"chapter 5"

70 27 5
                                    

Boring na naka upo sa isang tabi habang inaantay na dumating si jaz at yung date nya, ilang minuto na rin akong nandito at hindi pa nag uumpisa ang party. Sabi aantayin lang ang special guest na dito nag graduate.

"Hi" napa lingon ako sa isang lalaki na naka tayo sa may harap ko habang matamis na naka ngiti, kahit na iilas ay ngumiti na lang din ako at umiwas na ng tingin.

"Solo ka?" Tanong nito at umupo sa may bakanteng upuan sa may tabi ko. Hindi ko ito tinapunan ng tingin.

May na kikita kang kasama ko? ****** *** Mo!!!

"Sabi ko nga solo ka" saad ulit nito ng hindi ako sumagot o lumingon man lang sa kanya.

"By the way I'm Warren" saad ulit nito kaya kahit na pipilitan ay lumingon ako dito at tinanggap ang kamay nya na umaalok ng shake hands at pilit na lang akong ngumiti.

"Shan Paul" saad ko habang naka tingin sa may entrance kung saan doon ko nakita si Quie na naka formal black attire,

Grabe!! Parang nabuhay yung picture nung nakaraan!!

"Sya ba dapat date mo?" Doon ako napa tingin kay warren ng makita ko na naka tingin ito sa dereksyon ni Quie.

"H-hindi " na uutal na saad ko. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan sa tanong ng lalaki na ito.

Lumingon ito sakin at ngumisi.

"Buti naman, kawawa ka kung sya yung inaantay mo na date" naka ngising saad nito na ipinag taka ko

"Huh?? B-bakit naman?"

"Tingnan mo oh, may kasama syang iba" saad nito at itinuro ang babae na katabi nya at naka hawak ito sa braso nya na parang sawa. Ngayon ko lang napansin ang kasama nya, magandang babae, sexy,matangkad at maputi.

A-aray.....

"Ah, sige mamaya nalang Shan, tinatawag na ko ng mga barkada ko" doon lang bumalik ang kaluluwa ko ng mag salita si warren nan naka tingin sa ibang dereksyon

"Oh, sure" ngumiti ako sa kanya at tumayo na sya at ngumiti din sakin

"See you around"

Ng maka alis si warren ay doon ko lang na realize na mukang tanga lang pala ako dito na nag iisa, lahat ata ngayon may date. Kahit saan ako lumingon may date ang lahat.

Wow!! Ako na lang ba natitirang single sa university na ito?!!

Sa sobrang inis ko at hiya sa sarili ay tumayo na ako at nag lakad palabas. Padabog akong nag lalakad sa hallway ng may maka bangga ako .

"Ay hala!! Sorry po" naalis ang inis ko sa katawan ng may maka banggang babae, at napaltan naman ito ng kaba.

"It's okay" saad ng babae at tumingin ito saakin, at ng makita ang itsura ko ay para ba itong gulat na gulat na daig pa ng naka kita ng multo.

"B-bakit po??" Takang tanong ko dahil na kimilog parin ang singkit nitong mata habang naka tingin sakin.

"A-anong ...." parang hindi parin ito maka paniwala sakin habang naka tingin "ehemm...anong pangalan mo?" Ang mga gulat na mata ay napalitan ng pananabik at ang boses nito ay napaka lambing "

"S-shan....." Ewan ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko, parang ang gusto lang banggitin ng dila ko ay shan at hindi ang buong pangalan ko.

"At---" hindi na natapos ng babae ang sasabihin nya ng may isang babae ang sumulpot sa may likod ko

"Ms. Cheng Florida?" Tanong ng babae na nasa may likod ko.

"Y-yes??" Na uutal na saad nung Cheng habang ang tingin ay nasakin parin

Our New Written Scenery(Arcifinious Dreams Series 1)Where stories live. Discover now