Hani's POV
[ 2 N D D A Y O F E X A M I N A T I O N ]
Well, recess ngayon. Nandito kami sa likod ng school kasama si Gelo. Ewan ko nga kung bakit nandito yan hindi naman namin tinawag bigla nalang naki tabi sa akin. Yung itsura pala dito sa likod ng school is parang mini forest. May mga bench and carpeted grass tapos puno ng mangga, palm tree, at acacia pero hindi naman nakakatakot dito kasi malinis yung paligid hindi creepy.
So yun nga nandito si Gelo ngayon buti nalang konti lang tao dito at halos busy sa pagreview pa at walang pakialam samin yung iba. Buti naman kung ganun at hindi kami pagkaguluhan dahil kay Gelo.
Yung break time namin ngayon is 2hours kasi 5 subjects ang i-eexam namin. Natapos na kahapon yung iba.
Kumuha ako sa pizza na baon ni Dee. Sinamaan niya ako ng tingin pero dedma lang ako. Napatingin ako kay Gelo na nasa tabi ko at nakasandal sa puno habang natutulog. Hindi po uso sakanya magreview.
Nakapikit siya ngayon. Bibigyan ko sana siya ng pizza kaso ayun nga, nakapikit. Kaya hinayaan ko nalang bahala nalang siya kumuha mamaya, may kamay naman siya.
Habang kumakain ako nagrereview na din. Mahirap na, sayang naman yung pag pupuyat namin kung hindi lamg din ako makakapasok sa study room. Si shaina nandun nakahiga pero may binabasa at si Dee, kumakain.
Masyado kaming busy walang naguusap. Mas ayos na din yun para makapag-concentrate ako.
Nagbasa lang ako ng tatlong subjects since yun nalang yung ieexam.
"Hani bibili lang ako ng pagkain saglit. Babalik din ako bantayan mo gamit ko ha?" Sabi ni dee sakin sabay tayo.
"Ako din Dee pasama nalang din , may dadaanan lang sa library." Segunda naman ni shaina.
"Ha? Osige bilisan niyo wala akong kasama dito" sabi ko at tumango lang sila sabay lakad ng mabilis paalis.
Tinignan ko lang sila habang naglalakad palayo at sinarado ko na din yung libro na hawak ko. Lumingon ako sa tabi ko at ganun parin itsura niya. Nakaka-stiff neck tignan.
Lumipat ako sa kabilang side which is katapat lang niya at tinignan ko lang siya.
"Baka matunaw ako umiyak ka pa" bulong niya and take note husky voiceeeeee. Emeged napaiwas agad ako ng tingin sabay kuha ulit sa pizza at tinignan nalang yung kinakain ko.
Napatawa lang siya tapos umupo sa harap ko at kumuha din ng pizza pero huta naka-ngiti parin. Alam niyo yung para siyang nasa commercial? Ang heaven ng itsura niya talagaaaaaaa-- "matutunaw na talaga ako niyang dinamay mo pa yung pizza" sabi niya sabay kagat sa pizza pero nakatingin sakin. Fuuuutaaa parang nang a-akit😍
Pinitik niya lang ako sa noo at tumawa ulit. Inubos ko nalang yung pizza ko sabay tayo at pumunta sa bag ko para kunin yung tubig ko. Alam kong nakatingin parin siya sakin habang hinahalungkat ko yung bag ko kaya nakaka-ilang fo :3
Kumakain parin siya ng pizza at ako ay umiinom nang bigla siyang tumawa ng malakas kaya natawa din ako. Alam niyo yung feeling ng pag nakarinig kayo ng tumatawa at nakakatawa talaga yung tawa niya eh talagang matatawa ka din.
"HAHAHAHAH... HA--HAHAHAHAHA" yung puro ganyan siya.
*ehem* *ehem* *ehem* *ehem* (tunog po ng ubo ni hani yan)
Ubo lang ako ng ubo dun kaya nilagay muna ni Gelo yung pizza niya sa box at lumapit sakin sabay hagod ng likod ko.
Pero punyeta ang lakas ng pag hagod niya tapos tawa parin siya ng tawa.
Alam niyo yung imbis na mawala yung pag ubo ko eh mas lalong lumala dahil sakanya -_-
Nung medyo ayos na ako uminom na ako ng tubig at siya ay bumalik sa pagkaka-upo at pagkain ng pizza pero nyeta talaga tawa parin ng tawa. Naubos na niya pizza niya tawa parin ng tawa.
Inubos ko yung tubig ko at sinarado. Binato ko sakanya sapul sa balikat niya.
"HAHAHAHA--aww you're so so so bad HAHAHAHA" sabi niya sakin habang hinihimas yung balikat niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha yung bag ko sabay tayo at lakad paalis at nung nadaanan ko na siya..
"AY WALANJO KANG LALAKI KA!" Sigaw ko sakanya.
Hinila lang naman niya yung kamay ko kaya napahiga ako sa mga braso niya kasi sinalo niya ako. (A/N: Sana naman pag na-fall ako sakanya saluhin niya din ako katulad ng pagkaka salo ni Gelo kay Hani)
Unti unting nawala ang ngiti niya at napatitig sa aking mata sabay sabi ng
"Ang bigat mo putcha tumayo ka nga diyan!" So yun tinulak niya ako kaya lumingon ako sakanya at tinitigan siya ng masama
"Nyeta sino ba naman kasi may sabi na hilahin mo ako?!" Sigaw ko sakanya. Napatawa ulit siya. Ay anak ng -_-
"Anong kababalaghan ang nagaganap rito?!" Napalingon ako sa nagsalita. Napa-irap nalang ako at umayos ng tayo.
"Tanong mo diyan sa lalaking yan, nababaliw na ata" sabi ko.
"Hoy Gelo bakit lovey-dovey kayo dito pinagbubulungan kaya kayo kanina pa." Sabi ni Dee. Napatingin ako sa paligid. Nadagdagan ang mga tao na nakatambay dito sa likod pero nakatingin samin. Sa entrance ng papunta dito sa likod may mga taong-este girls na nakasilip.
Napa-poker face nalang ako sa harap nila at lumapit dun sa isang babae na kumukuha ng video na malapit samin.Napalayo naman yung alipores niya. Kinuha ko yung phone niya at dinelete yung video. Hindi ko pwedeng isampal sa mukha niya wala akong pambayad sa pang retoke niya -_-
Lumakad ako pabalik at nakita ko ang mga bff ko na walang pake sa ginagawa ko at patuloy lang sa pagreview at pagkain. Nakita ko din si Gelo na nakaupo pero nakatingin sa akin. nilampasan ko sila at dumiretso palabas.
Pagdating ko sa hallway pinagtitinginan ako. Opkors ang ganda ko kasi. Joke malamang kasi kasama ko si Gelo kanina.
"Malandi"
"Feeling maganda"
"Binuang man jud ni siya"
"Kunam lang nu napintas ngem assuming lang mit"
Alien language?!
"Humanda siya kay valerie"
"Oo nga hinding hindi niya to palalampasin"
"oy wag nga kayong ganyan"
"Shush papalapit na si valerie"
"Get ready for the next battle hahahaha"
Mga chismosa..
Napahinto ako sa paglalakad nung may humarang na bruha sa harap ko.
"Malandi ka!" Sigaw niya sabay sampal sakin pero naka atras ako kaya yung "full force" niya na pagsampal sakin eh napa out of balance siya. Nagmukha siyang tanga.
Ha-hablutin niya sana yung buhok ko pero tinapik ko yung kamay niya.
"Wala ako sa mood makipag away" sagot ko sakanya sabay lakad paalis.
Pero narinig ko yung mga yapak niyang sumusunod sa akin. Naramdaman kong may tatama na bagay sa likod ko kaya yumuko ako agad. At natamaan si Gelo na kakapasok lang sa hallway galing sa isang room na malapit sa mini forest.
Napatawa ako sa itsura niyang natamaan ng sapatos ni valerie. Ngayon ako ang tawa ng tawa na nilampasan si gelo at nung nasa tabi niya ako naramdaman ko na lalapit sa akin ang bruha pero sinalo ni gelo yung wrist niya na sasabunot sa akin. Napalingon ako sakanila ng magsalita si Gelo...
"hindi ako pumapatol sa babae. But the next time you do this..." sabay turo niya sa nangyari sa mukha niya "...to her.." turo sakin "hindi ako magdadalawang isip na saktan ka." sabay bitaw sa kamay ni valerie.______________
BINABASA MO ANG
PLAYFUL KISS
Teen FictionA clumsy high school girl named Oh Ha-ni (Jung So-min) who is at the bottom of her class has had a crush on a popular and genius male student called Baek Seung-jo (Kim Hyun-joong) ever since she laid eyes on him on the first day of high school. Ha-n...