“NARITO na tayo,” wika ni Marcelo sa dalaga nang marating nila ang dalawang palapag at di-kalakihang bahay na gawa sa wood at adobe. Itinigil ng lalaki ang kotse sa tabi ng mayabong na puno ng mangga bago ito nagpatiunang bumaba ng sasakyan. Pagkatapos ay pinagbuksan siya nito ng pinto.
Subalit hindi kaagad kumilos si Jane. Hindi niya alam ang gagawin. Inabot na sila ng hapon sa biyahe. Inikot niya ang mga mata sa paligid mula sa loob ng sasakyan. Wala siyang nakikitang kapitbahay. Mukhang dinala siya ng lalaki sa isang liblib na lugar.
May pagtatakang sinundan niya ito ng tingin habang nagpatiuna ito tungo sa bahay. The man was tall, easily over six feet. He was big. Malalapad ang balikat. Ang paraan nito ng pagdadala ng itim nitong suit ay nahahalintulad niya sa modelong si Nick Bateman.
Napalunok siya at nang mapagtanto ang ginawa ay napailing. She was disgusted with herself. Paano niya naiisip ang ganoon sa kalagayan niya?
May dinukot na susi ang lalaki sa bulsa ng slacks nito at binuksan ang pinto ng bahay.Saka pa lamang siya bumaba ng sasakyan bitbit ang backpack. Nilinga niya ang paligid. Tanging nagsisitaasan at mayayabong na puno lang ang nakikita niya. Halos hindi sila matamaan doon ng sikat ng araw. Parang nasa gitna sila ng kawalan.
Napapitlag siya nang marinig ang tinig ng lalaki.
“Pumasok ka na sa loob. Kailangan mong makapagpahinga, makapagbihis, at makakain.”
“Sige, pero matanong ko lang. Bakit tila yata napakaliblib naman ng lugar na ito?” tanong niya sa pagtataka.Tinapos muna ng lalaki ang pagsasara ng bintana at pinto ng sasakyan bago siya nito tinapunan ng tingin at sumagot. “Pansamantalang dito ka muna. Secluded man ang lugar pero nakatitiyak akong ligtas ka rito. Pagkasabi nito’y nagpatiuna itong pumasok sa loob ng bahay.
Hindi man niya gusto ay napasunod siya rito. Nasa bungad siya ng malaking pinto nang huminto siya sa paghakbang. Inikot niya ang paningin sa loob ng kabahayan. Sa isip niya’y kapag pumasok siya’y sinelyuhan na rin niya ang kapahamakan niya.
“Huwag kang mag-alala. May makakasama ka naman dito dahil tatawagan ko ang caretaker upang samahan ka,” wika ng lalaki na alam kung ano ang iniisip niya.
“Salamat. Pero kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko man lang alam kung ano ang pangalan mo.”
“Call me Marcelo,” walang emosyong tugon nito. “Pumasok ka na at pakisara ang pinto.”
Tumango siya at sinunod ang lalaki. Si Marcelo ay umakyat sa hagdan kaya dumeretso na rin siya tungo sa living room at doon balak na maghintay.
Ang mga mata niya’y nilinga ang buong paligid at pinag-aaralan ang bawat sulok ng kabahayan.
Two story ang di-kalakihang bahay na iyon. Cozy at simple. Adobe ang ibaba at kahoy ang itaas. Yari sa matitibay na kawayan ang interior at ilan sa mga piling kasangkapan. Sa ibaba ay ang di-kalakihang sala. Naroon ang mahabang sofa na yari sa antigong upuan. Yari naman ang center table mula sa pinutol na puno at may natural na kulay ng barnis.Natuon ang mga mata niya sa di-kalaparang hagdanan na kahoy na nakapagitan sa sala at dining room. May dalawang mamahaling vase na nakapagitan sa mga ito. Hindi maipagkakailang puno ng mamahalin at antigong mga kasangkapan ang bahay.
May-kadiliman sa loob ng bahay kahit may araw pa. Nagulat siya nang magbukas ang switch ng ilaw ang lalaki. Lumiwanag ang buong paligid. Bagaman malamlam ang kulay ng ilaw ay naaaninag niya pa rin nang malinaw ang lalaki. Hindi niya inaasahan na may koryente sa ganoong liblib na lugar.
“Saan nagmumula itong ilaw?” she asked.
“May generator sa backyard,” walang emosyong wika nito at tumuloy sa dining room.Hindi niya naiwasang sumunod dito upang tingnan kung ano ang ginagawa ng kanyang savior.
BINABASA MO ANG
TGIM: Marcelo Bracho (Completed/Soon To Published)
RomansaSOON TO PUBLISHED UNDER WESAPH INK AND ART PRINTING Jane Buendia is trapped in a life without choices. Napilitan niyang pakasalan ang amo ng kanyang ama para mailigtas ang kanyang may sakit na half-brother at mabayaran ang mga utang ng pamilya. Ngun...