CHAPTER 7

36 6 2
                                    

CHAPTER 7

Nang makita ni Hanako ang kanyang kuya ay agad itong tumakbo palapit sa kanyang kuya, si Kento naman ay ginulo ang buhok nito nang tuluyang itong makalapit at yakapin siya sa kanyang bewang. Napatingin naman si Lar kay Luan na nakangisi sakanya dahil katabi niya si Bela, sumama naman ang tingin ni Lar dito kaya naman nag iwas tingin ito ngunit makikita sa mukha ang pang iinis nito dahilan para lalong mairita si Lar.

"Kuya! Kuya!" Bibong tawag nito sa kanyang kuya habang tinuturo ang iba't ibang klase ng laro sa loob ng fun house. "Gusto ko don oh!" Sabi nito pa nito habang nakaturo ang hintuturo sa motorcycle racing game.

"You want to ride that? Let's go then." Sabi ni Luan at tinapik si Zen sa balikat bago ilahad ang kamay. Masama namang tumitig si Zen sakanya ngunit nag bigay din ng 20 tokens.

Si Hanako naman ay nakahawak sa ibabang laylayan ng t-shirt ni Kento, nag lakad naman sila palapit doon at ramdam na ramdam ni Kento ang mga matang nakatitig sakanila. At dahil may tao pang naglalaro ay nakatayo sila roon habang hinihintay itong matapos.

"That looks interesting." Sabi ni Luan habang nakatitig doon sa basketball game. "I remember our high school days." Tumatawang sabi ni Luan.

"Yes, back when all you did was flirt with most female students." Pambabara sakanya ni Zen.

"Come on! We all know na sila ang unang lumalapit sakin." Pag yayabang ni Luan at nakangisi pa dahilan para mag iwas nalang ng tingin sakanya si Zen.

Nang matapos ang naglalaro sa motorcycle racing game ay agad nag hulog ng dalawqang tokens si Luan at pinasakay nila si Hanako. Nahihiya man ngunit hindi maitatanggi na kitang kita sa mukha ni Hanako ang pananabik. Nang magsimula ang laro ay panay tawa ng bata dahil sa tuwa, hindi naman napigilan ni Kento na mapangiti dahil sa nakikitang tuwa ng kapatid niya.

Hindi niya alam kung bakit ngunit kahit pa alam niyang hindi maganda ang magiging buhay niya sa pinasukan niyang ito ngunit kung makikita niya laging ganito kasaya ang kanyang kapatid ay wala siyang pagsisisihan.

Hindi naman lingid sa kaalaman niya na nakatitig sakaniya si Bela samantala si Lar naman ay natitig kay Bela na hindi lubos maisip na sa lahat ng magugustuhan nito ay bakit si Kento pa.

Rinig man nila ang ilang bulungan sa paligid nila ay pinagsawalang bahala nila ito sapagkat hindi naman na ito bago sakanila.

"Dude! Look!"

Halos mabingi si Zen nang biglang sumigaw si Luan sakanyang tenga, umakma naman siyang babatukan ito ngunit napatingin din siya doon at agad na natigilan. Nakita niya ang Tekken game na bakante, agad niyang naalala kung gaano sila kaadik dito noong high school students pa lamang sila.

"Maglaro tayo non!" Parang batang sabi ni Luan habang tinuturo ang Tekken game.

"Tsk." Asik ni Zen ngunit nagpahila rin naman kay Luan dahil matagal tagal din noong huli sila naglaro nito.

Naiwan naman sila Lar, Bela at Kento na pinapanood si Hanako. Hindi ramdam ni Kento ang titig sakanya ng dalawa dahil nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa kapatid.

Nakakrus lamang ang dalawang braso ni Lar habang nakatitig kay Kento na tila kinikilatis kung ano bang meron si Kento para makuha nito ang atensyon ni Bela.

Natigilan naman si Lar nang may maalala.

"I like to bone a man before he fuck me." Sabi ni Bela kay Lar dahilan para matigilan si Lar lalo na dahil seryoso ang ekspresyon ni Bela. "I'm into that kind of thing so if you want to take me home you better ready your ass hole."

HE'S INEFFABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon