CHAPTER 11

25 4 4
                                    

CHAPTER 11

Tumatama ang sariwang hangin sa balat ni Lar dahil kasalukuyan siyang nasa balcony at sumisimsim ng kape habang nakakrus ang isang kamay at ang isa ay hawak ang tasa. Nakatapis ng tuwalya ang ibaba niya dahil kakatapos niya lamang maligo.

Agad na bumaba ang paningin niya sa cellphone na nasa lamesita nang maalalang tumunog iyon noong naliligo siya.

Agad niyang kinuha para tignan kung sino ang dahilan nang pag tunog non kanina.

From: Kento

Message: Si Hanako?

Matagal pa munang tumitig doon si Luan bago nag tipa.

To: Kento

Message: She's at Luan's place, what are you doing?

Tuluyang inubos ni Lar ang iniinom at pumasok na sa loob at isinara ang sliding glass door ng balcony.

Umupo pa muna siya sa kama at salubong ang kilay nang makitang nabasa naman ito ni Kento ngunit bakit wala itong reply.

Bakit naman siya mag rereply, Lar?

Natawa naman siya sa sariling tanong ng sarili niya at ipinasada ang kamay sa kaniyang basang buhok. Kinagat niya pa ang sariling ibabang labi bago muling nag tipa ngunit sa kalagitnaan ng pagtitipa ay natigilan siya at inilapag na lamang muli ang cellphone sa tabi niya bago tumayo upang kunin ang blower.

Nagpatuyo muna siya ng buhok bago nag bihis at nag pabango.

Sa pag labas niya ng kwarto ay bumungad si Lin na may malawak na ngiti.

"I was about to call you to eat." Ngiti nito at pinasadahan ng tingin si Lar. "Ang gwapo mo talaga, Hon—L-Lar." Nautal na sabi nito dahil ayaw niyang muling masigawan nanaman. "Mei is also waiting for you downstairs." Sabi pa nito at umirap sa kawalan.

"Your sister?" Takang tanong ni Lar.

"Yes! To be honest, I was surprised when she said she wanted to see you! Hindi ko alam na ganon pala kayo ka close?—"

Natigilan siya sa pag sasalita nang lagpasan lamang siya ni Lar.

Tahimik naman na nakasunod sakanya si Lin habang si Lar ay nakapamulsa ang dalawang kamay. Nang makarating naman sa ibaba ay agad na dumeretso si Lar sa opisina niya.

Doon ay bumungad sakanya ang magandang babae. Makinis, maputi, slim, hanggang balikat niya ang tangkad, maliit ang mukha, singkit ang mga mata, at mala anghel ang itsura.

Simple lamang na white dress at heels ang suot nito ngunit lalo lamang siyang pinaganda ng iyon.

"Lar..." Tawag niya nang makita si Lar.

"Lin, leave us alone." Sabi ni Lar dahilan para matigilan si Lin.

"W-What?" Gulat na reaksyon niya at tumingin sa kapatid. "Mei?" Tawag niya sa kapatid ngunit hindi siya nito pinansin.

"I said, Leave us alone, Lin." Inis na sabi ni Lar.

"T-Tsk!" Inis na asik ni Lin bago padabog na isinara ang pintuan.

"Lar..." Tawag nito kay Lar at lumapit. "I missed you." Malambing na sabi nito at ipinalupot ang kamay sa leeg ni Lar.

"What are you doing here?" Inis na tanong ni Lar sakanya.

"Hindi ka na muling tumawag noong nagtalo tayo." Biglaang sabi ni Mei at napanguso pa na tila nag tatampo. "You have no idea how much I miss you..." Sabi nito at nag angat ng tingin kay Lar at akmang hahalikan ito ngunit nag iwas ng tingin si Lar. "W-Why?" Takang tanong nito.

HE'S INEFFABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon