Chapter 5

29 5 0
                                    

A/N

Exact 7 pm ang usapan nila na susunduin nya si Yong papunta sa party. Tinawagan nya c Wendy at Whee at hinabilin ang lahat ng dapat gawin kahit alam naman ng mga ito ang dapat nilang gawin. Naguiguilty kase sya na napapadalas ang pag alis nya baka mapabayan nya na ang bar. Pero smooth sailing naman ang negosyo nya. Mas dumadame pa nga mga patrons nila dahil kay Whee. Pinost kase nito sa Instagram ang mga features ng bar.

Pinasadahan nya ng isang tingin ang sarili sa salamin bago umalis ng bahay thirty minutes before the agreed time.

Pinindot nya ang alarm ng susi ng kotse nya namatagal din nakagarahe lang sa bahay dahil hindi naman sya madalas umalis. Ginagamit nya lang ito pag may importante syang pupuntahan or uuwe sa province.

Pag hinto sa tapat ng apartment lobby nakita nya si Solar nakatayo na naghahantay sa kanya. Bumaba sya at nilapitan ito at pinagbuksan ng pinto.

Pag sakay ng sasakyan may kinuha sya sa backseat at inabot sa dalaga.

"For you." Ani ni Byul na hiyang hiya.

"Oh, thank you." Wika ni Yong at inamoy ang bouquet ng mapupulang rosas. Bakas ang saya sa mukha ni Byul dahil nagustuhan ng dalaga ang regalo nya.

" You look great. Bagay sayo ang tuxedo mo." Namula si Byul sa papuri ng dalaga.

" Y-You look awesome. Stunning. Dapat hindi na pala yan binili ko." Pabirong wika ni Byul.

" Bakit? Panget ba? Hindi ba bagay?" Biglang na conscious si Solar sa sarili.

"No, ang ganda mo kase. Baka mamaya mabighani sila sayo ma itsapwera ako sa party." Katwiran nito.

"Ano kaba hwag ka mag isip ng ganyan baka nga mamaya ako ang mawalan ng ka date pag nakita ka nila." Tahimik na tumanaw lang ito sa labas.

"Wag ka mag isip ng ganyan di ako aalis sa tabi mo. Babantayan kita baka ma snatch kapa saken." Bulong ni Byul sa huling sinabi.

Pag pasok nila sa event hall nanginginig ang mga kamay ni Byul tumingin sya sa mata ni Solar at huminga ng malalim at tumango dito.

Lumakad sila sa entrance like a king and queen. Byul carefully leads her partner inside the event. Every eye stared at them.

They occupied the table near the side para hindi masyado mailang si Byul. Ramdam nila ang pagtitinginan sa kanila ng mga kababaihang katrabaho ni Solar.

Marame ang nag bubulungan habang nakatingin sa direksyon nila. Ang ibang kalalakihan naman ay nabighani sa kagandahan ni Solar.

Isang lalaki ang lumapit sa kanila. Gwapo ito at matangkad.

"Hi..." Simpleng bati ni na direktang patungkol kay Solar. Hindi maalis ang tingin ng lalaki sa dalaga.

" Hi, Changsub." Balik na bati ng dalaga.

" Your stunningly beautiful tonight can I have the honor of your first dance?" Kompiyansang wika nito.

Tahimik ngunit naka tiimbagang lang si Byul sa tabi sa pagtitimping wag makapagsalita ng hindi maganda sa lalaki gayong alam namang may kasama ang dalaga. Alam nyang babae din sya pero hindi dahilan yon para itsapwera ang presesnya nya. Sumulyap si Solar sa gawi nya at bahangyang ngumiti.

" Uhm, I'm sorry but I can't, I already have someone here." Solar gesture Byul that makes her a little proud of herself.

Changsub embarrassly scurried away.
Saglit na nagpaalam si Solar para gumamit ng restroom para mag retouch.

"Hi."

Byul raises her eyes to the person standing beside her. A three beautiful lady. She timidly greeted them.

Love BoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon