CHAPTER 5

35 7 2
                                    

CHAPTER 5

Hindi maipinta ang ekspresyon ng mga kaharap ni Kento, panay ang tingin ng mga ito sa paligid at lalong naiinis dahil sa mga nakikita nilang ilang nagbubulungan at nagtatawanan. Nilingon ng nasa harap si Kento ngunit walang nag babago sa ekspresyon nito bagay na mas ikinaiinis nila.

"Putang?" Hindi makapaniwalang sabi nito dahil pagkatapos mag salita ng host ay bumalot ang katahimikan sa buong paligid na tila hinihintay na lamang kung sino ang mauunang sumugod.

Natatawa pa nang sarkastiko ang isa at napasapo pa sa noo, ang hawak nitong baseball bat ay hinawi niya para ipatong sa balikat.

"Tara na, tapusin nalang natin 'to agad." Sabi ng lalaki na nakapamulsa pang lumapit kay Kento na hindi man lang gumagalaw at nakatitig sa lalaki.

Ang lalaki ay ngumisi pa ng sarkastiko dahil nakatitig lamang sakaniya si Kento na tila hinihintay kung ano ang maaring gawin nito.

Nag mura pabulong ang lalaki dahil tila naiinsulto ito sa paraan ng pagtitig sakaniya ni Kento. Agad niyang hinawakan ang kwelyo ni Kento at bahagyang inikot ito.

Napa ayos naman ng upo si Lar habang pinapanood ang ekspresyon ni Kento na tila hindi man lang natinag sa ginawa ng lalaki.

Umamba ng suntok ang lalaki kay Kento ngunit sa isang pag tagilid lamang ng ulo ni Kento ay naiwasan niya ito.

Mariin na hinawakan ni Kento ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kaniyang kwelyo at walang pag dadalawang isip na hinila ang kamay nito paikot dahilan para matigilan ng husto ang lalaki.

"ARGH!!!" Malakas na daing nito habang hawak hawak ang kamay.

Dinig na dinig ng lahat ang tunog ng pag kadurog ng buto nito, maski ang mga kasamahan nito ay bahagyang natigilan dahil tila napakabilis ng pangyayari at ngayon ay pinapanood na lamang nila ang kanilang kasama na mangiyak ngiyak sa sakit habang hawak ang sariling kamay nito.

"Putangina." Malutong na mura ng isa at sinugod si Kento.

Winasiwas nito ang hawak na baseball bat ngunit agad naman iyong iniwasan ni Kento. Sa pag iwas ni Kento ay agad ding sumugod ang isa pa na may hawak na balisong, iniwasan iyon ni Kento ngunit napansin ni Kento ang tatama sa kaniyang ulo na baseball bat. Agad na ipinang sangga ni Kento ang kaniyang kamay dahilan para lumagapak ang katawan ni Kento sa sahig.

Napangiwi si Kento dahil bukod sa tumama ang kaniyang katawan sa sahig ay tila napuruhan ang buto niya sa kamay. Hindi naman nag patumpik tumpik si Kento at agaran ding tumayo.

Binunot ni Kento sa kaniyang likod ang dalawang dagger at pinaikot iyon sa kaniyang daliri bago pumorma upang ihanda ang sarili sa mga paparating na atake.

"Oh shit." Mura ni Luan habang pinapanood si Kento.

Sumugod ang lalaking may hawak na balisong at inundayan si Kento ng saksak ngunit walang ka hirap hirap iyong naiiwasan ni Kento.

Inambahan ni Kento ng saksak ang lalaki, umiwas naman ito ngunit hindi inaasahan ang kabilang kamay ni Kento na paparating dahilan para mapuruhan ang braso nito.

Agaran itong umatras habang hawak ang isang braso, salubong ang kilay na nakatitig kay Kento na nakapantay ang dalawang kamay na may hawak na dagger sa mukha nito.

Hindi nito maintindihan kung bakit ganon nalang ang bilis nito umatake lalo na at mukha itong batang bata pa.

Sinenyasan ng may hawak na baseball bat ang isa naman upang dumeretso sa likod ni Kento habang hindi ito nakatingin.

Si Kento ay deretso lamang ang titig sa lalaking nasa harap nito na hawak hawak ang braso, ngunit hinahanda ang katawan sa paparating na atake ng lalaking nagtatangka umatake sakaniyang likod.

HE'S INEFFABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon