"chapter 4"

60 26 0
                                    

Ilang araw ang lumipas at pinipilit ko ang sarili ko na wag ng pansinin si Ramirez, ewan ko pero may parte sakin na ayaw ko na syang makita pa. Dahil sa tuwing ma kikita ko sya parang bumabalik ang bangungot ng nakaraan na hindi haylan man naging akin.

"Paul wala ka bang balak mag asikaso para bukas?" Napa tingin ako sa may pinto ng kwarto ko ng may marinig na nag salita, si jaz lang pala.

"Ewan ko" walang ganang saad ko at humiga nalang sa kama

"Bukas na ang prom, may i susuot ka na ba?" Tanong muli ni jaz at lunapit sya sakit at tumabi.

"Meron na" saad ko habang naka tingin sa kisame.

"Ang weird mo this few days ha" nag tatakang tanong nito habang naka tingin sakin at tumingin naman ako sa kanya ng deretso habang naka higa.

"Hindi lang talaga maganda pakiramdam ko nitong mga naka raan" pag ka saad ko ay tumalikod na ako sa kanya.

"Dahil ba kay Quie?" Mahinang saad nito na ikinagulat ko kaya napa bangon ako at takang tumingin sa kanya

"Qu--- pano mo nalaman?"

"Nakita ko kayo ni Quie nung nakaraan" naka ngising saad nito habang para bang na nunukso ang titig

"Tapos hindi mo man lang ako tinulungan?!" Gigil na saad ko at lunapit sa kanya at mabilis na hinila ang buhok nya

"Sorry na agad!!!,"

"He!! Ang sama mong kaybigan!!" Gigil na saad ko parin habang hila hila parin ang buhok nya.

"Huy wag kang ganyan, sabi kase nya may i tatanong lang sya sayo" halata sa boses nito na nasasaktan na ito, wala sana akong balak bitawan ang buhok nya pero dahil sa are nabi nya, kaylangan oa nyang ma buhay

"I tatanong?? " Taka akong naka titig sa kanya, at nanahimik naman sya at hindi tumingin sakin "Teka.... Alam mo na hinahanap ako ni Quie??" Taka akong tumingin sa kanya at tumango naman sya kahit hindi ito naka tingin sakin "At ikaw pa ang mag turo?? Wow naman!! "

"Oo, may gusto daw sy--" hindi ko na pintapos ang sasabihin nya ng hinila ko na ulit ang buhok ny

"Jaz naman!! Bakit moko tinuro?!"

"May gusto nga daw sya malaman" binitawan koang buhok nito at umayos ng upo at deretso itong tumingin sakin

"Malaman?? Tungkol saan naman?"

"Ewan, hindi naman nya sinabi, pero sa tingin ko tungkol yun dun sa....ano nga pangalan nun??....ahh, yung Quen Shon Jace Ramirez, mukang intresado din" deretsong saad nito at may pinulot sa sahig

"Para naman may alam ako tungkol dun" bulong ko sa sarili ko.

Nakaka pikod din yung lalaki na yun ha, sya ang Ramirez tapos sakin tanong ng tanong, kapatid ng papa nya dapat sa kanya nya itanong hindi sakin.

"Yun din sabi ko sa kanya, isa pa sya yung Ramirez eh, bat di sya mag tanong sa mga kamag anak nya" saad nito at umayos ng ng upo ng makuha na ang kung anong inaabit nito kanina

"Kaya nga"

"By the way, sinong date mo sa prom??" Napa kunot ang noo ko ng mag tanong ito.

Kaylangan ng date?

"Date?? Kaylangan ba nun?"

"Ay, tanga" saad nito at napa facepalm nalang ito

"He!!"

"Don't tell me, wala kang date??" Naka taas ang isang kilay ni jaz habang naka tingin sakin ng matalim.

Bakit ba kaylangan pa ng date?? Hindi naman ako mamamatay pag wala nun!!

"Ma kaka pasok naman siguro ako kahit walang date diba?" Pa balang na saad ko at kinuha nalang ang cellphone at nag panggap na bussy

"Ughh!! Shan Paul naman"

"Bakit??"

"Bat hindi ka nag hanap ng date", problemadong saad nito habang naka kunot ang noong naka tingin sakin.

Grabe to, mas problemado pa kesa sakin

"Ayaw ko nga"

"Pano yan, mag mumuka kang third wheel" naka ngising saad nito na ikinalaki ng mata ko,

"Third wheel?? May date ka??"

"Ay, hindi mo alam?"

"Sana kung alam ko di na ko nag tanong, diba??"

"Sabagay "

"Pero sino yang date nayan?"

"Secret" malaki ang ngiti nito at humiga na din sa kama. At ako naman ay napa dapa habang sakanya naka tingin

"Yahh...ang daya mo, sino nga??" Pangugnulit ko parin

"Ma kikita mo nalang sya bukas"

"Cute??" Hindi ko mapigilan ang mapa ngiti,

"Secret "

"Describe mo para naman may clue ako tungkol dun" naka ngusong saad ko,

"Ayaw ko nga!!" Bulyaw nito sakin at tumawa ng malaka

"Edi wag!! Ako ma describe sayo"umupo na ako at sinandal ang sarili sa headboard ng kama "malaki ang chan, panot, at puti na ang buhok, pango ang ilong, mas maputi pa ikaw, malaki ang mata, at higit sa lahat five lang.... pfftt HAHHAHAH" napa tawa nalang ako sa sarili kong description sa date nya bukas.

I know jaz, hindi sya makikipag date sa gsnon, mataas standard nitong babae na to.

"PAUL!!! PATI BA NAMAN 5!!" Bulyaw nito at napa upo at matalim na tumingin sakin, nag pipigil naman ako ng tawa dahil sa reaksyon nya

"Pfftt...bakit??"

"Kadiri ka!! Yuck!! Five lang?? Five lang talaga??" Diring diri na saad nito at parang hindi maka paniwala sa five.

Dahil sa sinabi ni jaz ay lalo akong napa tawa at halos lumuha na.

"Pfftt...HAHAAH jaz ang utak mo washing mo na, masyado ng madumi"

"Ano ba kaseng ibig sabihin mo sa five ha?!!"

"Pfftt, nasa utak ko five inch no??" Na tatawang saad ko parin habang naka tingin sa kanya, hindi sya nag salita at na mula naman ang itsura nya kaya napa tawa na talaga ako
"HAHAHSHA gaga five foot lang ang hight ang sinasabi ko"

Napa tingin naman sya ng masama sakin at biglang---

"Yay!! MALAYONG MALAYO YANG DESCRIPTION MO SA KANYA!!!! PARANG YUNG GUARD ATA TINUTUKOY MO EH?!!" Sigaw nito, na para bang ngayon lang na gets yung mga pinag sasabi ko

"nahuli mo HAHASHHA"

"Yuckk!! Kadiri ka paul" diring diring saad nito

"Bakit?? Alam naman natin na matagal ng patay sayo yung guard nayon" tawa parin ng tawang saad ko habang si jaz ay diring diri at masama na ang tingin sakin

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, nakaka diri ka!!"

Hindi na ako nakapag salita pa dahil tawa na ako ng tawa sa reaksyon nya, muka syang parang tanga HHAHAHAHAH

Napa tigil ako sa pag tawa ng biglang kinurot ako ni jaz.

"Aray ko!!" Daing ko dahil baon talaga ang kuko nito sa hita ko. "Oo na titigil na ko!! Bitawan mo na please " halos maluha ako sa sakit, binitawan naman ni jaz ang balat ko at umauos na ito ng upo.

"Sino ba kase yang date mo na yan?" Tanong ko dito habang hinihikas ang hita ko na kinurot nya.

"Hulaan ko, hindi natin to same university " saad ko at tumingin na sa kanya na tahimik parin.

Sya ang tipo ng babae na mas gugustuhin na malayo ang boyfriend kesa same university o classmate lang nya.

"Basta ma kikita mo nalang sya bukas"

Tumango nalang ako at ngumiti, ngayon naka ramdam ako ng inggit, wala akong date bukas parang lalo tuloy nakaka tamad pumunta. hay, buhay single nanga buhay unwanted pa matching hindi pa sikat sa univ.

Our New Written Scenery(Arcifinious Dreams Series 1)Where stories live. Discover now