Help me Megaphone

63 2 0
                                    

"What the hell are you doing here?" Sigaw sa akin ni Andy.

Jusko naman konti nalang siguro magiging megaphone na tong taong ito. Lagi nalang naka volume ang boses.

"Ano ba naman yan." Iritadong kong sabi at iritadong kinusot ang tenga ko.

Kasalukuyan akong tumatambay sa bahay ng walang kwenta kong kababata. Naka taas ang paa ko sa center table sa sala at nanonood ng pelikula.

"Wow! Ikaw pa may balak na mairita dyan. Hoy! Sinasabi ko sayo lumayas ka na dito dahil hindi kita kailangan dito!" Sigaw nanaman nito sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy ang panonood ng pelikula.

Hindi ko na rin nardaman pa ang presensya nya. I look over my shoulder to see him in the kitchen. Tinuon kong muli ang pansin ko sa panonood at ng mapagod ay pumunta ako ng kusina upang panoorin sya magluto ng adobo.

"Wow ah, ang sweet mo naman pinag lulutuan moko ng adobo" naka ngisi kong sabi at ipinatong ang palad sa lababo at pinagmasdan lang syang nagluluto. He look so passionate while doing it can't help to admire him even more not in a romantic way tho. I admire him because of his cooking skill, just that no malicious way.

"Tanga. Ang assuming mo naman para isiping sa'yo toh!" Iritado nyang sabi pero hindi na naka volume.

"Don't tell me sa'yo lang lahat ng yan?" Tanong ko. Ngunot ang noo kong pinagmasdan lang sya habang nag aayos ng mesa.

"Huh?" Sambit ko ng makitang tatlo ang hinanda nyang plato sa hapag. Don't tell me may multo itong nakikita. Or imaginary friend. Wait..No!

Tinakip ko ang palad ko sa bibig ko at naluluha na. Tiningnan nya naman ako na kunot ang noo. Lumapit ako sakanya at niyakap sya ng mahigpit.

Napaka walang kwenta kong kaibigan. Bakit hindi ko alam na nagkakaganito na sya. Naluluha pa rin ako at pilit na hinahagol ang likod nya.

"Par, alam ko na mahirap ang sitwasyon na ito pero... Sabihin mo lang sa akin ang problema. I'm all ears don't worry." Ma drama ko pa ring sabi at pilit sya ina alo.

"Ano bang-" hindi na nya naituloy pa ang sasabihin nya dahil sa may nagsalita mula sa likuran ko.

"The fuck!" Liningon ko angkung sino man ang nag mura. Matangkad, gwapo, may itim na buhok at matangos ang ilong.

"Who are you?" We both ask at each other.

In fairness dito ah gwapo kaso ... Not my type.

"Hala puta yung adobo!" Napalingon kami pareho sa sigaw ni Andy at dali daling pumunta sa kusina para patayin ang apoy doon sa nilulutong adobo.

Lalapit na sana ako kay Andy pero inunahan ako ng lalaking kararating lang. Lumapit sya dito at inakbayan ito at laking gulat ko nalang ng halikan nya ito sa labi at tumingin sa akin ng pag ka talim talim. Ginantihan naman ni Andy ang halik na ibinigay sakanya nung lalaki.

"Hoy!" Sigaw ko sa dalawa dahilan upang matigil ang ginagawa nila.

"Bakit ba!" Iritadong sabi sa akin ni Andy.

Lumapit ako dito at isinawalang bahala na lamang iyong tingin sa akin nung lalaking sobrang talim pa rin ng tingin sa akin.

Tinuro ko si Andy na naka kunot ang noong tiningnan din ako.

"Matutulungan moko!!!!" Sigaw ko at nagtatalon sa tuwa.

.

"Eh?" Kunot noo si Andy na tumugon sa mga pinag sasat sat ko. Kinuwento ko kasi sakanya na nag ka ka crush ako sa isa kong kaklaseng lalaki. I thought it was wrong and I'm just being weird and  I'm just being confused of my self. But later on I found my self falling for him harder.

"Pano anong gagawin ko!" Gulong gulo kong sabi sa kaibigan ko na kasalukuyang naka upo sa lap ng boyfriend nyang si Jeff pala ang pangalan habang ang Jeff naman ay naka yapos sakanya at nakapatong ang baba nya sa balikat ni Andy.

I wish I can do that to him too.

"Dude why don't you give it a shot?" Sabi sa akin nung Jeff.

"What if ma weirduhan sya sakin kapag ginawa ko iyon?" Tanong ko.

"Sabagay para ka pa namang asong ulol." Seryosong sabi ni Andy sa akin.

"Wow ah! Pero seryoso, pano kung ma weirduhan sya kapag nag make move ako?" Tanong ko.

"Hmmm. Then, start from small.  Kausapin mo sya tapos unti untiin mong pahulugin ang loob nya sa'yo." Sabi sa akin ni Andy.

"You said it as if it is so easy." I said and laid my back in the sofa.

Nagbuntong hininga ako at tiningnan ang cellphone ko kung anong oras na. It's already 5 in the afternoon.

"May lakad ka?" Tanong sa akin ng kaibigan ko na nakangusong tinanguan ko.

"Pangit mo." Sabi nya nalang at tinuonan muli ng pansin yung jowa nya.

"Ka meet ko yung kinukwento ko sainyo. May group project kasi kami." Malungkot kong sabi.

"Take that as an opportunity to make a move bijj! Taena, huwag ka nang magsayang ng oras. Gamitin mo yang group project na yan as a weapon para mapalapit kayo sa isat isa." Sabi nya sa akin at may ngiting naka ukit sa mga labi nya.

"Tama ka!" Tila nabuhayan na rin ako dahil sa naisip nya. Siguro... I'll take a risk nalang.

"Ano pang hinihintay mo dyan? Layas na!" Sabi nya sa akin.

"Kanina pa tapos." Sabi ko at nakangiti pa rin at naka tingin sa kisame.

"Tanga ampota." Marami pang sinabi sa akin si Andy about sa katangahan ko pero hindi ko nalang sya pinansin at pinagplanuhan nalang kung paano ko sya mapapalapit at mapapahulog sa akin. You wait and see Math. You wait and see.

Mwahahahahaha *develish laugh*

-

-lanaoil-

BL ONE SHOTSWhere stories live. Discover now