Chapter 14: This Time
Even in a world where I don't belong, I cannot find the peace to put myself asleep or my mind at ease. There's fear that if I close my eyes, even for just a moment, I will lose everything again.
The Tavern was quiet and empty. May maliit na lampara sa lamesa na malapit sa akin. Malambot ang tela na nilatag ni Celeste sa sahig. The temperature here was warm and for some reason, comforting.
She shouldn't remember me. Iyon ang tanging paraan para mas tumagal ang pananatili ko sa mundong ito. Hindi dapat ako gumawa ng hakbang para mabulabog ang nananahimik niyang isipan.
I read the title of the book she gave me. "Slave of Time."
Bago ko basahin 'yon ay tumayo ako para kumuha ng alak. Pagkakuha ko ay bumalik din ako sa lapag saka na inumpisahang basahin ang libro.
I got hooked by the plot and the characters. But most significantly, the villain in the story. I like that part of the novel. I really think the villains have the most tragic stories. They are usually the loneliest.
"Are you loving it?"
Umangat ang tingin ko. Nakaupo si Celeste sa lamesa, tabi ng lampara. May hawak siyang palumpon ng ubas at ngumunguya. She was wearing a long sleeve silk sleepwear.
"Kanina ka pa ba riyan?" tanong ko.
Tuluyan ko nang binaba ang librong binabasa. It was good, but not as good as the woman in front of me. Sinubukan kong huwag ngumiti kahit na sobrang tuwa ang nararamdaman kong narito ulit siya.
"Sobrang tutok mo sa pagbabasa," marahan siyang tumawa. "I actually haven't read that book. What can you say about it?"
We just parted a few hours ago. Pero sobrang sabik ko sa kanyang boses. If I could only ask her to talk to me overnight.
I shrugged as I stood up. Humila ako ng upuan saka paharap na umupo roon. Hinatian ako ni Celeste ng ubas saka 'yon hinagis sa akin.
"Thanks." Pumitas ako ng isang ubas saka sinubo habang nakatingin pa rin sa kanya. "I like how the story focuses not only on the protagonists of the story. The antagonist makes it more intriguing. If this were a series, I would love to read the prequel."
"I'm not sure." Tumingala siya habang gumagalaw ang mga binti sa hangin. "Anyway, bumalik lang ako dahil may nakalimutan akong kunin."
I nodded. "Ano? Ako na ang kukuha para sa 'yo."
"Uhmm..." Tila napaisip naman siya. Saka siya luminga sa paligid.
"Are you sure may kukunin ka?" I tried hard not to smirk.
Napalingon siya sa akin. Tumaas ang kanyang kilay saka ako inirapan. Hindi ko na napigilang tumawa. I'm loving this version of her.
"Right!" She snapped her finger. I think she finally figured out the reason why she was here. "I need more drinks. Ubos na ang stock ko sa bahay."
"Ako na ang kukuha—"
"Ako na. Don't bother yourself."
Pinanuod ko siyang tumalon pababa ng table saka tumalikod sa akin para maglakad palayo. She went to the bar counter. Tumingala siya sa mga alak sa cabinet. Tumingkayad siya para abutin ang isang alak pero kinulang ang haba ng kanyang braso.
I cleared my throat. Kinuha ko uli ang libro saka sinubukang ibalik doon ang atensyon ko. Narinig kong may tumunog na upuan. Pagkalingon ko ay nakatungtong doon si Celeste habang nakatingin sa mga alak.
She looked so cute. Pero sino ba ang nag desisyon na taasan ang hanging cabinet? It was out of her reach. I couldn't help but imagine Glen helping her whenever she needed help.