Epilogue

14.9K 667 416
                                    

This is the end of the Cardinal Series. I hope to see you in the next gen. But for now, let's end it here. Until then :)

-

Epilogue

I almost didn't make it out alive.

The trials were cruel. Maraming nawala sa akin, kasamahan, kaibigan. Hindi lang dugo ang kailangan mong ialay. Maging ang iyong puso at luha. At minsan, maging ang buong akala mo'y wala ka.

I could still vividly recall the moment when, after months of living in the dark and struggling to survive, I finally found the light. But as I turned around and looked back, I realized that I was all alone, drenched in blood.

Hindi lahat ng kasama mong pumasok ay kasama mo ring lalabas. Wala ring kasiguraduhan na maging ikaw ay makalalabas nang buhay.

But I did it. I was one of the first vampires who survived the trials.

"Lord Caezar," dinig kong may tumawag sa akin.

Natigilan ako sa pagdidilig ng mga halaman para harapin si Arthuro. Agad kong napansin ang hawak niyang isang maliit na kahon.

"Naiwan yata ito ni Lord Oscar," tukoy niya sa kahon. "I thought I would just surrender it to you. Ikaw na lang ang magtago."

I got excited, as if it was a present for me. Muntik ko nang hawakan ang kahon kahit na basa ang kamay ko.

"Pakipatong sa lamesa sa loob," utos ko na lang.

Sinarado ko ang gripo saka agad na sumunod sa loob ng bahay. Napangiti ako nung makita ang kahon sa ibabaw ng lamesa ko.

"By the way, Lord Caezar. We caught a woman sneaking around. She was not from here. May hinahanap lang daw siya kaya napadpad dito. Should we set her free?"

"Ano raw ang hinahanap niya?" tanong ko habang ang tingin ay nasa kahon pa rin. Gusto ko na itong buksan.

"I'm not sure. I think... she was looking for her brother?"

"Wala ba rito?"

"Hindi rin ako sigurado. Basta ang alam ko lang ay sampung kawal ang kinailangan namin para mahuli siya. This young woman was incredibly strong."

I cleared my throat. "Try to look for her brother. Kung bigo kayong makita, I guess it's best to set her free. Iyon ay kung ayaw niyang manatili."

Hinintay kong makaalis si Arthuro bago binuksan ang kahon. Sa loob no'n ay may tatlong libro na magkakapatong. Tila nakaalinsunod batay sa kapal ang mga ito. Ang libro sa ibabaw ang pinakamakapal, sumunod ang sa gitna. Napansin kong walang nakasulat sa librong nasa hulihan.

Ito ba 'yung tinutukoy ni Lord Oscar na mga librong importante sa kanya? But what are these books? Siya ba ang nagsulat ng mga ito?

So I spent the next nights reading and trying to absorb every detail of each book. It was not an easy read, and I didn't want to miss any detail. May mga parte na tila hindi ko dapat mabasa. May mga parte rin na hindi ko inakalang nangyari.

Bihira akong makatulog. Pero nung nabasa ko ang pangalawang libro ay tila napagod ako. Napagod akong lunukin ang bawat pangyayari.

Hinawakan ko nang mahigpit ang libro sa hulihan. Wala ni isang letra ang nakasulat dito. It was not because he didn't get to write his own story. He simply didn't want to.

I made myself a cup of tea, sat down at the table with a candle beside me. Hinawakan ko ang panulat saka binuklat ang blangkong aklat.

I knew his history, but it was not enough. To be able to write, I had to visit the Mansion often. I wanted to grasp the place where it all started. Bawal nang pumasok dito kaya patago akong bumibisita.

As I walked around, I noticed that time had begun to take its toll on the place. Vines started to creep up the walls. Dust covered the floors, furniture, and pictures hanging on the wall. Halos wala nang buhay ang paligid.

Hapon na rin nung nakauwi ako sa Caligo Clan. Napansin kong nagkakagulo ang mga kawal. Hinawakan ko nang mahigpit ang libro habang tinitingnan kung ano ang nagyayari.

My eyes narrowed as I watched a woman sprint away from the guards. She was eyeing for the gates. Bago pa man siya makalabas ay nagawa kong hawakan ang dalawa niyang braso.

Muntik pa akong mapaatras nung makita ang mga nagliliyab niyang mata. I knew at that moment, there was something interesting about her. Even the guards struggled to catch her.

"Let me go," she said.

"Are you looking for your brother?" I asked.

Sa isang tanong lang na 'yon ay kumalma siya bigla. Nawala ang alab sa kanyang mga mata at hindi na siya nagpumilit pang kumawala sa pagkakahawak ko. Binitiwan ko na rin siya.

"A-alam mo kung nasaan siya?" tanong niya.

I stared at her carefully. She didn't look like missing at all. Mukhang nagkahiwalay lang talaga sila ng kapatid kaya napadpad dito.

"Where is he?" she asked next.

"You still looked exhausted," pansin ko. She was panting heavily. Maputik na rin ang kanyang damit. "Gusto mo muna bang manatili rito? I will help you find your brother."

Tumingin lang siya sa akin, parang tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo. She was skeptical. But she eventually nodded.

"Hahanap ako ng tutulong sa 'yo para makapaglinis ng katawan. I will also provide you a shelter," nakangiti kong sabi sa kanya. "Sigurado ka bang kapatid mo lang ang hinahanap mo?"

Hindi siya sumagot.

"Are you alone with your brother?" tanong ko.

Hindi pa rin siya sumasagot.

Napabuntonghininga na lang ako. Sa tingin ko ay wala talaga siyang balak na magsalita.

"Can you at least tell me your name?" tanong ko.

Umawang ang labi niya at aktong magsasalita, pero natikom din. She was careful with her words. Ang pakay niya lang ay ang kanyang kapatid at iyon lang. I bet if she found him, they would leave immediately.

"Arthuro," tawag ko. "Ihanap mo siya ng babaeng tagapagsilbi na mag-aayos sa kanya. Find her a shelter. Give her food and blood. Anything. She's our guest now."

"T-thank you..." she suddenly muttered.

Napangiti ako. "Magpahinga ka muna bago natin hanapin ang kapatid mo."

Aalis na ako nung bigla pa siyang may sinabi.

"M-my name is Aya."

Tarnished CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon