Part 6:
Napakamalas nga naman ng graduation day ko. Kasama ko na ang pamilya ko patungo sa skwelahan namin ngayon. Graduation Day na namin at last! Feeling talaga ng mga kasama ko na mga 4th yrs ay para daw silang nakawala sa hawla! Hahahaha! Kung titingnan din sa aking posisyon ay mukha din ganyan ang madadama ko kung tapos na ang araw na ito. Nung papasok pa yung sasakyan namin ay marami ng mga sasakyang magara na nakikita ko, kasama doon yung sasakyan ng crush ko, si Lily Elize. Dahil sa maraming sasakyan na naka park sa malaking field ng aming skwelahan ay nahihirapan ang tatay ko sa paghahanap ng kanyang lugar. Sinabihan ko nalang sila na mauuna na ako dahil meron pa akong mga kaibigan na dapat kong kakausapin. Syempre, hindi talaga sina Vincent at Anthony at iniisip ko sa ganitong oras. Hinahanap lang talaga yung utak ko ang mukha ni Denzel. Nagmamadali akong naglakad kaya nabangga ko lang tuloy si Elize.
"Christian? Hahaha! Ang gwapo mo ngayon! Naks, saan naka park yung Daddy mo?"
"Sorry Elize, nasaktan ba kita? ahm.. ano nga yun'?"
"Nasaktan ba? Hindi noh! Ang tanong ko, saan ba naka park yung sasakyan niyo?"
"Ewan haha! Iniwanan ko na lang sila dahil hinahanap ko yung kaibigan ko"
"Sina Anthony at Vincent ba?"
"Oo! Sila nga.", ang sagot ko, kahit hindi naman talaga sila yung hinahanap ko. Crush ko kasi yung kinausap ko, kaya pag pasensyahan niyo nalang ako.
"Nandoon lang sila sa covered walk, malapit sa room natin.", panay ngiti sa pagsagot si Lily.
"Salamat!Sige, maiwanan ko muna kayo ni Bruno",
"Bruno?wala naman siya ah,"
Tinuro ko si Bruno na nasa likuran lang ni Lily. Akala ni Bruno na aagawin ko siya ng babae. Parang hindi na ata, iba na yung nasa isip ko! Denzel!!! Nasaan ka ba? Hindi ko talaga siya mahanap ng madalian, kaya inabutan na lang ako sa mass namin. Ang homily nga naman ni Fr. Randy ay sobrang meaninful perpektong-perpekto talaga sa aming okasyon ngayon. Nang nag Communion Rites na kami, nakita ko na rin sa wakas si Denzel! Hahahaha! Hindi ko namalayan na naghihintay na pala yung pari sa'kin. Napatawa nalang yung pari sa'kin dahil kitang-kita daw niya na sobra daw akong makatitig sa babae na nasa kapilang linya, yung babae na sinasabi niya ay si Denzel. Kahit sinabihan na ako ni Denzel na hindi siya si Ms. Red nararamdaman ko talaga na siya si Ms. Red! Nang tumapos na ang misa ay binigyan kami ng 30 minutes break para daw maka retouch ng makeup ang mga babae o magkaroon ng snacks ang mga tao. Nung oras na iyon ay hindi ako nagsasayang talaga ng oras. Gusto ko sana hanapin yung pamilya ko, kung saan ba sila naka upo pero gusto ko talagang makausap si Denzel. Kaya, nagmamadali akong bumili ng snacks para sa'min dalawa.
Nang naglakad ako patungo sa covered court para hanapin si Denzel ay may babae biglang hinila ako. Ay! Si Denzel lang pala!
"Hinahanap mo ba ako?", tanong ni Denzel na para bang hinihingal ng hininga.
"Ahhhmm... Oo, kahapon pa. Ay teka! Paano mo nalaman?"
"Sinabihin ako sa kambal ko. Si Elize."
Hmmm.. Hindi naman ako nakapagtanong ni Elize kahapon ah... Baka narinig ni Elize yung pag-uusap namin ng aking mga kaibigan. Hmmm..
"Christian?Hello?"
"Ay sorry! May naisip lang ako."
"Na ano?"
"Ay wala yun, hehe. Ahm.. Denzel, I'll just ask you straight to the point..",
Itatanong ko na ba? AAAAAAAAARGH! |:
"What?"
"Kumain ka na ba ng snacks?"
"Akala ko kung ano, hahaha!"
"Salamat nalang, kumain na kasi ako ng snacks kasama ng mga kapatid ko kanina."
"Ganun ba... Sige, mauuna na ako. Pupunta ako muna sa pamilya ko."
Bumalik na ako sa daanan kung saan patungo ang covered court. Pupuntahan ko sana sina Anthony at Vincent. Kaso lang, yung utak ko gusto talagang ipagtanong si Denzel kung siya ba si Ms. Red o hindi. Habang naglalakad pala ako ay sumusunod lang pala si Denzel sa'kin.
"Denzel? San ka ba pupunta?"
"May gusto lang akong ipahabol para sa'yo"
Binulong lang nga niya, ito ang sinabi niya...
Pinag-utusan lang ako ni Elize na sumulat ng sikretong liham para sa'yo na mag papanggap na bilang Ms. Red. Para daw hindi siya makaranas ng experience of rejection sa buhay niya.
At ako ay,
"Haaaaaaaaaaaaaaaaaaa?"
"Pa iba nga lang sa sikreto na iyon ay hindi rin alam ng kambal ko na minahal na kita noon pa. Kaya lahat ng sinasabi ko dun sa liham ay galing sa puso kong naghahangad ng pagmamahal sa'yo."
Hindi ko naman hiningi talaga ni Denzel ang tungkol ni Ms. Red, binigay lang talaga niya sa'kin para matapos na ito.Kaya bigla lang ako tumakbo ng mabilis para maiwasan ko nang marinig ang sasabihin pa ni Denzel. Hindi ako makapag-isip ng maayos na iyon. Tumapos na lang ang graduation rites namin ay yun lang talaga iniisip ko, for the whole time yun! Ikaw pa naman pagsabihan na yung crush ko pala ay may lihim din pagtingin sa'kin! At isa pa, si Denzel! Pagkatapos ng kainan sa aking pamilya sa isang Chinese Restaurant ay umuwi na din kami para makapaghinga na ako.Dahil mahaba talaga ang byahe namin patungo sa aming subdivision ay pinili ko nalang matulog sa aming sasakyan.
"Torpe ako, ano ba.. sino ba talaga.. Ano ba ang meron sa'kin? Bakit ba nagkaganito?",
"Anak! Gumising ka na! Nandito na tayo sa bahay, bumaba ka na dyan.", sabi ng Papa ko na tumatawa.
"Ano bang pinagsasabi ko kanina Dad?"
"Sabi mo, ang gwapo ko talaga! Maraming naghahabol sa'kin!"
"Daddy naman, matutulog na nga ako!"
"HAHAHAHA!",
Ang huling inisip ko nang malapit na ako matulog ay,
Torpe ako, ano ba.. sino ba talaga.. Ano ba ang meron sa'kin? Bakit ba nagkaganito? Ay ewan! Bukas ko na lang iisipin yan!
BINABASA MO ANG
One Seat Apart
Teen FictionIt's about a guy who can't express directly on his feelings, he's always quite confuse in dealing about love issues and stuffs. There would be two girls who would make him fell in love deeply but in the end, who could be the girl who always stay in...