Kabanata 17 (5/19/15)

4.8K 108 6
                                    





Nakangiti ako nakatingin sa picture namin ni Ivo with Ylac. We look like a happy family here. Siya, si ylac at ako. Nakangiti kaming pareho habang nakapagitna sa aming mukha si ylac. Nakapikit ito at mahimbing nanatutulog.

Regarding about ylac condition ay okay naman daw. All we need to do is to avoid foods and medicines that might trigger his disease. Other than that ay wala na kaming problema. Her heath is well manage. Lalo na at on-hands kaming pareho ni Ivo sa ganitong bagay. Bagamat hindi maiiwasan na magkaroon ng alitan sa pagitan naming dalawa ni winry ay hindi ko na ito gaanong pinapatulan. Besides i have Ivo on my sides. Kaya wala akong anuman takot sa babaeng iyon.


"Kanina kapa pangiti-ngiti diyan. Hello earth. Anong oras na wala pa ang groom mo!" Pag-aasar ni mariflor sa akin. Sinamaan ko lamang siya ng tingin. "Ano bang sabi niya sayo?"

"Darating yun. Wag kang mag-alala" sabi ko na lamang rito.

Tumayo ako at tumingin sa labas. Im wearing my simple white dress na hanggang tuhod na tinernuhan ko ng aking white stilettos. Samantalang hinayaan ko na lamang ilugay ang maikli ko buhok. I checked out my watch. It is already 10:05 AM. Ang usapan ay 10 o'clock. Maybe na traffic lamang ito. Muli akong naupo. Ngunit nahawa na ata ako kay mariflor kaya maging ako ay hindi na mapakali. Dapat ay kanina pa ito. For pete's sake it is our wedding.

Yeah. You heard it right. Araw ng kasal ko ngayon. It is a civil wedding. We decided to make it a personal matter between me and Ivo. Si mariflor lang ang pinagsabihan ko nito. While jaguar is on Ivo's side. Maging si mama at papa ay hindi alam ang naging desisyon ko. Magpapakasal din kami sa simbahan any months from now after nitong civil wedding. I just want to have my Ivo. Iyong tipong ako ang may karapatan sa kanya at kahit anong gawin ni winry ay wala na itong magagawa dahil akin na ito.

"He's late, angel. Mabuti pa tawagan muna ang lalakeng iyon dahil kating-kati na ako sa suot ko. " sabi nito at halatang hindi comportable sa suot na semi-formal dress na hanggang tuhod. Well that was not her usual get up. Lagi kasong mahaba ang suot nitong palda.


"Mabuti pa nga!" I immediately grab my phone and dialed his number ngunit out of coverage area. I try once more ngunit wala talaga.

"Anong sabi?"


"Wala eh. Nakapatay ata phone" sabi ko na lamang.


"Angela naman. Anong pakulo na naman ni Ivo. Baka kung anong kagaguhan na naman ang gawin niya. And worst ay wala itong balak na pumun...." i cut mariflor words bago pa nito maituloy ang sasabihin.

"He can't do that to me" matigas kong sabi sa kanya. She look at me straight to my eye animo sinusukat ang tingin ko.

"How sure are you?. Paano ka kasigurado, angela. He did that before. Anr he can do it again" sabi nito sa akin.


Galit ko siyang binalingan. "Bakit ba galit na galit ka kay Ivo.?" Sigaw ko sa kanya. Imbes na mabigla ito sa ginawa kong pagsigaw ay wala akong nakuhang reaksyon mula sa kanya. "He is trying his best to bring back my trust to him. Mahal niya ako at alam kong hindi niya ulit ako magagawang iwan" ewan ko ngunit nawalan ako ng kontrol. Malakas ang nagawa kong pagsigaw kaya naman napatingin na sa amin ang ilang tao na naroon. But i really dont care.

Mistulan kasing pinapamukha sa akin ni mariflor na sobra akong katanga sa pagmamahal kay Ivo.


"Kung ganoon, where is he right now?" May paghahamon sa boses nito. "He is almost one hour late, nasaan na ang lalakeng nagsasabing hindi ka sasaktan" sabi nito.

The Bride's Man Series: Second Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon