ARAW na ng kasal at muling gaganapin ang seremonya sa beach resort. Sa mga oras na iyon ay hinigpitan na ni Efrain ang security sa lahat ng sulok ng resort.
"Tuloy na tuloy na ang kasal mo, Jane. At sana, huwag ka nang tumakas. Hindi ka na talaga natuto," ani Doris sa dalaga na hindi nakikitaan ng anumang emosyon sa mukha. Hawak ni Jane ang pumpon ng bulaklak. Naghahanda na sila dahil anumang oras ay magsisimula na ang kasal.
"Hindi mangyayari ito kung hindi ninyo kinonsenti ang Itay na ipakasal ako sa isang mamamatay-tao," pabalang na sagot niya sa stepmother."Aba, ngayon ay nagrereklamo ka na? Buti nga at mapapangasawa ka ng isang lalaking mayaman at aahon sa pamilya natin sa putikan. Maraming taong nagsumikap ang ama mong si Abel pero wala pa ring nangyayari. Kaya tanggapin mo na ang kapalaran mo. Hindi sa lahat ng oras, mapapakain ka ng pagmamahal o pagiging maarte mo. Mas magandang maging praktikal ka sa buhay," sunod-sunod na wika nito.
Jane shook her head. She tried to extend her patience toward her stepmother. Ayaw na niyang sagutin ito at baka masaid lang ang pasensiya niya. Tutal, lagi naman itong tama.
Nang dumating ang coordinator at ang amang si Abel ay tumayo na siya.
"Napakaganda mo, anak. Handa ka na ba?" tanong ni Abel sa kanyang anak.
"Magagalit ba kayo kung sasabihin kong hindi?" walang emosiyong sagot niya. She didn't care kung narinig man iyon ng wedding coordinator na saglit na natigilan.
"Siyempre, hindi. Pero natutuwa akong maikakasal ka na."
"Maikakasal sa isang mamamatay-tao? Sa tingin ko ay nababaliw na kayong lahat," matapang na sagot niya.
Si Abel ay nawala ang ngiti sa labi. "Jane, huwag ka nang magsalita ng kung ano man na walang katuturan," anang ama, halata sa boses ang maawtoridad na salita.
"Katuturan? Wala ba talaga akong halaga sa 'yo, Itay?" nasasaktan niyang tanong.
Yumuko si Abel upang hindi makita ang pighati sa mukha niya. "Doris, halika na sa labas. Doon na tayo maghintay," anyaya ni Abel sa asawa at lumabas.
Nang maayos ng wedding coordinator ang paglalagay ng veil sa ulo niya ay sinunod naman nito ang pag-retouch ng makeup sa kanya. Pinaalalahanan pa siya nito na huwag nang umiyak. Pagkatapos niyon ay lumabas na sila.
Sa malawak na garden ng beach resort ay nagsimula na ang kasal. At sa bawat paglakad ni Jane kasama ang ama sa mahabang aisle ay tila may mga bakal na nakakabit sa kanyang mga binti.Nang tingnan niya ang paligid ay nakangiting mga bisita ang nasilayan niya, umaasang makikita niya si Marcelo. Subalit hanggang sa pagdating niya sa altar kasama ang groom ay wala ang binata.
Lalo siyang nanlumo. Ang ibig bang sabihin niyon ay hindi dumalo ang lalaki sa kasal niya? Masasabi niyang ayaw nitong masaksihan ang pakikipag-isang dibdib niya sa ibang lalaki. Kung gayon, mas mabuti na iyon upang hindi siya lalong masaktan. "I know you're so beautiful behind that veil, Jane," si Efrain nang tanggapin nito ang kamay niya. "By the way, don't make us feel disappointed." Tumingin ito kay Abel pagkatapos sabihin iyon.
"Congratulations in advance sa inyo ng anak ko, Efrain. Ikaw na ang bahala sa kanya. Take good care of her and love her."
"Iyan ang lagi kong ginagawa sa anak ninyo, Abel. She didn't know how much I loved her," wika nito.
Masama man ang loob ni Jane ay hindi niya pinansin ang lalaki.Doon ay nagsimula na ang pari sa seremonya. "Kung may pipigil man ng kasal ay magsalita na."
"I object, father!" sigaw ng isang lalaki mula sa dulo ng aisle.
Nang harapin iyon ng groom at bride ay nabigyan ng pag-asa si Jane.
"Marcelo," she said. Kitang-kita ang tuwa at ningning sa mata ng dalaga, at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Efrain.
Mula sa dulo ng aisle ay naglakad palapit si Marcelo kasama ang inupahang detective.
Nagsimulang magbulungan ang nasa paligid kung ano nga ba ang nangyayari."Marcelo, hijo. Ano'ng nais mong ipakahulugan sa sinabi mo? At ano ka ba? Sinisira mo ang seremonya ng aming kasal," si Efrain na hindi maintindihan ang nangyayari.
Nang-uuyam na ngumisi si Marcelo, sinenyasan ang detective na ilahad ang dokumento sa harap ng mga tao.
"Mayroong warrant of arrest kay Mr. Efrain Laurenco sa salang pagpatay sa kaibigan niyang si Fredo Bracho at ilan pang kaso gaya ng smuggling, larceny, at human trafficking," salaysay ng detective habang inilalatag ang mga arrest warrant.
"Marcelo, hindi ako ang pumatay sa papa mo."
Nagtagis ang mga bagang ni Marcelo. "Sa presinto ka na magpaliwanag. At huwag kang magtatangkang senyasan ang mga tauhan mo dahil nakapalibot ang lahat ng mga pulis sa resort na ito," wika nito.At bago pa may gawing masama si Efrain kay Jane ay inunahan na ito ng dalawang pulis. "Efrain Laurenco, ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang-kibo. Anuman ang iyong sabihin ay maaaring gamiting pabor o laban sa iyo. May karapatan kang pumili ng sarili mong abogado," anang isang pulis.
"Marcelo, hindi totoo ang mga paratang na ito sa akin. Magpapaliwanag ako," pakiusap ni Efrain, hawak ang braso ng binata at walang salitang pinakawalan si Marcelo hanggang sa tangayin siya palabas ng resort kasama ang mga tauhan.
"Jane."Nabaling ang paningin ng dalaga kay Marcelo.
"Are you alright?"She nodded and cried. Nilapitan niya ang lalaki at niyakap ito nang mahigpit. Inalo at niyakap naman siya nang mahigpit ni Marcelo.
"Salamat, Marcelo. Akala ko, makukulong na ako habang-buhay sa piling ni Efrain."
"Shh . . . tama na ang iyak. Itutuloy pa rin natin ang kasal. Pero ngayon, tayong dalawa na."
Bumitiw si Jane sa lalaki. "A-Ano'ng sabi mo?"
Marcelo touched her face. "I'll marry you today, and I will love you forever, Jane," he soulfully said while looking at her.Jane smiled, habang si Marcelo ay hinarap ang karamihan at ang pari upang sabihing matutuloy ang kasal.
"Marcelo Bracho, do you take Jane Buendía for your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?"
"Yes, I do, father," sagot ni Marcelo habang nakatitig sa dalaga.
Nang ulitin ng pari ang tanong kay Jane ay nakangiting sumagot ang dalaga. "Yes, I do"
"So now, Mr. and Mrs. Bracho, idinedeklara ko kayong mag-asawa na. You may now seal your marriage," anunsiyo ng pari.Nakangiting hinarap ni Marcelo ang dalaga, hinawakan ang laylayan ng veil at dahan-dahang hinawi patalikod. Pagkatapos ay umangat ang kamay nito tungo sa baba niya. Doon ay pinagsawaan ni Marcelo ng tingin ang mukha niya.
Hindi mapigilan ni Jane ang lumuha sa saya. Gamit ang thumb finger ni Marcelo ay pinalis nito ang luha sa pisngi niya bago ito yumukod at may ngiting hinagkan siya sa labi.Tumugon si Jane sa halik ng asawa. Ang imbes na dampi lang sa labi ay naging mapusok at malalim.
Nang pakawalan ang isa't isa, palakpakan mula sa mga bisita ang naghari sa dalawang taong nag-iibigan.
BINABASA MO ANG
TGIM: Marcelo Bracho (Completed/Soon To Published)
RomanceSOON TO PUBLISHED UNDER WESAPH INK AND ART PRINTING Jane Buendia is trapped in a life without choices. Napilitan niyang pakasalan ang amo ng kanyang ama para mailigtas ang kanyang may sakit na half-brother at mabayaran ang mga utang ng pamilya. Ngun...