Chapter 10: First Phase
I didn't completely pass out. However, after the last hit I took, my senses had become too weak even to grasp what had happened. Basta ang alam ko lang ay binali ni Brienne ang usapan namin.
That witch would pay for this!
Nung magmulat ang mga mata ko ay mukha agad ni Callum ang bumungad sa akin. Nakapikit ang kanyang mga mata at nakaawang pa nang kaunti ang kanyang mga labi. He was still unconscious.
Nagawa kong makabangon. Wala na akong nararamdaman na sakit. Inikot ko ang tingin sa kabuuan ng silid. Kahit na may mga pagbabago ay agad ko pa rin itong nakilala. This is the home of Aristotles.
It's already daytime. How long was I unconscious?
I heard Callum let out a grunt. Nakangiwi ang kanyang labi habang nakahawak sa ulo. Nakatingin siya sa akin na tila wala pang ideya sa kung ano ang nangyari.
"I feel weird," he complained.
I just stared at him blankly. He will feel weirder later.
Bumangon siya saka nag-inat ng katawan. Hininhintay ko pa rin na mahimasmasan siya para malaman niya kung ano ang nangyari. How the hell did he fall into her trick? Fuck. I fell too!
Agad na bumaba sa mga binti ko ang kanyang tingin. For some reason, there was a relief seen on his face. Saka niya ginulo ang kulay pulang buhok at humikab.
"Akala ko tumakas ka na," sambit niya.
Kumunot ang noo ko. Saka ko lang napagtanto na nakakadena ang mga binti ko. Sinubukan kong alisin pero bigo ako. Nagpumiglas ako pero walang nangyari.
Why the hell am I chained, and he's not?
"What the hell happened?" As if he had just realized we were in a strange position, he started questioning himself. He stared at me, confused. "Bakit ako andito sa kwarto mo? Did I fall asleep?"
"What do you think?" I asked sarcastically.
He looked at me in an ominous way. "I think nakatulog ako dahil sa pinainom mo sa akin na dugo. I am not complaining, though. That was the best drink I ever had."
My lips parted. What the hell is he talking about?
"May saging pa sa kusina. Ikukuha kita—"
"Okay. Listen, Callum." I sighed. "I know it's weird, but," My voice was calm, even though I knew there was nothing to be calm about our situation. "Can you at least remove the shackles?"
Hindi niya ako sinagot. Lumabas siya ng kwarto at iniwang nakabukas ang pintuan. Kahit na nakatali ang dalawa kong mga paa ay umalis pa rin ako sa kama. Patalon-talon ko siyang sinundan sa kusina.
I'm getting extremely frustrated. I cannot stay here for long. Hahanapin ako ng mga pinuno. Hindi pa gano'n katagal nung tinakas namin si Brienne.
"Puwede mo ba akong painumin ng dugo mo ulit?" tanong niya habang nagbabalat ng saging. "I promise to give you something else in return. I know you are sick of eating bananas for days."
"Fine. First, please release me from these restraints."
A chuckle escaped his lips. Hinawakan niya ang braso ko saka inalalayan akong makaupo. Nilapag niya ang plato na may mga saging sa harapan ko.
"I cannot do that, Brienne. Baka tumakas ka at malagot ako kay Lord Oscar," aniya. "Just eat. Baka bukas ay karne na ang kainin mo."
Okay. That's it.
I took the plate and threw it across the room. Nabasag ang plato na lumikha ng nakakabinging ingay. Napabuntonghininga na lang si Callum.
"Sa tingin ko ay nagsasawa ka na sa saging—"