Bestfriend

99 2 0
                                    

Sixth Derren × Aaron Joshua

(Third person's POV)

"Pssst, Sais!" Pabulong na sigaw ni Elaine kay Sixth na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit sa kanilang classroom. Hapon na at nag si uwian na naman ang ibang mga estudyante na hindi naka schedule para maglinis.

Liningon ni Sixth ang kung sino ang tumawag sakanya. Tinaasan nya ito ng dalawang kilay bilang patanong na tugon.

"May payong ka? Pwedeng sabay na tayo umuwi? Wala kasi akong payong at saka maulan." Sabi ni Elaine kay Sixth.

Agad namang natauhan at parang may biglang naalalang bagay na kinakailangan nya nang puntahan. Oo nga pala walang dalang payong ang si Joshua.

Nagmamadaling kinuha ni Sixth ang bag nya at kinuha ang payong nya at ibinigay iyon kay Elaine. Samantalang natulala na lamang si Elaine dahil hindi ito ang inaasahan nyang mangyayari.

"Pano ka?" Tanong pa ni Elaine kay Sixth na ngayon ay kinukuha ang kanyang leather jacket at dali daling isinakbit ang bag nya sa kanyang balikat.

"Can handle myself." Sabi na nya lamang at lumabas na ng silid. Lakad takbo syang dumadaan sa corridor para maabutan pa ang kaibigan.

.

"Joshnunu!"  Sigaw ni Sais ng makita ang kaibigan nya. "Wala kang dalang payong?" Simpleng tanong lang nito dito.

"Bakit?" Tanong nito sakanya.

"Sabay ka nalang sakin. May leather jacket ako siguro okay na rin naman ito." Walang gana nyang sagot at diretso lang ang tingin kay Joshua.

"Hay nako Sais!" Natatawang sambit nya na lamang. Napapailing na lamang sya at tumango na lamang dahil sa naiisip ng kaibigan. May pag ka sa tanga talaga sambit nya sa isip nya. "Ikaw mag hawak nyan tol ah!" dugtong nya pa. Tutal naman ay matangkad si Sixth sakanya ng isang pulgada at tinatamad pa sya.

Akmang aalis na sila ng may biglang tumawag sa kanila. Liningon nila ito at nakitang ang mokong nilang kaibigan na si Clyde. May bitbit itong payong na ginagamit mga tindero sa palengke. Rainbow ang color at may puti iyong stick na kasama pa. Halatang luma na iyon dahil sa medyo sira sirang itsura na parang dinoktor na lamang.

Lumapit sa kanila si Clyde habang ngingiti ngiti. Blangko ang tingin ni Sixth sakanya at puno naman ng disgusto kung maka tingin sakanya si Aaron Joshua.

"Sakto share nalang tayo dito mga tol!" Masayang sambit ni Clyde sa dalawa.

"Saan mo naman yan nakuhang tarantado ka!?" Taas kilay na tanong ni Joshua kay Clyde.

"Hiniram ko lang to kay manong na tumitinda ng tusok tusok. May bago kasi syang payong na ganito kaya ayun pinahiram nya naman." Ngiting sabi ni Clyde.

Napailing nalamang si Sixth dahil sa ginawa ng kaibigan. Ipinatong nya nalamang ang braso nya sa kay Joshua at tinanguan na lamang si Clyde upang buksan na ang payong nitong ipinagmamalaki.

"Dito ka sa side ko Clyde." Sabi nito dito.

Agad namang pumunta sa kabilang tabi si Clyde at ibinigay nito ang payong kasy Sixth at sya na ang may hawak. Mag kasing tangkad lang naman sila pero sya parin ang humawak ng payong dahil nasa gitna sya. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa payong habang ang isa naman ay naka akbay kay Joshua.

"Trio daw pero may mag jowa." Bulong ni Clyde kay Sixth sapat lang para sila lang dalawa ang makarinig.

"Panira ka!" Pabulong na sigaw nito dito.

Malakas namang tumawa ang mokong na si Clyde habang naka hawak sa tiyan. Naiiling iling na lamang si Sixth at tiningnan ang isang katabi na nakatingin kay Clyde na may pag ka disgusto.

"Baliw ka ba?" Tanong ni Joshua kay Clyde.

Nagpatuloy ang paglalakad nilang tatlo habang hindi parin naaalis ang pagka akbay ni Sixth kay Joshua.

"Joshnunu, Joshnunu, Joshnunu tsk tsk tsk. You're such a numb one there my dear friend." Pabiro nitong sabi kay Joshua. Hindi nalang niya iyon binigyan pansin at mas sumiksik pa sa katabi dahil nilalamig ito. Hinigpitan naman ngunit gentle ang pagkaka akbay ni Sixth kay Joshua.

Clyde on the other hand just stare at the two enjoying the little dumb and the numbest moment his friends have.

"Tangina mo Sixth!! Wag mo ibigay lahat ng lilim ng payong kay Joshua!!! Masyado kang bias! Wala kayong ambag sa payong, ako ang may ambag nyan tapos ang kapal ng mukha mong basain ako!!!" Clyde and his anger issues.

-

-lanaoil-

BL ONE SHOTSWhere stories live. Discover now