Pusa

230 2 0
                                    

Jeff × Andy

"Hoy!!!" Sigaw ko habang pinag hahampas ko yung metal na gate ni Jeff. "Hoy lumabas ka dyan Jeff!"

Maya maya lamang ay nakita ko na ang bulto nya na papalabas na sa bahay. Kunot ang noo nito at masama ang tingin sa akin.

Huh! Akala nya ba ma tatakot nya ako sa ganyan nya! May purpose ako at may karapatan para gambalain sya sa kung ano mang trabaho meron sya dyan sa loob nyan.

"Ano ba!?" Aba! Sya pa talaga ang may karapatang mainis ngayon!

"Hoy! Yang pusa mo ha, pag sabihan mo yan!" Inis kong sambit kay Jeff habang tinuturo yung pusa nya na naka upo at dinidilaan ang paa. Huh! May gana pa talagang baliwalain ako dito at mag paka laid back!

"Ano namang ginawa ng pusa ko?" Malumanay nyang sambit sa akin at bored akong tiningnan.

"Yang pusa mo, bigyan mo ng condom kung may balak na lumandi at kung may balak man mag parami siguraduhing marunong mang sustento!" Sigaw ko sa amo ng pusang walang kwenta.

"What are you talking about?" Tanong nya at dinampot nya ang  pusa nya at ni lambing lambing pa. "What did you do my boi?" Palambing nyang tanong sa pusa nya.

"Aba! Umi english english ka pa talaga! Por yor inpormeysyon! Binuntis ng pusa mo ang pusa ko!" Talak ko dito habang ina amo pa ang pusa nyang walang kwentang ama.

"How did you say so?" Tanong nya sa akin at ibinaba nya yung pusa nya na tumakbo papasok sa bahay nila. May balak atang takbuhan ang pamilya nya!

"Excuse me mister!" Sabi ko.

"Yes...misis ko." Sabi nya nakangising aso.

Aba takte hindi ako prepared doon ah. Atsaka misis? Excuse me. Lalaki ako por Pete's sake!!!! Isinawalang bahala ko iyon at pinagtuonan ng pansin ang pakay ko.

Ehem.

"Para sa kaalaman mo! Yung pusa ko nawala ng ilang linggo tapos bumalik buntis na pala. Tinanan nyang pusa mo tapos naghiwalay, tapos nanganak. Nalaman ko nalang na buntis eh pagkalabas nung mga chikiting nila!" Habang ipinapaliwanag ay gumagawa ako ng senaryo sa utak ko kung paano nila nagawang magtaksil sa akin. Kung paano tinanan ng pusa ni Jeff si Niyeve na pusa ko ang anak ko!!

"And? Pano mo naman nalaman na si Dark ang nakabuntis sa pusa mo?" Tanong nya sa akin na parang baliwala lang sakanya ang mga anak ni Niyeve at Dark na APO NYA RIN!!!! Umuusok na ata ang  dalawa kong tenga dahil sa inis at galit.

" Wala kang kwentang lolo! Tinanatanggi mo ang apo natin! Kulay itim puti at batik ang mga anak nila, tapos ipag kakanulo mo sila? Wala kang kwentang lolo !" Sigaw ko dito.

" Chill babe." He said and chuckle. " Okay, okay. Hindi ko naman tinatanggi. Naniniguro lang."

"Kahit na! Para mo na rin naman silang tinanggi!" Sigaw ko sa mokong.

"Chill babe. Chill." Sabi nya at inayos ang pustora niya.

"Tustusan mo at ng pusa mo ang mag iina ko!" Pinal kong sabi dito.

"We're going to fix this. Titira ang pusa mo at mga apo NATIN sa bahay ko or vice versa. You pick babe." Nakangisi nyang sambit at tinaas baba pa ang kilay sa akin.

"Babe my ass! At sinong nag sabing titira kami sainyo! Excuse me Jeff walang titira!" Sigaw ko sa mga pinag iisip nyang palpak.

"Ayaw mo akong patirahin?" Naka ngisi nyang tanong.

"At bakit-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng ma realize ang sinabi nya. "Fuck you!" Sigaw ko dito dahil sa ka bulastugan ng utak.

"Sure. When? But... You're the one who's going to be fucked." Kibit balikat nyang sabi.

Sa sobrang inis ko ay ibinato ko sakanya ang pambahay kong tsinelas ng hindi pa makuntento ay hinampas hampas ko na sya. Panay naman ang ilag nya at tawa sa pinag gagawa ko. The pusa, sustento and pananagutan has been forgotten.

-

-lanaoil-

BL ONE SHOTSWhere stories live. Discover now