chapter 4: new House?

24 3 0
                                    

____

Hani's POV

"oh hello? sino to?" tanong ni papa sa kausap niya habang nagluluto ng pagkain. Nakapatong sa lamesa yung phone niya at naka loudspeaker kaya naririnig ko din yung sinasabi ng lalaking kausap niya.

"paaaarrddddsss!" yan yung narinig ko pagkatapos i -loudspeaker ni papa yung phone niya.

"andrew??? ikaw ba yan?" nanlalaking mata na tanong ni papa at mukhang hindi na ata napansin yung niluluto niyang noodles kaya tumayo ako at kumuha ng isang sandok at ini-stirr na yung noodles.. Si papa naman na ngayon ang umupo sa stool.

"oo ako nga to pards" rinig kong sabi nung andrew kuno.

"papaano mo nalaman itong numero ko?" papa

"napanood ko ang balita kanina at nakita kita."andrew

"ganun ba?"papa

"oo. At alam ko rin na wala ka pang matitirhan ngayon at gusto ko sanang kahit dito na kayo tumira ni hani" sabi ni andrew.. Kilala niya ako? sino kaya siya.. -_-

"ay naku! wag na nakakahiya naman pards. dito nalang kami sa restaurant" -papa

"pards! ngayon na nga lang kita huling nakita simula nung graduate tayo. Di bale na, Malaki bahay namin at sinisigurado kong kumportable kayo kung maninirahan kayo dito" -andrew

"oo nga naman. Dito nalang kayo tumira. I can't wait to see Hani" rinig kong sabi ng isang boses babae sa phone ni papa. Kilala niya pala ako? oo nga sabi ko nga narinig ko nga -.-


maya-maya nakarinig ako ng doorbell mula sa phone

"o siya sige. itetext ko nalang sa inyo ang address at kayo ng bahalang pumunta rito ha? ipapa-ayos ko nalang din ang kwarto ninyo and make sure na makakapunta kayo.. bye pards!" rinig kong sabi nung asawa ni tito andrew. I've decided to call him tito since narinig ko naman na mukhang close sila ni papa.

"ano anak? payag ka ba?" tanong ni papa sakin at mukhang excited na.

"kayo po papa.. okay lang naman po sakin kahit saan basta may matitirhan at kasama ko kayo" sabi ko...

---

*kina-umagahan*

Napagdesisyunan namin ni papa na mamayang gabi nalang kami pupunta sa bahay ng kaibigan niya.

"papa, papasok na po ako." sabi ko kay papa habang padaan sakanya. nandun kasi siya sa counter. Hindi pa kami nagbubukas pag ganitong oras kasi 9 AM pa pag-open ng restaurant.

"nak! baon mo na to" sabi ni papa sabay abot sakin ng siomai na nasa garapon. Inabot ko na to sabay takbo palabas. Habang naglalakad palapit sa school, nilalagay ko na rin yung baon ko sa bag ko at nung nai-zipper ko na bigla nalang lumitaw sa magkabilang gilid ko sila shaina at dee.

"nabalitaan namin yung nangyari kahapon" malungkot na sabi ni shaina. tumango nalang ako. 

"sayang ng bahay niyo no? sino ba gumawa nun at bakit ang hina-hina naman ng lindol eh nadurog yung bahay niyo?" sabi ni dee habang nakapameywang sa tabi ko. yumuko nalang ako.


Nung malapit na sa gate napalingon ako sa isang poste. Parang may tao kasi na kanina pa nakasunod ang napapansin ko at hindi nga ako nagkamali. May isang babaeng naka coat ng black, scarf na black na nakabalot sa ulo niya,sunglass na black, nakapants ng black, tapos naka-boots pa na black. Oh edi sige! siya na naka-black -_- 


Nung napansin niya siguro na nakatingin ako sakanya nagmadali siyang tumawid papunta sa isang kotse at walang tigil na nagpipipicture sakin? paano samin nakacentro yung camera niya. 

PLAYFUL KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon