CHAPTER 3

31 6 1
                                    

CHAPTER 3

Maingat na inihiga ni Kento ang kaniyang kapatid sa kama na nakatulog sa kakaiyak. Umupo siya sa tabi ni Hanako at kinumutan ito. Tinitigan niya ang mukha ng kaniyang kapatid na namumula at mahimbing na natutulog.

"Pag pasensyahan mo na ang kuya..." Sabi ni Kento at hinaplos ang buhok ng kapatid.

Hinalikan niya pa muna ito sa noo bago tumayo upang ayusin ang ilang gamit na dinala ni Zen. Hindi si Lin ang nag akyat ng mga gamit dahil alam nilang magkakainitan lang ang dalawa dahil sa nangyare.

Inilagay ni Kento ang mga damit nilang magkapatid sa drawer. Inayos niya rin ang ilang kagamitan nila upang magkaroon ng kulay at laman ang kwarto.

Tumayo si Kento at inilibot ang paningin sa kwarto.

"Ha..." Malalim na hinga niya dahil natapos na rin ang pag aayos niya sa kwarto.

Agad na napalingon si Kento nang marinig niya ang pag pihit ng pinto.

"Sabi mo bukas pa, anong ginagawa mo rito?" Tanong niya kay Lar na nakasandal sa bungad ng pintuan at nakakrus ang dalawang kamay.

"Uhmm... Magaling ka pala sa gawaing bahay?" Sabi nito na hindi pinansin ang tanong ni Kento at patuloy lamang ang tingin sa bawat sulok ng kwarto.

"Anong kailangan mo?" Tanong ni Kento at nakakunot ang noo.

"Kung ako sayo magkape muna tayo." Sabi ni Lar at sinilip si Hanako na mahimbing na natutulog. "At para rin hindi magising ang kapatid mo." Sabi pa nito at tumalikod.

Napakuyom naman si Kento ngunit walang nagawa upang sundan si Lar.

Bumaba sila ng hagdan, akala ni Kento ay dederetso ito sa kwarto ni Lar ngunit lumiko ito dahilan para mapakunot ng noo si Kento.

Nag dere deretso sila ng lakad hanggang sa huminto sa malaking pintuan. Itinulak iyon ni Lar at doon bumungad sakanila ang ilang lamesa, ilang magagarbong kagamitan at mga tao na nakuha ang atensyon sa pag dating nila.

Lumapit si Lar sa isang bakanteng lamesa at umupo roon. Sinenyasan niya si Kento na umupo sa tabi niya ngunit umupo si Kento sa tapat nito sapagkat hindi nito nais makatabi si Lar.

Lumingon si Lar sa likod nito at sinenyasan ang lalaki na nakatayo sa bungad ng isang pintuan. Agad namang tumango ang lalaki at pumasok sa loob.

Nang muli siyang tumingin kay Kento ay nakatitig na ito sakaniya na tila kinikilatis siya. Isinandal niya ang kaniyang likod sa sandalan ng upuan at hindi inaalis ang titig kay Kento. Walang kibo na nakatitig sila sa isa't isa, hindi maipagkakaila ng mga nakapaligid sakanila ang namumuong tensyon sa dalawa na tila ano mang segundo ay may mangyayaring kaguluhan.

"Ano ba talagang sasabihin mo?" Biglang tanong ni Kento.

"Hindi ba pwedeng hintayin muna natin ang kape? bakit ba masyado kang nagmamadali?" Pinipigilan ni Lar na mainis kay Kento sapagkat hindi rin magiging maganda ang resulta kung magkakainitan silang dalawa.

Hindi nagsalita si Kento bagkus ay inilibot nito ang kaniyang paningin sa paligid. Doon niya nakumpirma na talagang pinapanood silang dalawa ng mga nakapaligid.

Lumipat ang paningin niya sa dalawang kamay na may hawak na tasang may laman na mainit na kape sapagkat makikita ang lumalabas na mainit na usok doon. Iniusog sa tapat niya ang isang tasa at ang isa naman ay sa tapat ni Lar.

"Nandito na ang kape, anong gusto mong sa-"

"Enough of talking, drink your coffee." Pagputol ni Lar kay Kento at sumimsim ng mainit na kape.

HE'S INEFFABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon