Kabanata 4

6K 122 0
                                    

Mahina akong kumatok sa pintuan sa kwarto ni ate yalaine. Katatapos pa lamang ng kasal ni Kuya Gabriel. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano kamahal ni ate si kuya gab. I know the story. But i have no right to tell everything. Minsan ko na siyang nasaksihan na umiiyak dahil kay kuya gabriel. At ayaw kong muli siyang nakitang umiiyak.

Dahan-dahan ko iyong binuksan at nakita ko siya na nakaupo habang hawak ang pictures ni kuya gabriel. She smiled bitterly with tears. Napabuntong-hininga na lamang ako. Talagang iiyak ka para sa taong mahal kahit na mali ang paniniwala ng puso mo. Darn! Magulo diba? Yup magulo talaga ang love story ni Ate. Ang hirap ma reach at lalong ang hirap intindihin.

Lumapit ako sa kanya at agad ko naman siyang niyakap. Ramdam ko ang sakit na meron siya, pero mas masakit para sa kanya na masaksihan ang kasalang naganap kani-kanina lamang. Masakit na nakikitang masaya siya kahit na ang totoo ay sobra itong nasasaktan dahil sa pagpapakasal ni kuya gab.

"hindi ko itatanong kung okay ka, dahil alam ko naman na hindi!" tumitig ako sa kanya. Sa pagkakataon na ito may marahil hindi na niya napigilan kaya tuluyan na itong napaiyak.

"akala ko. Kaya ko! Hindi pala" sabi nito. Yumakap siya sa akin. Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"ate, malalagpasan mo yan. I know you. Your darn strong. " humiwalay siya ng yakap sa akin at pinawi ang mga luha. Mula pagkabata ay alam ko na kung gaano katapang si ate yalaine. Kahit na hindi kami gaanong nagkikita noon.

I was second year highschool ng magtungo ito sa california at doon na muna nanirahan kasama ang tita ko. Pero alam ko kung gaano ito katatag. I know her story back in US. Pero my family told me to keep it secret dahil ayaw nilang nasasaktan si ate. Pero look at her right now. She's in pain because of a wrong guy. Maling tao ang pinaniwala ng utak niya na mahal ni ate. Gets nyo, ah basta!! Ganoon na yon.

Marahan niya pinunasan ang mga luha at humarap sa akin "what brings you here then?" tanong nito. I smiled to her. Ayoko sanang mag open up sa kanya. Lalo na ngayon na hindi pa ito nakakapagmove on. "im okay, angela. Tell me. Mas malungkot ako kung may ililihim ka sa akin."

"ate, Ivo wants us to invite into a diner. Sasama sina mama at papa. He also wants you to come" mahinang sabi ko. Dalawang linggo na kasi ang nakaraan buhat ng lumabas ito sa hospital. At ito ang unang pagkakataon na gusto niyang makasama ako pati ang pamilya ko. Lalo na at narito si ate yalaine na ilang taon rin namalagi sa london.

Ngumiti ito sa akin " i'm sorry, angela. I cant go with you" sabi nito. Malungkot akong ngumiti. I know she needs time to think. Tumango ako sa kanya. Naiintindihan ko naman. Gusto niyang mapag-isa. Marahan akong tumayo sa pagkakaupo at lumakad papalabas sa kwarto.

I looked at her before leaving the room. I feel the pain but time will heal all of it. Ganoon naman lagi. You will surely feel the pain pero darating ang panahon na biglang mawawala.

Bumaba ako ng hagdanan. Nakita ko sina mama at papa na hinihintay ako. Ngumiti ako sa kanila.

"sorry, ma! Ayaw ni ate" tumango sila sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"just understand your ate yalaine. She needs time to heal all the wounds." sabi niya.

Lumabas kami ng bahay at sumakay sa sasakyan. Binagtas namin ang daan patungonsa resort kung saan gaganapin ang diner.

Tumunog ang phone ko at napangiti ako ng mag registered ang number ni Ivo.

"My angel, nasaan kana?" sabi pa nito sa akin. Napangiti ako dahil mistulan sabik na sabik ang boses niya na makita ako. "are you planning to turn me down?" sabi niya sa pag-aalalang boses.

Natawa ako sa isipan na iyon. He misses me that much. "dont worry, Ivo. Darating ako with mama and papa but ate yalaine cant make it. Im sorry baby"

The Bride's Man Series: Second Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon