It's a matter of RECOVERY...

113 0 0
                                    

"Mahirap mabuhay sa alam mong hindi magkakatotoo o mangyayari sa'yo kailanman. Pero mas masakit kung mabubuhay ka sa katotohanang ayaw mong mangyari sa'yo kailanpaman."

Iniisip ko. . .

Pwede kayang mangyari minsan sa totoong buhay 'yung mga nangyayari sa mga movies at books na napapanood at nababasa ko? Kasi parang mas magiging exciting ang buhay kapag may mangyaring ganon sa'kin.

Ngayon ko lang narerealize na, marami akong bagay na dapat ko pang malaman, na dapat ko pang intindhin. Kasi minsan, napapariwara na lang ang landas ko sa pakikitungo sa mundong ginagalawan. Sa pakikitungo sa mga kaibigan ko. Naparamdam ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal.

Kagabi ko lang 'to napagisip-isip. . .

After kong mabasa ang SDTG (She's Dating the Gangster), ulit.Noon ko lang nalaman 'yung sakit na idinulot sa buhay ko 'nun. Oo, alam kong mababaw kung iisipin pero. Naramdaman ko sa binasa ko 'yung hapdi at kirot at sakit sa puso ko. Ang pait ng sinapit ng lahat. It made me realize that things were still meant to hurt a lot. It made me realized 'EVERYTHING'.

Kaya pagkatapos 'nun. Napaluha ako. Pati ang puso ko 'di mapigilang sumakit. Kasi totoo, at literal na may sakit ako, at alam ko 'yun. Di ko lang talaga nasabi. Nung retreat, naramdaman ko 'yun. Sumakit ang dibdib ko.

I am not depressed. Gusto ko lang talaga maglabas ng feelings ko. I swear.

It's an emotional distress for me since kagabi. Tinanong ko ang sarili ko, "Kelan kaya ako makakarecover at paano kaya ako makakarecover?" :\

Pero sana. . .

Hindi niyo pagsisihan na nakilala ko kayo. Mahal ko mga kaibigan ko.

Ang drama ko noh? :P

Hindi ko mapigilan eh! SDTG kasi! Amp! XD

Tapos. . .

NagGM ako kagabi.

Sunday, April 17,2011;10:08pm

Simula nung mabasa ko 'yung SDTG, mabilis kong naalala ung mga kaibigan kong nagmamahal sa'kin. Ngayon naman binasa ko ung mga retreat letters nila sa'kin. Hindi ko napigilang maiyak/maluha sa nararamdaman ko. Hindi dahil sa namiss ko cla or d ko na cla makikita, pero I found the urge para isiping ganun cla kahalaga dahil dumating sila sa buhay ko. Sila lamang cguro ang nagparamdam sa akin ng ganito. Nakakaiyak na nahahabag ako dahil marami pa rin akong hindi nasabi sa kanila. Ewan ko ba kung bakit gusto ko pang lumuha kahit ayaw na ng puso ko dahil masakit na. Minahal ko lang talaga sila ng sobra. As in sobra-sobra. Tang ina. Ayan napamura ng di oras. Di ako makatulog. Malamang maya na naman ako makakatulog. Malungkot ako at wala akong magawa kundi tanggapin lahat ng kalungkutang bumabalot sa'kin. Di na ako mag-aalala. Lilipas din 'to. Salamat sa pakikinig kht papaano, nacomfort mo ako.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

NapaPMS lang talaga ako. Pero, ramdam ko talaga na 'yung lungkot na naramdaman ko. Hindi ko na 'yun makukubli. Sumasakit ang puso ko at wala akong magawa. Naiipon yung luha ko sa mga mata ako bumibigat yung pakiramdam ko. Ang sakit. Ang sakit sakit. Sobra. Ito nga 'yung kinatatakutan ko. Yung DATING AKO.

Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko.

Sa LAHAT ng concern sa akin.

At sa LAHAT ng mga NAGMAMAHAL sa'kin.

Madrama na kung madrama pero yun ung gusto kong ilabas ung mga nararamdaman ko. YUN LANG TALAGA.

Nasasarapan na ako sa pagbblog ko. Sige, tatapusin ko na 'to.

Pinahirapan mo ako ng husto, SDTG. Pero I LOVE SDTG.

"I can't breathe..."

KOMAWUH. SARANGHAE.

Unjaena, Yongwonhee.

Credits to my Nuna (Louise Anne C. Villajuan) & Dongsaeng (April Jane Luna) for giving me this inspiration to write something like this. SARANGHAEYO! :))

                                          Unjaena, Yongwonhee. She's Dating The Gangster...

Believe, Guilt, Change...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon