A Drop By In The Hospital

275 1 0
                                    

Teka, akala ko ba si Denzel yung pinapasulat ni Elize pero ngayon? Si Elize na mismo ang sumusulat para sa’kin. Naninibago na talaga ako kay Elize, ano kaya ang nangyari sa buhay niya pagkatapos sa aming high school graduation...

Kinaumagahan:

Madaling araw akong naka alis sa aming bahay para pupuntahin si Elize sa hospital.

“Oy Christian! Ang aga mo naman dito sa hospital, alam ba ni Elize ito?”, sabi ng isang babae na kamukhang kamukha ni Elize.

“Elize? Bakit ka nandito? Nagkausap pala kami sa doktor mo...”

“Hindi ako si Elize.”

“Ha? Parang amnesia ka ata ah.. dali... pumunta na tayo sa room mo”

(Hinili yung babae patungo sa ROOM 405)

“Teka! Baka magulat ka sa makikita mo sa loob.”

“”Bakit naman?”

“Basta,ewan!”

“Oh Christian, naparito ka ata ng maaga. Wala ka bang pasok?”, sabi ng isang katulongs nila Elize

“Eleanor! Pumasok ka nga dito”

“Eleanor?”, sabi ko.

“Hindi mo ba ako naalala?”

“...”

“Ako yung naaksidente na kakambal ni Elize.”

“Ellen ko?”, napatawa ako sa pagsabi ni Eleanor.

“Ako nga ito Chris ko”

“Tumahimik nga kayo, baka magseselos si Elize”, sabi ng katulong nila.

Napa tigil ako sa pagtawa nang nakita ko na si Elize na napakaputla ng mukha niya habang yung katawan niya ay para na talagang patay sa daming kumakabit na tube patungo sa katawan niya. Ngayon ko lang din naaalala na may kakambal si Elize na si Eleanor.

Kababata ko din si Eleanor sa lugar namin, kalaro ko nga siya sa mga laruan ko; kaya nga naman napagkamalan siyang tomboy sa mga hilig niyang laruan nung mga bata pa kami. Pero ngayon, napakadalaga na niya at maganda pa’rin katulad sa kakambal niya na si Elize. Kung nalilito kayo kung bakit hindi ko naaalala si Eleanor ay dahil nung anim na taon pa kami, bigla lang siya nawala sa paningin ko, nawalan nga naman ako ng kalaro. May mga chismis nga naman kumakalat sa village namin na nagsasabi na may lubhang sakit daw si Eleanor at dahil nito namatay siya after being admitted sa hospital in four years.

Sa ngayon, sinabihan at nagpaliwanag ng maayos si Eleanor sa’kin kung bakit siya nawala bigla at ano ang dahilan nito. Naaksidente daw siya nung nasa Amerika sila nang Mommy niya nung anim na taon pa siya, hindi niya sinabi kung anong klaseng aksidente basta may pinakita siyang peklat kung saan nagpapaalala sa kanya na tinahi siya sa isang bagong filipino nurse dun sa American Hospital at dahil sa sobrang nagawa sa aksidente ay nag stay lang si Eleanor sa bahay ng kanyang lolo at lola sa Amerika;habang yung mommy niya ay umuwi at inasikaso ng mabuti si Elize. Sinabihan din niya ako na doon siya nakakuha sa kanyang mga bagong asal ngayon at kasali na doon ang pagiging liberated, kaya nga naman pinagpasensiyahan siya sa mga katulog dito dahil sa sobrang open minded niya.

Akalain mo? Si Eleanor pala yung pumalit sa lugar ni Elize nung naging kolehiyo na kami, kaya naman pala naninibago talaga ako kay Elize nung pinasakay ako sa kanyang sasakyan, may make up pa siyang nalalaman bigla. Naninibago ako dahil, hindi naman talaga mahilig si Elize sa paglagay nang make up sa mukha niya, napaka natural nga naman ang kagandahan na pinapakita ni Elize sa’min, nung high school pa kami.

Ang daming nangyari sa first month ng college life ko ngayon. Kasali na doon ang pagiging close ko ulit kay Eleanor, habang kada-dismiss ng class namin ay pinupuntahan namin si Elize. Naaalala ko pa na malapit na din yung sinabi ni Elize, tungkol sa birthday niya.

Gusto ko sana mag gawa ng eksena para kay Elize, pero kakasabi lang din naman ni Eleanor sa’kin na dapat daw na hindi kami magpapakita sa kanya na mga malulungkot na mga mukha, dahil sa simpleng unang kahilingan ni Elize para sa kanyang kaarawan nakikita ko talaga ang great effort na pinapakita ni Eleanor para lang sa kanyang kakambal. Araw-araw, pumupunta kami sa hospital para bigyan nang cake si Elize at bumibili din kami ng mga balloon para kay Elize,gusto pa naman ni Elize ang mga balloon. 

One Seat ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon