CHAPTER 14

11 1 0
                                    

CHAPTER 14

Karamihan sa mga guro nila Kento ay kinamusta siya at pagkatapos non ay hindi naman na siya muli pinagtatanong at maski sa recitation kay Mrs. Guerrero ay pinalagpas siya. Kasalukuyan siya ngayong nakatulala at tila malayo ang tingin sa labas ng bintana.

May ilan ilan ding dumadaang istudyante at kung minsan ay mapapatingin pa sakanya dahil malapit lamang siya sa bintana lalo pa at kapansin pansin naman talaga ang benda niya sa ulo.

"Oh?" Tanong ni Kento kay Fenin nang kalabitin siya nito.

"Breaktime na..."

Natigilan naman si Kento nang marinig iyon dahil hindi niya namalayan ang oras. Bumuntong hininga na lamang siya at inayos ang gamit niyang hindi naman niya nagalaw dahil tulala lang siya kanina pa.

"You good?" Salubong ni Mika sakanila pagkababa nila.

"Mmm..." Sagot ni Kento kaya naman pilit na gumiti si Mika sakanya dahil alam niyang salungat ang sagot nito.

Karamihan sa nakakasalubong nila ay napapatingin sakanila at mag bubulungan. Ang ilan naman ay mapapangiwi kapag nakikita ang benda niya sa ulo.

Ganon pa man ay binaliwala na lamang iyon ni Kento dahil nakakaramdam na rin siya ng gutom. Siguro ay dahil sa hindi siya nakakain kanina at sa sakit ng katawan niya dahil sa nangyari kagabi.

Nag papasalamat siya dahil natatakpan ng damit niya ang mga sugat na natamo niya kagabi dahil kung hindi ay paniguradong hindi siya tatantanan ng tanong ng dalawa.

Nang makarating sa cafeteria ay agad naman silang naupo kung saan ang pwesto nila kahapon ng umaga.

Damang dama ni Kento ang matatalim na titig sakanila ng mga ilang istudyante roon.

"What do you want?" Ngiti ni Fenin sakanila. "Yesterday was Mika's treat so it's my treat this time." Dagdag pa nito nang makitang akmang tatayo si Kento.

Ano pang silbe nito?

Inis na naisip ni Kento habang nakatitig sa card na binigay sakanya.

"Uhmm, I want pasta bolognese." Ngiti ring sabi ni Mika at parang nag isip pa. "For the drinks, orange juice will do." Sambit pa nito at nilingon si Kento na bahagya namang nailang.

"K-Kahit ano..." Nahihiyang sabi ni Kento dahil pakiramdam niya ay pangalawang araw pa lamang ito ngunit nakakailang libre na sakanya.

"I'll have chicken teriyaki, do you want the same?" Tanong ni Fenin at tumango naman si Kento. "Okay, wait for me." Ngiti pang sabi ni Fenin bago tuluyang umalis para umorder.

Nagbaba ng tingin si Kento sa kanyang cellphone nang mag vibrate iyon. Agad naman niyang tinignan iyon at natigilan.

From: 09********1

Message: This is Bela, I hope we can hang out when you're free! Study well!

Tumagilid ang ulo ni Kento at tila hindi alam kung ano ang irereply roon.

To: 09********1

Message: Sige.

Napakamot pa si Kento ng ulo bago ibinalik sa bulsa ng jacket ang kanyang cellphone.

Hindi naman nag tagal at dumating na rin si Fenin. Pagkatapos nilang kumain ay agad nilang napagdesisyonan na bumalik agad sa klase.

"Hindi ko napansin si Renz kanina ah."

Napalingon si Kento nang bago siya pumasok sa room ay nakita niya si Lerick na kausap si Lessie.

"Maybe he's with Kiara." Maarteng sabi ni Lessie habang pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok.

HE'S INEFFABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon