niya lang?

Dumako ang paningin ko sa maliit niyang nunal na nasa gilid lang ng kanyang kanang mata. Dahil do'n ay nakumpirma kong siya nga ito.

"Rhey? Kumus-"

"Get out of my way."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang lamig at diin sa klase ng pagkabigkas n'ya. Tila ba galit siya na pinigilan n'ya lang.

"Rhey? 'Di mo ba ko nakilala? Ako 'to si Eugine-"

"I said...Get.Out.Of my.Way,"
putol niya sa sasabihin ko, this time mas madiin na ang pagkakabigkas n'ya.

Natigilan ako pero hindi ko namalayang kusa na palang gumilid ang katawan ko para bigyang hawan ang daan sa harapan n'ya. Humakbang siya hanggang sa nakalampas na siya sa 'kin.

"Rhey!" tawag ko ulit sa pangalan n'ya pero hindi niya ako nilingon. Posible nga kayang nagkamali lang ako? But I was really sure that's Rhey. Kahit na medyo nagbago ang awra n'ya, naging supistekada ito at ang dating pilyang mga mata ay napalitan ng kalamigan, alam ko paring s'ya 'yon.

Tuluyan ng nawala ang presensiya niya sa hallway. Pero nandito parin ako naiwan sa puwesto ko na naguguluhan.

Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Huling beses kong kita sa kanya ay 'yong burol ng mga magulang n'ya. Kakagaling n'ya lang sa comma non ng mahigit anim na buwan. It was really a dreadful moment, when she went back home after her discharge only to heard a devastating news about her beloved parents.

𝙏𝙃𝙀 𝙋𝙎𝙔𝘾𝙃𝙊 𝙄𝙉 𝙍𝙀𝘿Where stories live. Discover now