Chapter 8 - Traydor o Kakampi?

25 2 0
                                    

HINDI na nagulat si Jane sa nalaman kung posible ngang sangkot si Efrain sa pagpatay sa ama ng lalaki dahil na rin sa nasaksihan niyang tagpo kung bakit tumakas siya sa kasal.

All along, she misinterpreted the man. Mula sa tinatakasan niyang kadiliman ay ang lalaki nama’y pilit nito iyong sinusuong hanggang sa kadulo-duluhan.

Marcelo’s father was found dead in the sea. Ilang araw itong nawawala bago nagtagpuan ng isang mangingisda ang bangkay nito na ilang araw nang palutang-lutang sa laot. Kung kaya’t ipinalaam nito iyon sa mga awtoridad. At nang puntahan sa nasabing laot ay nakumpirmang naroon ang naaagnas nang katawan ni Fredo Bracho.
His father was brutally killed. Basag ang bungo nito na hinihinalang ilang beses na pinaghahampas ng matigas na bagay at tatlumpu mahigit na tama ng bala ng baril sa buong katawan. Fredo Bracho was a hardworking and intelligent man. He was the one he looked up to when it came to the business industry. Ni walang nabalitaan ang binata na may kalaban ang ama niya sa pagnenegosyo.

“Pero hindi ako naniniwala na pati ang ninong ko ay maaaring sangkot sa pagpatay sa ama ko.”

“Bakit?”

He smirked. “Bakit?” ulit nito. “Dahil itinuturing ko na siyang pangalawang ama. They are both important to me. At hindi pa ganoon kasapat ang nakukuhang ebidensiya sa imbestigasyon. Marami pang mga hinala ang detective sa taong pumatay sa aking ama. At hindi ako pumapasok sa isang sitwasyon na hindi ako sigurado.”

Marahang tinapik niya ang balikat nito upang makisimpatya at pakalmahin ang hapis at poot na nararamdaman nito.

“I’m sorry for your loss, Marcelo. Sana’y mahanap mo kaagad ang hustisya para sa ama mo.”

He smirked. “You have the guts to say that, huh, woman? You ruined my actual plan, at hindi kita mapapatawad. I did not manage to kidnap the daughter of Mr. Smith, you know that?”

“Smith?”

“Yes, Clara Smith. Hindi mo siya kilala?”

“H-Hindi,” sagot niya. Kailanman, walang naalala si Jane na apelyidong Smith. Maliban na lang sa nakita niyang listahan ng bridesmaid dahil ang iba roon ay kuha ni Efrain. Marahil, isa sa mga bridesmaid niya o bisita ang tinutukoy ng lalaki.
“Bullshit!” he blasted.

Her eyebrows frowned. “Bakit? Ano’ng kailangan mo sa anak ni Mr. Smith?”

“Her father is the only one who negotiated with my father noong panahong namatay ang ama ko. Inanyayahan ko si Mr. Smith na magsalita sa korte, but he didn’t respond. That’s why kidnapping her daughter is the only way for him to show.”

Mabigat na nagpakawala ng hininga ang lalaki.
“Damn it! Gusto ko lang makuha ang hustiya para sa ama ko pero hindi umaayon ang lahat sa akin. Hindi na sila naawa. They killed my father like an animal! Kaya sa oras na malaman ko kung sino ang gumawa niyon sa ama ko, ako mismo ang maghahatid sa kanila sa mga hukay nila,” he said in a dangerous voice between rage and grief.
Nakita ni Jane ang mga ugat sa kamay ng lalaki nang ikuyom nito ang kamao sa galit.

“Marcelo, masahol na hayop lang ang pumapatay. Huwag mong igaya ang sarili mo sa kanila.”

“Then I can be the bad animal you’re referring to, Jane,” anito.

Bigla siyang nangamba sa matalim na tinging ipinukol sa kanya ng lalaki. Ibinaba niya ang tingin.
“I’m sorry,” paumanhin niya.

“Why are you saying sorry?” malamig na tanong ng lalaki.

“’Cause you’re angry.”

“And you’re afraid of me?”

Umiling siya, kabaliktaran ng sinasabi niya.
“Then looked at me.”

TGIM: Marcelo Bracho (Completed/Soon To Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon