Hi. This will be the last chapter of Tarnished Crown. Next is the epilogue, which will also serve as the final part of the Cardinal Series. This is a long series, so if you've made it this far, thank you soooo much. I hope you enjoyed the journey of The Cardinals. See you on the stories of the next gen :)
-
Chapter 30: The Beginning
The sound of the gates creaking as they slowly swung closed sent shivers down my spine. Then they placed the heavy chains, and a sign read "Closed." Behind it lay the mythical place where historical moments once unfolded, now sealed from the world.
Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa malayong malaking bahay. Hindi kalaunan ay mababalutan na ito ng mga baging at tuluyang kakainin ng panahon.
I had nothing but a small suitcase containing only a few clothes. As much as possible, I didn't want to bring anything from inside the clan.
Napangiti ako. Lumuwag ang paghinga ko na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan. Gusto kong magsimula ulit. Iyon ang gagawin ko.
Inayos ko ang itim na sombrero sa ulo ko bago tumalikod at naglakad palayo. Naglakad ako sa gitna ng palayan kung saan papunta ang mataong lugar. Hindi ko alam kung nagawa ko na ba tong lakarin dati dahil hindi ako umaalis ng Mansion nang naglalakad lang. I guess it was a first time that I left without bringing a car.
Nung nasa matao na ako ay tumabi ako sa gilid ng kalsada. It suddenly started raining. Ambon lang naman. Inayos ko ang sombrero ko habang pumapara ng taxi. Umabot din nang limang minuto bago ako nakakuha.
I went inside the car. Sinabi ko sa driver ang lugar. He tried to look it on the map. Napansin kong naguluhan siya kaya sinubukan niyang tumingin sa rear view mirror. Bago pa niya mapagtanto na hindi niya ako makikita roon ay tinalikod ko ang salamin.
"I don't like seeing myself in the mirror," I smiled before leaning back on my seat. "Salamat. Is there a problem?"
"M-my map doesn't recognize the place, Sir," he said, and I could feel that I slightly freaked him out. "Is there a landmark, at least?"
"No need to take me exactly on that place. Kung saan lang po aabutin ang sasakyan niyo. Maglalakad na lang ako."
Hesitantly, he started driving. Sinabi niya pa sa akin na kailangan niya ang rare view mirror pero nung hindi ako kumibo ay hindi na niya ako kinulit.
Mas lalong bumuhos ang ulan sa labas. The window blurred my sights. Nilagay ko sa tabi ko ang suitcase saka inayos ang jacket na suot.
"Taga rito ka po ba?" biglang tanong ng driver. "Pasensya na. You look like a foreigner."
"Not really."
"I see."
Hindi na siya nagtanong pa matapos no'n. It took us three hours just to reach the place. Malubak na at mapuno ang sa harapan namin kaya hindi na kayang pasukin ng sasakyan niya.
"Sigurado po ba kayong dito ang pupuntahan niyo?" naguguluhang tanong ng driver habang nakatingin sa daan. "Pagubat na po ito, Sir."
Kumuha ako ng pera sa wallet at inabot 'yon sa kanya. Susuklian niya sana ako kaso hindi ko na kinuha. Paglabas ko ng sasakyan niya ay pumasok na ako sa kakahuyan.
Caligo Clan was not too far away from here. However, I wanted to take my time. Naglakad lang ako habang tinatanaw ang mga puno. Sometimes, it's really good to slow down and just take in the view.
Madulas at medyo maputik ang daan. Tumila na rin ang ulan. May mga natirang patak ng ulan sa mga dahon. Malamig ang hangin. When was the last time I even recognized where I was?