CHAPTER 4

32 7 4
                                    

CHAPTER 4

Ngayon lamang napagmasdan ni Kento ang itsura nito at masasabi niyang mala diyosa ngang talaga ang ganda nito kahit pa hindi maamo ang kaniyang mukha. Pero bukod sa itsura nito ay namamangha siya sa mata nitong napakaitim bumabagay sa hindi niya maamong mukha na tila kahit sinong titigan nito ay may pag mamaliit.

"C'mon! won't you shake my hand?" Sabi ni Bela na nakangiti.

Tinanggap ni Kento ang kamay nito. Hindi nawawala ang ngiti sa labi nito at tila natutuwa sa ginagawang ekspresyon ni Kento.

Bagama't nagtataka sa inaasal ng babae sa harap niya ay hindi niya ito tinanong, hindi niya rin alam kung anong sasabihin dito lalo't nalaman niyang ito ang babaeng nais makuha ni Lar.

Biglang nag ring ang cellphone ni Bela na nasa sling bag nito. Agad itong kinuha ni Bela at tumingin pa muna kay Kento bago ito sagutin.

"Hello? Krisha? Yeah? All right." Matitipid na sagot nito bago putulin ang linya. "Although I wish I had more time, I must leave; still, it was wonderful meeting you." Sabi nito at nilagpasan si Kento upang dumeretso palabas ng banyo.

Naiwang parang istatwa si Kento roon bago nabalik sa reyalidad at magpasyang bumalik sa table nila Lar.

Agad niyang napansin na wala si Lar at ang tatlo na lamang ang natira na tila may tama na ngunit hindi pa sobrang lasing.

Umupo si Kento sa sofa na may sapat na layo kay Luan sapagkat hindi nito nais na maakbayan nanaman siya.

"Napakatinik talaga ni gago, inuwi ba naman 'yung kaibigan ni Bela." Natatawang sabi ni Jake at medyo nabubulol na.

"Krisha? The blond girl?" Muntik pang mabulol sa pagkakabanggit ng pangalan si Zen.

"Yeah!" Sagot ni Jake. "Hindi ba iyon 'yung babae na lagi kang kinukulit, Luan?" Tanong nito kay Luan na nakadekwatro at ang dalawang kamay ay nakasandal sa ibabaw ng sofa habang dahan-dahang pinapaikot ang basong may laman na alak at yelo.

"Yeah." Tipid na sagot nito at nilagok ang alak na kanina'y nilalaro.

Si Kento naman ay nakatitig lamang sa alak at panay sipat kung may makikita siyang orasan ngunit alam niya namang wala. Naramdaman niya ang titig na nanggagaling sa di kalayuan kaya napatingin siya roon at nagtagpo ang mata nila ng chinitong mga mata ng lalaki.

Bagama't nagtataka si Kento kung bakit ito nakatitig ay pinag walang bahala niya na lamang ito.

Mag liliwanag na bago napag isipan nilang umuwi. Si Jake ay nag pa iwan sapagkat may kailangan siyang kausapin at ayusin sa club. Kay Luan ulit siya sumakay at masasabi niyang kahit pa nakainom ito ay wala namang nag bago sa pag papatakbo nito ng sasakyan maliban sa mas dumaldal ito.

Nang maka uwi ay sinalubong agad sila nang mga nag nakainom na nagbabantay sa parking. Hindi na pinansin pa ni Kento ang mga nakatitig sakaniya at nahihilong umakyat papuntang kwarto nila ng kaniyang kapatid.

Binuksan niya ang pinto at nagpapasalamat naman siya nang makitang mahimbing pa rin na natutulog ang kaniyang kapatid. Umupo siya sa kabilang gilid ng higaan upang hindi magising ang kaniyang kapatid bago tuluyang ipinahinga ang kaniyang katawan. Nais pa sana niya maligo bago matulog ngunit baka madulas lang siya dahil sa kanina pa siya nahihilo.

Ilang oras lamang ang nakalipas ay unti unting iminulat ni Kento ang kaniyang mata sapagkat rinig niya ang pag langitngit ng pinto. Agad na napaupo si Kento sa higaan at napansin na wala sa kaniyang tabi si Hanako.

"Hanako?" Sabi pa nito at napangiwi nang biglang kumirot ang ulo.

Nag sisisi ito na sumama siya sa tatlo, ngayon tila minamartilyo ang kaniyang ulo.

HE'S INEFFABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon