Dumating na ang pinaghihintay namin na araw, ang kaarawan ni Elize! Sobrang ganda yung pagka-discharge ni Elize last Wednesday, kasi ngayong araw na ito ang pinaghahandaan talaga ni Elize.
Si Elize nga lang naman ang nagbigay ng concept sa mga organizers kung ano ang theme at ang main concept sa kanyang kaarawan. Hindi lang kasi ito normal na kaarawan, debutante kasi siya ngayong araw na ito;kaya nga naman napakalaki na ang nagasto sa kanyang mga magulang, pero wala talagang kaming narining na reklamo galing sa kanyang magulang kasi naman... napaka espesyal na tao si Elize para sa kanila.
Alas 8 na nang umaga ay pinuntahan na kaagad ako ni Eleanor para daw mag arrange sa mga programs at para na din ipaghanda namin ang pinaka magarang regalo para sa debutante.
Napanga-nga nalang ako kasama sa mga katulong nina Eleanor ang nakita kong regalo para kay Elize. Isang malaking still barbie doll house ang pinagawa sa pamilya nina Elize, ang nagbigay ng ideya nito ay galing kay Eleanor. Noong bata pa daw sila, gusto talaga ni Elize na magkaroon ng barbie doll kasama yung doll house ni Barbie kaso nga lang yung panahon na iyon ay hindi pa sila gaano makapagbigay ng ganoon kamahal na bagay, hindi pa sila mayaman nung panahon na iyon; kaya naman ngayon, binawi nila Eleanor ang debut para kay Elize.
Kapag makita ninyo ang regalo para sa debutante makapagsabi kayo na,
“Grabe! Ang yaman nila”, sabay nga-nga.
Sa listahan ng mga bisita nakita ko ang pangalan ni Denzel, kasali din siya sa 18 candles na sinet-up ni Eleanor...
“Kilala mo ba si Denzel?”
“Oo naman, every night we’re having a live chat to my sister,Elize and at those times, palagi ko siyang nakikita na nagsusulat. ”
“Nagsusulat? Para saan naman daw yun?Nasabi ba nang kakambal mo yan?”
“Hindi ko na ata yan dapat sagutin, alam mo naman ang sagot , di ba?”
Bigla akong natahimik at di ko napansin na natawa nalang ako bigla sa sarili ko...
“Haahahaha! Tama ako di ba?”, kinumpirma ni Eleanor.
Napatawa nalang ako kay Eleanor, sabay umalis sa lugar kung saan nag-uusap kami. Dumaan ang ilang oras, malapit na pala ang oras! 4:30 pm na kasi, sabi nila mag-uumpisa na ang party kapag 5 pm na daw. Kaya naman,pumunta ako bigla sa men’s dressing room para magbihis at magsuot ng isang weirdo na costume.
BINABASA MO ANG
One Seat Apart
Genç KurguIt's about a guy who can't express directly on his feelings, he's always quite confuse in dealing about love issues and stuffs. There would be two girls who would make him fell in love deeply but in the end, who could be the girl who always stay in...