Chapter 9 - Paglisan

23 1 0
                                    

PAGBABA ng dalaga sa hagdanan ay nalaman niya kay Marcelo na umuwi na si Loleng. Babalik na lamang daw ito kinabukasan dahil may aasikasuhin pa ito sa pamilya. At pansamantala, ang lalaki muna ang makakasama niya ngayong gabi.

Mula sa labas ay tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan. Naririnig ang tikatik niyon sa bubong. Malakas ang bugso ng hangin.

At habang kumakain sila ng hapunan ni Marcelo ay napapitlag si Jane nang may kumalampag na yero sa itaas ng bahay at pareho silang napatingin sa isa’t isa.

Tumayo ang lalaki at tumanaw sa labas ng bintana. Lumalim ang mga guhit sa noo nito. Nagsalitan ang liwanag at ang anino dahil sa guhit ng kidlat.

“Hindi ko inaasahan na uulan nang ganito kalakas. Mabuti at nakauwi ako nang maaga,” wika ni Marcelo. Naglakad ito patungo sa aparador upang kunin ang kapote at isinuot iyon saka lumabas ng bahay. Matapang nitong sinuong ang malakas na ulan.

Sa pag-aalala ni Jane ay hindi mapakali ang damdamin niya sa paghihintay na makabalik kaagad ang lalaki. Mag-isa lang ito na nag-aayos sa bubong at baka kung ano pa ang mangyaring aksidente rito.

Lumipas ang beynte minutos ay basang-basa na bumalik si Marcelo sa loob ng bahay. Wala na ang suot nitong kapote.

Si Jane ay kaagad na sinalubong ang lalaki ng inihandang tuwalya at inabot iyon dito. Ngunit inuna ng binata ang paghubad ng damit sa harapan niya bago nito tinanggap ang tuwalya.
“Salamat,” anito, pagkatapos ay ipinunas sa basang katawan at ulo.

Napalunok si Jane sa naramdamang panunuyo ng kanyang lalamunan. His chest was muscular. There was something strangely hot na lumalatay tungo sa kaibuturan ng pagkababae niya. She secretly looked down at his bulging abs and his v-line. Muli siyang napalunok; naramdaman ang pag-init ng magkabilang pisngi. She felt her body burn with desire. Sa pagkatitig niya sa matipunong katawan ng lalaki ay nahihiyang iniwas niya ang tingin dito. Sinubukan niyang huminga ngunit pakiramdam niya ay walang hangin na lumalabas o pumapasok sa kanyang sistema.

“K-Kung wala ka nang kailangan ay maiwan na kita,” nauutal at naiilang niyang wika, pagkatapos ay hindi hinayaang makapagsalita pa ang lalaki at mabilis na umalis sa paningin nito.

Naiwan namang nagtataka si Marcelo. Nang matanto ang kakaibang ginawang pag-iwas ng dalaga ay nakakalokong umismid siya at napailing.

Samantala, sa pag-akyat ni Jane ng hagdanan ay doon lang niya napakawalan ang pinipigilang paghinga.

Susmaryosep! Bakit tila yata siya aatakihin at lalagnatin pagkakita ng hubad na katawan ni Marcelo? Kakaiba ang atraksiyon na inihahatid nito sa kanya.

Nasapo ni Jane ang noo. Pilit inaalis sa isipan ang mala-Macheteng katawan ng lalaki.
Mula sa ibaba ay narinig niya ang mga yabag ni Marcelo sa hagdanan at nadatnan siya sa ganoong kalagayan.

“You okay?” nagtatakang tanong ni Marcelo.

Sa natatarantang gawi ng dalaga ay pinakalma niya ang sarili. She bit her lower lip as she once again ran her gaze over his muscular body. Nahigit niya ang hininga, pagkatapos ay inalis ang tingin dito at mabilis na tumango saka naisipang umalis sa harapan ng binata. Dumeretso siya sa kusina upang kumuha ng tubig na maiinom para maibsan ang nararamdamang init sa katawan at upang magising ang diwa niya.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay bumaba si Marcelo. Bihis na ito. Suot ang manipis na gray shirt at black cargo pants. Gaya niya, naroon ito upang kumuha rin ng tubig ngunit maligamgam upang maibsan ang panlalamig.

“Aren’t you going to sleep yet?” he asked.
Upang makaiwas sa atraksiyon na dala ng lalaki, kunwa’y humikab ang dalaga at tumango.
“A, oo. Inaantok na ’ko.”

“Kung gayon ay umakyat ka na sa itaas nang makapagpahinga ka,” suhestiyon nito.

“Sige.” Umalis na siya roon at iniwan ang lalaki. Subalit nasa gitna pa lamang siya ng hagdanan ay naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ng binata patungo sa itaas. She heaved a sigh.

Pagpasok sa silid ay natigilan siya. Iisa lamang ang kama at hindi niya alam kung sino ang hihiga sa kanila sa mismong kama. Sa tabi niyon ay isang lampara na nagsisilbing ilaw nila. Nagbibigay ito ng liwanag sa paligid.

Napakamot si Jane sa batok, nakaramdam ng kakaibang pagkailang nang mga oras na iyon.
Tumikhim siya. “Uhm, ako na lang ang matutulog sa couch. Ikaw na lang sa kama,” pagpresinta niya.
“Huwag na. Ako na lang sa couch. Doon ka na lang sa kama,” he initiated. Naglakad si Marcelo sa aparador. Sa ibaba niyon ay kinuha nito ang extra-ng kumot at unan.

“Hindi ka naman kasya sa maliit na couch na ’yon. Hindi ka magiging komportable. Kaya amin na!” Kinuha niya ang kumot at unan sa lalaki, naglakad tungo sa couch, at doon komportableng humiga.
“Good night,” wika niya bago binalot ang kumot sa katawan at ipinikit ang mga mata.

Hindi makapaniwalang namaywang si Marcelo. Naglakad ito tungo sa tapat ng dalaga at walang pasubaling binuhat ito na tila bagong kasal.
Nabigla si Jane. At bago pa man magprotesta ay nailapag na siya ng lalaki sa malambot na kama.
“You silly. Sinabing dito ka na matulog.”

“Pero . . .” She tried to get up from the bed, but the man stopped her and pinned her.
Her eyes widened in astonishment dahil sa lapit ng mga mukha nila ng lalaki. He was on top of her while looking at her intently. Naiilang niyang iniiwas ang mukha sa lalaki. At naging pagkakamali iyon dahil naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa leeg niya. Tila kinikiliti niyon ang kanyang balat at ayaw niyang ipakita sa lalaki na naapektuhan siya sa ginagawa nito sa kanya.

“I insist,” Marcelo smirked when he saw the woman’s restrained reaction. Sa salik na nais maglaro ng apoy ay inilapit pa ni Marcelo ang mukha sa dalaga. Sinadyang daanan ng mainit na hininga ang leeg nito tungo sa tainga. And then he whispered, “I know you are attracted to me.”

Napapikit si Jane sa iwinika ng lalaki. He seemed to know what her weakness was. At iyon ay iparamdam sa kanya ang sensual nitong abilidad.
“Alam mo ba kung ano’ng ginagawa mong pag-iiwas sa akin? You make me feel hot, Jane,” he enticingly whispered through her ear.

Marcelo softly laughed in her ears bago umalis sa ibabaw ng dalaga. Nang magmulat si Jane ng mga mata ay ganoon na lang ang pagkamangha at inis niya sa lalaki na pinaglalaruan lamang siya nito.
“You brute! Impakto!” Sa inis niya ay dinampot niya ang unan sa tabi at ibinato sa lalaki. Subalit nasalo iyon ng binata at nagpasalamat pa na ibinigay niya ang unan nito. Pagkatapos ay tumatawang naglakad ito tungo sa couch at doon humiga.

Jane crossed her arms in disgust, frustration, and embarrassment.

TGIM: Marcelo Bracho (Completed/Soon To Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon