Chapter 3 - The Escape

100 11 3
                                    


PAGLABAS sa backyard ng beach resort ay dire-diretso ang lakad at takbo ng dalagang si Jane nang bigla siyang huminto. She heard footsteps towards her path. Hingal na napaatras ang dalaga sa gawing kaliwa at mabilis na nagtago sa likod ng malaking poste.

Pagsilip niya, nakita niya ang tatlong babaeng bisita na dumaan sa pasilyo at pumasok sa isang restroom. Nang malamang hindi iyon ang mga tauhan ni Efrain ay nakahinga siya ng maluwag.

Pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang hangad na tumakas. She walked as calmly as possible, blending in with the other guests, trying her best not to draw attention as she headed for the gate. Nang mapagtagumpayan makalabas ay agad siyang naghanap ng taxi. Hinayon ang kahabaan ng kalsada, ngunit ni isa'y wala siyang naapuhap na masasakyan.

"May sasakyan po ba kayo Ma'am?" tanong ng guard.

"N-no," she stammered, saka umiwas ng tingin dito. Kinakabahan na baka makilala siya.

"Kung gayon ay maghintay na lamang kayo na may dumaan na taxi." Turan nito na ikinalubog ng damdamin niya.

Tiningnan niya ang wrist-watch. She's running out of time! She didn't know either kung hanggang kailan maitatago ni Eula ang pagtakas niya.

Paglingon ng dalaga sa pinanggalingan ay nakita niya ang isang tauhan ni Efrain na papunta sa direksyon niya habang humihithit ng sigarilyo.

Oh, god, no! she hissed inwardly, her mind racing. What should she do?

Maya-maya pa ay may humintong itim na kotse sa harap niya. Tinted ang salamin ng bintana kaya hindi niya makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan. But she doesn't care anymore! Bago pa siya maabutan ng mga tauhan ni Efrain sa aktong pagtakas, hindi na nagdalawang-isip ang dalaga at dali-dali siyang sumakay sa sasakyan.

Mula sa driver seat, hindi naman maiwasan ng lalaking Marcelo na mabigla sa babaeng nangahas na pumasok sa kanyang sasakyan.

"Miss, I think you've entered the wrong car," he said, his brow furrowed in confusion.

"Mister, magmaneho ka na!" apurang utos ng babae sa lalaki.

Nagsalubong ang kilay ng lalaking si Marcelo sa estranghera. "Hindi kita maintindihan? Kararating ko lang at balak ng mag-parking." sagot niya na naguguluhan sa sitwasyon.

Jane was stunned for a moment. Nahinuhang isa sa mga bisita ng kasal ang nasakyan niya. Ngunit kung lalabas siya ng sasakyan ay tiyak na makikita siya ng tauhan ni Efrain.

She shook her head, chastising herself for her predicament. "No, kailangan kong umalis ngayon. Wala akong oras maghintay ng taxi. Please, ilayo mo na lang ako dito!" pagmamakaawa niya, halata ang desperasyon sa boses at mukha niya.

Sandaling pinakatitigan ni Marcelo ang babae. He felt a rush through the woman. Bakas ang takot at panic sa maganda nitong mukha. Ang galaw nito ay hindi mapakali sa kinauupuan sa passenger seat.

"Help me, please..." she whispered, her eyes locking onto his, pleading silently

Sa ganoong kadahilanan ay walang pag-aalinlangan na binuksan ni Marcelo ang ignition at kaagad na minaneho ang sasakyan.

Nang malayo-layo na ang natahak nila ay saka lamang inalis ni Jane ang tingin sa likuran ng kotse. She leaned on the headrest. Pagkatapos ay nagpakawala ng maluwag na paghinga. Nabunutan ng tinik ang mabigat na dibdib.

Ngayon, ang kailangan na lang niyang gawin ay gantihan ang lalaki sa pagtulong nito sa kanya. Hinanap niya ang wallet sa bag. Subalit, wala siyang nakita roon. Panic began to creep back in. She couldn't find it.

"Miss, where should I drop you off? Pwede kitang ihatid sa malapit na sakayan ng taxi." Alok ni Marcelo na sinulyapan ang babae. Napansin ang pagiging abala nito sa paghahanap sa bag.

TGIM: Marcelo Bracho (Completed/Soon To Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon