Nagkayayaan mag bar ang tatlo magkakaibigan palibahasa hindi daw pwede si Hyej. May lakad sila ni Kei dahil nataong na birthday pala ng magulang nito kaya invite sya sa bahay nila.
Masayang umukopa ang tatlo sa isang table sa loob ng bar. Nilibot ang paningin sa paligid. Napapaindak ang katawan nila tatlo sa hype music na remix ng DJ. Sabay sa masayang pag sasayaw ng mga tao sa gitna at ng malilikot na ilaw.
"Whee ano drinks mo?" Medyo pahiyaw n tanong ni Seulgi.
" Cider!" Biro nya. Nahampas tuloy sya ni Seul sa braso.
" Vodka isang bote." Ani Seulgi sa waiter.
" Hard? Sure ka ba baka malasing tayo." Nagaalang wika ni Irene. Ngumiti lang ang katabi. Nginuso ang kaharap sabay bulong. Indespair!
Nagtatawanan ang dalawa inis na inirapan sila ni Whee dahil alam nya na sya ang topic.
" Kung nakakaistorbo ako uuwe nalang ako." Sabay salin ng alak kalahating baso at tinungga.
" Hoy! Dahan dahan! Mahal yan!" Biro ni Seulgi.
Muntik na maibuga ni Whee sa katabi ang alak. Pinahid ng kamay ang konting likodong umawas sa bibig nya.
" Nak ka ng putsa! Kirupot mo! Nag walwal pa tayo kung titipirin mo din pala kame."
Nagtatawanan sila nag papakasaya upang sandaling makalimot sa kanya kanyang poblema.
Si Whee poblemado sa puso aminin man nya o hindi apektado sya kay Hyej. Si Seulgi poblemado sa career kase ilang beses na sya nag nominate sa promotion pero may galit ata sa kanya kaya hindi mapromote promote. Si Irene, poblemado sa relaayon ni Seulgi dahil hindi alam ng pamilya nya ang totoong pagkatao nya.
" Cheers!" Whee
Sumangayon naman ang dalawa at pinag click ang mga shot glass nila.
" Sayaw tayo." Aya ni Seulgi sa dalawa.
" Kayo muna. Wala pa akong tama." Tanggi ni Whee. Wala sya balak mag pakapagod sa pag sasayaw ang gusto nya ay mag inom hanggang sa mamanhid ang dibdib nya. Naiinis na kase sya sa nararamdaman nya. Hindi nya mapigilan kahit anong gawin nya. Pakiramdam nya tumatagal lalo lumalalamin yung nararamdaman nya pangungulila sa presensya ni Hyej sa buhay nya. Pero wala naman sya magagawa hindi na siya ang priority nito.
Nakatingin sya sa dance floor sa mga nag sasayawan, mga katawang nag kikiskisan. Lahat nalang ngayon ng gawin nya. Lagi nalang may panghihinayang dahil umaasa syang sana kasama nya si Hyej. Na sana masaya sya.
Isang lagok sa matapang na alak ramdam nya ang pagguhit nito sa lalamunan at tyan nya. Sakabila ng burning sensation nararamdaman nya sa loob. Unti unti naman tumatalab na ang alak sa sistema nya. Unti unti na gumagaan ang ulo at pakiramdam nya.
Nakabalik na ang dalawa sa table nila.
" Hoy! Grabe ka! Ginawa mong tubig yong alak. Paubos na oh." Saway ni Seulgi ng akma nya kukunin ang bote at sasalinan ang baso nila. Inagaw nito ang bote sa kamay nya. At tinitigan ang mukha nyang pula na sa kalasingan.
" Tama na uwe na tayo." Aya nito.
"KJ mo naman di pa ako lasheng. Wala oh... Kaya ko pa! Tara sayaw tayo." Tumayo sya at hahapay hapay na pumunta sa gitna ng dance floor. Magisang sumayaw ngunit napapansin nila na nakaka akit na si Whee ng ibang mag nag sasayaw na kalalakihan na umaaligid dito. Iritableng tinulak ni Whee ang lalaki sa likod nya na pilit hinahapit ang katawan nya palapit sa katawan nito. Isang kamay ang biglang humatak sa kanya palayo sa dance floor palabas ng bar.
"Teka ano ba!!!!" Ng makalabas sila agad na sinandal sya ng may ari ng kamay at saka sya hinarap. Hindi nya alam kung dahil sa alak or sa kagustuhan nya makasama si Hyej kaya nya nakikita eto.
She giggled drunkenly. Pinilig ang ulo para matauhan sya. Pag angat nya ng paningin kunot noong nakatingin si Hyej sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Bound
FanfictionTagalog po ito✌️ Someone who is scared to pursue her love. Someone in search for her true love. Someone who's holding back for love. Someone who's not afraid to love. A story of friendship and love in people bound to be together. Some are bound to...