"chapter 3"

64 28 0
                                    

"hoy paul!!!!!" Halos mapa talon sa gulat ng bigla nalang akong sigawan ni jaz sa may tainga. Dahil sa ginawa nya tiningnan ko sya ng masama at bigla naman nya akong tinaasan ng kilay,

"Bakit ba antok na antok ka ha!!! Ka agaaga pa naman!!" Naka taas kilay na saad pa nito,

"Kahit naman sabihin ko hindi mo ma iinitindihan" tanging saad ko sabay muling ipinatong ang kamay at ulo sa lamesa.

Bigla nalang nyang hinila ang buhok ko, at dahil sa ginawa nya ay nagulat at napa sigaw ako.

"Ano ba problema mo ha?!!" Bulyaw ko sa kanya at inagaw ang buhok ko. Galit na tumingin ako sa kanya at ganon nalang ang gulat ko ng makita ko ang itsura nya, parang gulat na gulat at hindi sya maka paniwala sakin o sa inasta ko, umiwas sya ng tingin sakin kaya biglang katahimikan ang namagitan saming dalawa at nag tagal iyon ng ilang Segundo.

"Jaz....."pag basag ko sa katahimikan naming dalawa, hindi sya nag salita o lumingon man lang sakin kaya naka ramdam ako ng guilty, "s-sorry" mahinang saad ko at napa tungo nalang ako, narinig ko syang napa buntong hininga.

"Ang sakit lang kase ng sinabi mo na hindi ko ma iinitindihan, I'm always here to listen and help you paul, kahit anong ka tangahan mo pinapakinggan ko, tapos sasabihin mo hindi ko na iinitindihan? Ano ba ko sayo paul ha?!" Mahina lang yun pero bakas ang sakit at lungkot sa kanyang tono.

Hindi ako nakapag salita sa mga sinabi nya, tama naman sya, sya lang ang umiintindi sakin,sya lang ang laging nakikinig sakin.

Bumuntong hininga syang at hinawakan ang balikat ko at hinimas himas ito,"look paul, nag aalala lang ako sayo, mahirap kimkimin ang problema......nakaka baliw"saad nito, napa tingin ako sa kanya at sinalubong ako ng matamis na ngiti nya, at napa ngiti rin ako at niyakap sya.

"And im always here with you if you need me, pwede mo din akong pag kwentohan ng mga problema mo"saad ko habang naka yakap pa din sa kanya. Mahina naman syang tumawa at bumitaw sa pag kaka yakap sakin.

"Wag na, kung yang problema mo nga hindi mo na ma solusyonan, edi lalo na yung akin" saad nya habang umiiling iling pa, kaya napa simangot ako.

"Sama mo baga!! Ikaw na din nag sabi na mahirap kimkimin ang problema, sige ka baka mabaliw ka" pabiro na saad ko at lalo naman syang natawa.

"Shsssss" may narinig akong sumuway samin sa gilid kaya pareho kaming napa tigil at nag pipigil ng tawa. "Kung mag tatawanan lang kayo wag dito!! Library ito hindi park !!!!!" Masungit na suway samin ng librarian, kaya kahit ayaw. Namin umalis ay napa tayo nalang kami.

"Pasensya na" tanging saad ko nalang at hinila ko na si jaz palayo.

Ng maka labas kami ng library ay biglang bumulong sakin si jaz.

"Yang si Hannalyn kala mo matanda na, palibhasa walang love life" bulong ni jaz habang mahinang napapa tawa. Hinampas ko naman ang balikat nya dahil sa sinabi nya.

"Sira ulo ka talaga!!! Sama ng ugali mong babae ka HAHAHAHAA" hinampas ko ulit ang balikat nya habang tumatawa. Bigla syang tumigil at lumayo layo sakin. Ano problema nun?

Napa tigil tuloy ako sa pag tawa at nag tatakang tumingin sa kanya, "bakit be?" Takang tanong ko dito pero hindi sya nag salita. Akmang lalapitan ko sya pero sinensyahan nya akong tumigl. "B-bakkit?" Kinakabahan na tanong ko dito.

"Wag kang lalapit!! Mapanakit na nilalang!!" Hindi ko alam kung ma tatawa o ma iinis ako sa kanya. Panira baga lagi ito ng trip busit na to.



"Bat ang tagal mo?" Bungad na tanong ko agad kay jaz ng dumating na ito sa harap ko. "Kanina pa kaya ako gutom" dagdag na saad ko at lumapit sa kanya at kinuha ang isang tray at agad itong inilapag sa lamesa at sinumupan ng kainin.

Our New Written Scenery(Arcifinious Dreams Series 1)Where stories live. Discover now