Me and Miss Red.

2.4K 15 16
                                    

Chapter 1

Gusto ko talaga magka seatmate tayo. Kaso may iba’t ibang klaseng tao sumisingit sa isang upuan talaga. Ganito ba talaga tayo palagi? Hindi ko talaga maiiwasan na hindi kita hahanapin kapag lunch break o dismissal na natin. Bawat galaw mo ay pinagmamasdan ko talaga, ang magagandang mata, ang makinis na balat, ang napakagandang mahabang buhok na sumasabay sa simoy ng hangin at ang mga ngiti na nakapagbibigay sigla ng aking araw. Ganyan kita ka mahal pero di ko talaga masabi sayo sa personal. Bakit? Eh kasi naman ang dami-daming tao nasa paligid mo, nahihiya ako dahil alam ko na hindi talaga ako bagay maging boyfriend sa isang babaeng katulad mo.

HINDI TALAGA TAYO BAGAY, yan ang palaging lumalabas sa aking isipan kapag makikita kitang kasama ni Bruno.Ewan ko ba kung ano ang na hanap mo kay Bruno. Gwapo si Bruno pero masama naman ang ugali at hindi pa gaano ka aktibo tuwing may discussion na ang professor namin. 

“Hay nako”, yan lang talaga ang masasabi ko sa inyo ni Bruno. 

Pa minsan minsan ay may isang bagay na nakapagbigay tapang para sa’kin na lumaban at hindi natin alam balang araw makapagtapat na talaga ako sa’yo. Balang araw…  Palagi lang ako magsasabi na BALANG ARAW masasabi ko na, pero more than three years na akong nagtatago sa aking nararamdaman. Isa pa, malapit na din kaming makatanggap ng aming mga diploma. Kung sasabihin natin malapit na ang araw na yun ibig sabihin, wala na talaga akong pagkakataon na makapagsabi sa kanya ang nararamdaman ko. Kakalungkot naman kung iisipin na walang patutunguhan ang aking pag-ibig ko sa kanya. 

“Napaka torpe mo talaga Christian!”,

Naku, napakaingay talaga itong best friend ko na si Vincent, yan ang palaging sinasabi niya sa’kin. Nasa utak ko yan palagi no! Pero kung torpe talaga ako meron naman akong pag-asa na baguhin yan. Hindi ko lang alam kung paano at saan ako magsimula. Meron naman akong maraming kaibigan na gustong tumulong sa aking problema. Pero. Uhm, karamihan sa kanila eh puro mga masasamang payo makapagbigay, kaya gusto kong manligaw sa mabuting paraan. 

“Hay eto naman si Christian, napaka bisi palagi sa pag iisip kay Lily”, sabi ni Vincent na napaka bisi din nag aayos sa mga upuan sa covered court nila.

“HAHAHA! nagbibigay pantasiya na naman yang si Christian, wala ka ng pag-asa nun, it was like 3 years na nga sila ni Bruno na M.U kaya”, biglang sumingit si Anthony.

“Hindi natin alam, si Lily yung babaeng palaging mag bilin ng love letter para sa’kin”, 

“Ay yung mysterious love letter? Grabe, kasali ba yan sa panaginip mo kagabi? hahaha!”, napaka tuwang tuwa ni Vincent.

Sa gitna ng aming usapan, biglang sumingit si Lily. Umiiyak at napaka dumi ng school uniform niya, parang pinagalitan na naman siya kay Bruno. Sigurado akong nagseselos na naman si Bruno sa isa sa mga matalik na kaibigan ni Lily. Hindi naman siya dapat mag-selos hindi pa naman sila, MU nga yung relasyon nila pero hindi yan nagsasabi na may karapatan siyang saktan si Lily na sobrang sobra. Kaya sabay kaming umuwi ni Lily. Kahit kapit bahay kami ni Lily for more than 16 years eh ngayon lang kami nagkasabay na umuwi. Meron kasi akong excuse, ako lang kasi yung nilapitan niya kanina. Kaya eto, pinahiram ko siya sa dating kwarto ni Ate na sa ngayon ay nandoon na sa United States yung ate ko. Marami kasi mga damit doon na pwedeng mahiram ni Lily para sa pag uwi niya… makapagsuot naman siya ng malinis na damit. Kesa uuwi siya na ang school uniform niya ay puno ng putik. Binigyan ko din siya ng first aid treatment kasi may mga pasa siya sa mga binti niya. Napakasama naman ni Bruno, mahal ba talaga niya si Lily? o pinaglalaruan lang niya si Lily? Sana naman hindi, wag naman sana…

Kinabukasan, nakatanggap na naman ako sa misteryosong love letter na palagi kong makikita sa ilalim ng desk ko sa school. Ngayon, bago na ang location sa pag bilin ng letter, nasa mailbox na talaga sa’ming bahay! Misteryoso talaga tong sender at parang familiar talaga yung hand writing niya. At noon pa kami palaging nag-uusap sa pamamagitan lang ng isang espesyal na pulang papel na palagi niyang ginagamit…  at tyaka, kapag mang iwan siya ng love letter may extra pang pulang papel para sa’king para daw makapagbigay daw ako ng sagot, with NO EXCUSES daw! ((: Kung pagmamasdan yung pag-uusap namin, para bang kilalang kilala ko siya kaso nahihiya lang siya magpakilala sa’kin sa personalan. Mabuti naman, meron akong babaeng unidentified na best friend sa mundo na toh, pareho talaga kami… Parehong torpe sa isa’t isa. Sino ka ba talaga Ms. Red? Sino ka ba talaga sa totoong buhay? Sana naman balang araw lalapit ka sa’kin at magpakilala.

One Seat ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon