Circles

42 4 0
                                    

"Jerin!" Sigaw ni James saakin. Alam ko na gusto nyan hay nako.

Kasalukuyan akong nag aayos ng mga projects ko dahil bukas na ang pasahan. Rush na kami dahil sinabay sabay ng mga prof namin ang deadline tapos kahapon lang nag announce ng mga projects nakaka urat.

"Saglit lang!" Sigaw ko pabalik dito. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin. Malaking lalaki itong si James matangkad at matipuno ang katawan para bang mga nasa 20's na sya pero 18 palang naman sya.

As usual ipinatong nanaman nito ang braso sa balikat ko habang naka upo sa may bakanteng space ng arm chair ko.

"Ano ba, alis ka dyan yung mga projects ko baka mahulog." Reklamo ko dito. Sa halip na umalis sya ay mas isiniksik nya pa ang sarili nya sa akin. Wala na naman iyon malisya sa akin dahil alam kong straight sya. Soooobrraaaang straight.

"Wow ha! Tapos pag si Marko naupo dito tapos umaakbay sayo okay lang. Tsss" sabi nito at ipinatong pa ang baba nito sa may ulo ko.

Straight sya at bisexual ako. Nakailang jowa na akong lalaki at nag ka crush na babae pero walang tumagal sa akin. Yung isa naman nag pa Davao dahil doon mag sisimula ng SHS.

Nasa ika labing dalawang baitang na ako at kasalukuyang nag aaral sa pampublikong paaralan, General Academic Strand ang kinuha ko.

"Kahit hindi naman yon naupo sa armchair ko." Sabi ko pa dito habang naka pokus sa projects ko.

Lumipat ang kamay nya mula sa balikat papuntang pisngi ko at pinisil iyon ng marahan. Kita ko naman sa peripheral vision ko si Jan na nakatingin sa amin.

Alam ko na ang iniisip nito. Kung titingnan mo lang sya ay parang blangko at bored sya kung makatingin, pero alam ko sa sarili ko na sa kaloob looban nyan ay nagwawala na sya. Natatandaan ko pa nung kinausap nya ako, ship nya daw kaming dalawa ni James. Napailing nalamang ako noon at napangiti. Hayyyssst bawal straight yan.

Si Jan kasi yung kaibigan ko simula nung elementary na nakaintindi sakin about my gender sexuality. Sya yung na lalabasan ko ng mga hinanakit at kasayahan ko noon. Kaya alam ko na tuwang tuwa yan dahil layag ang ship nyan. Tanda ko pa nung December na nag paper dance at inalok ako netong James nato sa lintik na larong iyon. Tuwang tuwa at pinicturan pa kami ni Jan pati narin iyong close nyang pinsan na si Gin ang clown ng room at yung mathematician naming kaibigan na si Rome kung saan naging partner rin sa paper dance.

"Jerin may extra bond paper ka?" Na gising ako mula sa pag iisip ng humingi sa akin si Marko ng bond paper.

Marko, transferee sya nung grade 11 kami mula sa University at lumipat dito sa kadahilanang hindi ko alam. Maputi, matangkad, gwapo at medyo lang matalino. Kaibigan namin nina James (circle of friends)

"Kuha ka na lang dyan" turo  ko sa isang desk na may nakalagay na mga gamit ko.

Kumuha naman si Marko at nakita kong lima ang kinuha. Hayop talaga toh kahit kailan.

"Kanina pa ako dito nagsasalita tapos hindi moko pinapansin, hinayaan lang kita kasi busy ka tapos pag si Marko. Favoritism." Sabi ni James at umalis nalang bigla. Hindi ko napansin na hindi pa pala sya umaalis sa kinauupuan nyang desk at hindi ko naman narinig mga sinasabi nya.

Kibit balikat kong binalik ang atensyon ko sa ginagawa hindi rin nagtagal ay bigla nanaman akong istorbohin ni Marko dahil magpapasama daw mag pa print sa teacher's office. Libre lang naman iyon at malamig na tubig pero di ko alam kung bakit yung section lang namin nakaka ganon. Siguro nahihiya yung ibang section.

Hindi narin naman ako naka reklamo pa ng hilahin na nya ako papuntang teacher's office. Bababa pa kami papuntang kabilang building.

"Kainis ka naman!" Reklamo ko dito habang hawak hawak nya ang pala pulsuhan ko at hila hila papuntang office.

"Sasamahan mo lang naman ako. Lakas mo kaya sa mga teacher." Sabi pa nito. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod nalang dito.

Pagkarating namin ay nakipag chikahan pa ako sa mga teacher at nakipagbiruan habang nag aasikaso ng ipa pa print ng mokong. Sinabay ko na rin yung akin para isahan nalang.

Nang matapos ay dumiretso muna kami ng canteen para bumili, libre daw ako ni Marko kaya forda go ako.

Nakarating kami sa canteen at nakita ko doon ang circle of friends namin, lumapit agad kami dito at naupo sa bakanteng upuan. Nagtanong pa sila kung ano yung dala namin at sinagot naman namin kung ano iyon.

"Order mo nga ako ng Pizza at Fries" sabi ko kay Marko na naka kunot lang ang noo. "Sabi mo libre mo eh" kibit balikat kong sabi.

"Oo pero sinabi ko bang pagsisilbihan kita?" Sabi nito napairap nalang ako at tumayo dahil alam ko namang magpapasama ang tukmol na ito.

Aalis na sana kami ng biglang humirit si James na sasama daw ito kaya hinintay namin itong maka alis sa upuan at makalapit sa amin. Nagkataon namang ipinatong ni Marko ang mga braso nya sa balikat ko kaya naman hindi na nagawa ni James yung balak nya sanang gawin. Nagkibit balikat nalang ako at hinawakan naman ng marahan ang bewang ni Marko para suportahan ang sarili. Ang bigat kasi ng gago. Magkakatangkad lang kaming tatlo kaya hindi hassle.Kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa gilid paraan upang makita ko ng malinawan kung gano ka hulmado ang panga nya at ang addams apple nito.

Ang gwapo.

"Baka matunaw yan." Nagulat ako sa biglang bulong ni Marko malapit sa tenga ako.

"Gago!" Bulong ko pabalik.

"Jealous yarn." Bulong na sabi nito sa akin at tiningnan si James na may ngisi. Nilingon ko naman ito at ang sama ng tingin nya sa amin.

"Papatay ka ba ng tao? Don't tell me may pinag awayan kayo ni Marko?" Tanong ko dito. Ibinaling nya naman ang tingin sa akin at inirapan ako at nauna na sa amin. Gulat ako at ibinaling ko ang tingin kay Marko na ngayon ay nag pipigil na ng tawa.

"Boang ka ba?" Tanong ko dito at naiiling iling lang na sumagot ito.

"That man" turo nito sa bulto ni James na nuuna na. "Is jealous". Bulong nya malapit sa tenga ko.

Napatanga nalang ako dahil sa pinag sasabi nitong lalaki na naka akbay parin sa akin at nakahawak parin ako sa bewang nya. Sino, si James selos? Kanino? Sa akin? Sa amin? Bakit?

Napapailing nalamang ako at hinayaan nalamang na mag kwento itong Marko sa tabi ko na sinasangayunan ko naman. Nang maka order kami ay pinahawak pa ng walangyang ito ang tray kay James. Masama naman syang tumingin sa amin at nilagpasan lang kami.

Naiiling iling nalang si Marko dahil sa inasta ni James at kinuha ang tray at ibinigay sa akin. Sinamaan ko naman ito ng tingin atsaka kinuha. Ipinulupot naman nya ang mga braso nya sa bewang ko na hinayaan ko nalang.

Bakit ganon, magka iba talaga ang epekto pag si James ang gumagawa nito sa akin. I know to myself na may gusto ako kay James pero alam ko rin na indenial ako dahil alam kong malulugi ako sa huli.

-

I'm suuuppeeerr duuupppeeerr dedicated to make this story because of my classmates. Yung tatlo hindi nila iyan totoong pangalan, ganyan na ganyan sila sooobbbrraaaa. As In! Sobrang kilig ko na sa kaloob looban ko nyan pero kailangan nating maging kalmado. Nakakabawas angas iyon. So yeah! Thanks for reading and I much appreciate your vote po☺️ Please vote na😔

-lanaoil-

BL ONE SHOTSWhere stories live. Discover now