Mag uumaga na...
Nakaramdam si Hyej ng sakit ng tyan. Unti unti sya tumayo. Nagulat sya na parang iba ito sa kwarto nya. Pero pamilyar naman sa kanya. Nilingon nya ang bulto na nakataklukbong ng makapal na kumot sa tabi nya. Hindi sya makagalaw. Nakayakap si Whee at nakadantay ang binti nito sa kanya.
Napangiti nalang sya pero naalala nya ang nasaksihan kagabi ng pagpunta na sya sa Bar para sunduin si Whee. Yakap ito ni Wendy at hinalikan pa ulo. Nag flying kiss naman ito at I love you sa kasama. Hindi naman ito mahilig magpakita ng affection sa iba.
Naguguluhan at nasasaktan man sya pero walang imposible. Maganda si Wendy. Hindi malayo na magkagusto dito si Whee gayong magkasama sila palagi sa trabaho.
Unfair kase! Bakit ako? Lagi nya naman ako kasama bakit hindi nya ako kayang mahalin?
Hindi ba ako kamahal mahal?
Hanggang kaibigan nalang ba talaga role ko sa buhay nya?
Tagasundo pag lasing sya.Dahan dahan sya tumayo para magpunta sa banyo. Ayaw nya marinig ni Whee ang pag hikbi nya baka maalimpungatan ito. Naalala nya ang pag hilab ng tyan nya. Dali dali sya nag banyo. Pero pag katapos nya mailabas lahat ng ininom nya kagabi naupo sya sa bowl at niyakap ang sarili.
Pinakawalan ang mga luhang kanina nya pa pinipigil sa labas dahil ayaw nya isipin ng ibang tao na nababaliw na sya. Hindi nya alam pano sya nakauwe dito sa bahay ni Whee. Pilit nya iniisip paano nangyare na andito sya. Nagulat sya ng biglang bumkas ang pinto muntik na sya mahulog sa sahig.
"Ano ba! Nang gugulat ka naman!"
Imbes na matawa seryosong nakatingin si Whee sa kanya. Nagaalala.
"Bakit ka naiyak? Anong poblema?"
Pinahid nya anga mga luha at tumayo papasok na sya ng kwarto pero pinigilan sya ni Whee.
"Hyejin!" May diin ang pag tawag nito sa ngalan nya. Isang way para sawayin sya sa pag mamatigas nya.
Yumoko lang sya at umiwas ng tingin. Pilit na kumakawala sa hawak nito.
"Hyej, ano ba poblema mo? Sabihin mo na ayoko nakikita ka ganyan eh. Kagabi kapa. Buti nakita kita sa tent Bar. Lasing ka. Nawala pa walet mo. Tas bigla ka nalang iiyak sa tabi. Ano bang poblema mo?"
"Wala. Wala to." Tanggi ni Hyej hindi na nya kaya pang sabihin dito ang poblema nya.
Para ano pa? Aaminin ko na wala na kame ni Kei kase mas mahal ko sya tapos sya eto may mahal naman palang iba. Ang tanga lang talaga diba? Ahn Hyejin ano ba?!
"Sa lahat ng ayaw ko yong pinaglilihiman ako. Kelan kapa nag lihim saken ha?! Lahat naman sinasabi mo? Si Kei ba? Ano ginawa nya sayo?" Galit na wika ni Whee.
"Wala nga. Matulog kana ulit aalis na ako. Uuwe na ako." Lumakad sya para kunin ang jacket pero hinablot ito nito Whee at binato sa upuan.
"T*ngina! Nakakabadtrip kana. Ginagago kaba ng Jowa mo?sabihin mo lang saken babasagin ko mukha nun." Galit na kinuha ang cp nito at may pinakita sa kanya.
Tahimik na nagiwas ng tingin si Hyej ayaw nya sabayan ang inis ni Whee.
Mali din ang hinala nito."Look! Is this why you're drinking and crying last night? G@go pala yang jowa mo naku pag nakita ko yan babasagin ko talaga mukha nya. Ang kapal ng mukha nya mag cheat pa sayo. Grabe!!!!" Galit na binato ni Whee ang unan sa kama. Hindi naman malaman ni Hyej sasabihin na wala naman kinalaman si Kei sa pag lalasing at pag iyak nya. Ni hindi ito nag cheat sa kanya dahil hiwalay na sila.
"Hindi siguro. Tama na." Inabot nya ang kamay ni Whee para maupo sa kama pero lalo lang ito nagalit.
"Hindi siguro? Ano to?! Magkayakap? Ang saya saya nila tas wala lang?! Nagpapakatanga ka sa Kei na yan Hyej! Ano ba!"
BINABASA MO ANG
Love Bound
FanfictionTagalog po ito✌️ Someone who is scared to pursue her love. Someone in search for her true love. Someone who's holding back for love. Someone who's not afraid to love. A story of friendship and love in people bound to be together. Some are bound to...