THE PSYCHO IN RED 9

42 20 23
                                    


CHAPTER 9


WARNING: R-18




" ANG GALING PALANG PUMILI NI MADAM!"

Naglalakad kami sa isang pasilyo papunta sa kwarto ni Malificent.
Napakalawak pala nitong mansiyon nila.

" E kay gwapo niyo po sir at mukhang mabait."

Napangiti ako sa sinabi niya.

Huminto kami sa pinakahuling room ng pasilyo.

"Dito po ang room ni madam sir." Itinuro niya ang kulay pulang pintuan.

Kumatok siya sa pinto. "Madam, 'andito po ang boyfriend niyo."

Halos mabulunan ako ng sariling laway sa sinabi ng matanda.

" Sir, kayo na po ang pumasok at painumin niyo siya ng gamot." Inabot niya sa 'kin ang tray na may baso ng tubig at isang pirasong gamot. "Magluluto muna ako ng pagkain."

Tinanguan ko si manang. Nang makaalis siya ay dahan-dahan kong pinihit ang siradula ng pintuan. Nang mabuksan ko ang pintuan ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa kama niya.

Nakita ko siya roon na nakahiga ng patagilid at balot na balot ng pulang kumot.

Masasabi kong mahilig talaga siya sa pulang kulay. Kasi halos lahat ng gamit ng kwarto niya ay kulay pula.

Dahan-dahan akong lumapit papunta sa kanya.

Tumikhim ako bago magsalita.
"Malificent." Tawag ko sa kanya.

Wala akong narinig na tugon mula sa kanya. Mukhang tulog siya.

Inilapag ko ang tray sa katabing mesa ng kanyang kama.

Nakatayo ako malapit sa kama niya habang pinagmamasdan ko siya.

Tsk. Tigas kasi ng ulo nito kahapon. Sinabi ng umuwi na kami pero anong ginawa, nagpa-ulan. Hayst.

Pero may kasalanan din ako. Mas pinili kong sundan ang trip niya kaysa sa pigilan siya.

" Hmm..." Gumalaw siya at umiba ng puwesto. Nakatagilid parin siya pero nakaharap na sa 'kin.

Mukhang naramdaman niya ang aking presensiya sa kanyang kwarto kaya't dahan-dahang bumuka ang talukap ng kanyang mga mata.

Namumungay ang kanyang mga mata habang nakaangat ang paningin sa 'kin. Bakas ang pagkagulat sa kanyang mga mata nang makita akong nakatayo sa harap niya pero sandali lang iyon at napalitan ng kakaibang tingin.

Medyo natigilan ako sa nasaksihan. Ganito pala ang mukha niya kapag may sakit. She looked so fragile at this moment.

" I miss you, Eugine, " ani niya gamit ang mahinang boses.

Nangunot ang noo ko habang nakamasid sa kanya. "Ang tigas kasi ng ulo mo babae.'Yan nagkasakit ka tuloy." Sabi ko habang nakahalukipkip ang mga braso.

Ngumiti lamang siya. "I don't regret it though."

"Tsk." Itinuro ko ang gamot na nasa mesa. "Uminom ka na ng gamot."

Umiling siya. "I don't need that, I'll be fine."

" Hayst, 'wag matigas ang ulo Malificent." Kinuha ko ang baso at gamot sa tray at pilit na inabot sa kanya. Pero tumalikod lamang siya.

" Why are you here by the way? Are you worried on me?" nanunukso niyang tanong habang nakatalikod sa 'kin.

Sandali akong natigilan sa sinabi niya pero nang alam ko na ang sagot ay agad ko rin siyang tinugunan.

𝙏𝙃𝙀 𝙋𝙎𝙔𝘾𝙃𝙊 𝙄𝙉 𝙍𝙀𝘿Where stories live. Discover now