Akala

118 2 0
                                    

Yin × Hoshu

"You said that!" Sigaw sa akin ni Yin dahil sa katotohanang nalaman.

Wala akong makapang salita dahil sa gulat. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan ka galit.

"Oo." Pag amin ko. "Pero... Totoo naman lahat ng iyon, kasalanan nya naman kung bakit kayo nasira. It's her fault Yin! She cheated on you!" Sigaw ko sakanya.

"Cheat!? Pano mo masasabing cheat iyon!? Ha!" Sigaw nya, galit na galit na sya at namumula na.

"She's with a man." I said in a low voice. Nawawalan na ako ng lakas habang nakatitig sakanya.

8 years na ang nakalipas ng mangyari iyon. I saw Athena with another man and I thought she was having an affair. Hindi ko alam na bestfriend nya lang iyon hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil iba kasi tingnan ang dalawa. Ako pala ang mali. Sa loob ng walong taon ako ang naging kadamay ni Yin ng mag hiwalay sila ako ang laging nasa tabi nya hanggang mahulog sya sa akin. Limang taon na kami ngayon, nag sasama sa iisang bubong masaya at nagmamahalan. Pero akala ko naka move on na sya. Si Athena parin pala. Masasabi ko iyon based on his reaction. Galit na galit sya dahil mali ang inakala nya. Namin.

"Sorry." Sabi ko at umiiyak pa rin. "Iba kasi tingnan akala ko... Akala ko kasi nagloloko sya sa'yo." Pag hingi ko ng paumanhin sakanya.

Pinaka titigan nya lang ako at tiim bagang tumingin sa kawalan. Nagpipigil sya alam ko iyon kuyom ang kamao nya at alam kong hindi na nya kakayanin pa. Lalapitan ko na sana sya kaso... Natakot ako. Natatakot ako na baka pag lapit ko hindi na ako, mawawala sa akin yung taong minahal ko ng sobra.

"Athena said.... She's going to wait for you." Sabi ko. "Nag kita kami nung isang araw. Sinabi nya iyon sa akin. Galit din sya kasi." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko ng dahil sa pag iyak. "Kasi sinira ko kayo. Ako yung dahilan kung bakit. Bakit kayo naghiwalay."

"Where is she?" Tiim bagang nyang sabi. Tila parang nasira ang mundo ko sa tanong na iyon. Hindi ba talaga ako? Sya parin ba? Si Athena parin ba?

"Her.... Favorite place." Isang sabi kong iyon ay walang dalawang pag aalinlangan syang umalis agad. Nagmamadali.

Hindi ko na kinaya at nawalan ng lakas ang tuhod ko at napa upo. Doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Iyak ako ng iyak dahil sa nangyari.

Akala ko ako na. Akala ko masaya na sya sa akin. Akala ko sapat na ako. Dahil ba sa lalaki lang ako at babae sya? Dahil ba sa kaya nyang ibigay lahat sakanya na hindi ko kayang ibigay man lang?

Iyak lang ako ng iyak dahil sa mga iniisip ko. What if hindi ko nalang sinabi sa kanya yung nakita ko? What if hindi nalang ako nangi alam? What if.

What if hindi ko nalang sya minahal?

Tama nga si Athena. Mang aagaw ako. Attention seeker. Inagaw ko si Yin sakanya ang lalaking minahal ko ng sobra sobra.

Halos tatlong oras na akong nakatulala sa kawalan. Yakap yakap ang dalawang tuhod ko at naka tingin sa labas ng gusali kung saan kitang kita ang lahat ng building sa syudad.

"Shu" liningon ko ang taong tumawag sa akin. Ang kaisa isahang taong tumatawag sa palayaw ko.

"Yin" dahan-dahan akong tumayo.

"Don't you ever dare talk to her again." Tiim bagang nya pang sabi sa akin.

Tumulo nanaman ang mga luha ko na akala ko ay hindi na mangyayari pa.

"Sorry kasi-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla nya akong yakapin.

"Wala syang karapatan na pag sabihan ka ng ganon. Galit lang ako kanina dahil iniisip mo na nag cheat sya sa akin. She didn't because she did that on purpose it's not cheating for me. It's called manipulating. She manipulate us. I'm sorry kung sinigawan kita. I know na hindi mo gustong sinisigawan ka. It was stupid of me. Baby, I love you so much. Ikaw at ikaw pa rin. Don't over think hmm. Hindi ako umalis dahil babalikan ko sya. Umalis lang ako para pag sabihan sya na tigilan ka na." Umalis sya sa pagkakayakap at hinarap ako. Muli nanamang tumulo ang luha ko ng sa wakas ay makita ko ang payapa nyang mukha.

" Shhh don't cry baby, my Shu. I love you. Ikaw na, at kung iniisip mo na sya parin, well baby no. Hindi na sya. Baby I love you and thank you for being there to me. Thank you dahil dumating ka. Thank you dahil nangyari iyon kasi kung hindi walang tayo. Hindi ako magiging masaya sa taong minahal ko ng sobra, sa taong nagturo sa akin ng mag mahal ulit. Thank you baby, I love you so much. Ikaw lang." Sabi nya at niyakap ako. Tinugon ko ang yakap na iyon at isinubsob ang mukha sa dibdib nya.

Iyak lang ako ng iyak dahil akala ko ay matatapos na ang lahat. Mawawala sya sa akin. Akala ko hindi na nya ako mahal. Akala ko hindi ako sapat. Akala ko sya parin.

" Baby." Tawag sa akin ni Yin

" Hmmm" tugon ko.

"Kanina ko pa napapansin. Hindi mo ako tinatawag sa endearment mo sa akin tapos hindi ka nag I love you too." Patampo nyang sabi sa akin ngunit hindi nya inihihiwalay ang yakap.

"Serves you right! Pinag alala mo ako at pinag overthink."biro ko sakanya at hinampas sya ng pabiro. Hindi naman ata sya nasaktan dahil hindi naman sya nag aray.

" Sorry na nga eh. Baby Shu I love you."sabi nya at hinarap akong naka nguso.

" Para kang suso"natatawa kong sabi dahil doon ay mas humaba pa ang pag nguso nya. Natawa nalang ako at napapailing bago tinugon ang sabi nya.

" I love you too my Yinyin."

-

lanaoil

BL ONE SHOTSWhere stories live. Discover now