That Girl

4 0 0
                                        


-NETT POV-

Andito ako ngayon sa likod ng school, may mini forest dito kaya di masyadong kita pag may tumatambay dito...

Inaabangan ko lang naman si Crystal...

That girl.. humanda ka sakin...

Time check 7:50 PM ..
Lapit na umuwi yun ...

Pagkakataon ko na to ....

Lumipas ang 10 minutes nakita ko na sya, naglalakad palabas ng school building...

Nag ready na ako ... 

1, 2, 3 ................

Then shot....  

Nakita ko naman sya sa di kalayuan na natumba habang hawak, hawak ang braso nya ....

Wait braso ??
Akalain mo nga naman, hindi pa natamaan sa ulo or sa dibdib ang babaeng yun ...

Kakalabitin ko na sana ulit ang baril ko ng may humablot neto.
Tiningnan ko kung sino, si Jett pala...

Tiningnan nya ako ng masama...

"Bakit ka nandito? Kala ko sumama ka kila Hance at Frost sa bar?" - gulat kong tanong kay Jett.. 

"Hindi na tuloy kasi nagtataka ako sa kinilos mo kanina.. I know you Nett.  So tama nga ako.. may masama kang binabalak ng hindi namin alam." - sagot ni Jett sabay lagay ng baril sa likod nya,
siniksik nya ito sa pants nya..

"Walang plano eh, kaya ako na nagplano ... " - palusot ko ...

"Dahil lang talaga sa video papatay ka ng tao?" - tanong ni Ice , oh andito rin sya..

"Great " - sabi ko nalang ....

"Di mo ba alam na malala ang tinamo ni Crystal, buti nalang naabutan ka pa namin.. " - sabi ni Ice

"Natakot ako baka totohanin nya, ayaw ko ma disappoint ang family ko lalo na si grandad" - paliwanag ko... 

"Tara, nasa van na sila Eshton at Kurt kasama si Crystal, dadalhin sya sa mansyon natin doon sya gagamutin" - sabi ni Jett habang naka tingin sa phone nya..

"Lets go" - sabi ni Ice... sabay tapik sa balikat ko..

Kaya ko lang naman nagawa yun kay Crystal dahil ayaw kong mapahiya ang family ko dahil lang sa video na yun...
Kilala pa naman ang family namin sa buong mundo ....
pag kumalat ang video na yun, sure akong ipagtatabuyan nila ako ...
At yun ang ayaw kong mangyare..

Ako ang taga pagmana nila...
-

-ESHTON POV-

Pinagmamasdan ko si Crystal, ang himbing ng tulog nya...

Ang ganda nya sa totoo lang.
Maputi, matangos ang ilong, mahabang pilik mata, at chinita ...

Naka sando lang sya, buti nalang nag sando sya ..
Yung uniform nya na sleeve tinapon na ni Jett kasi ang daming dugo..

Nakadapa ang ayos nya ngayon, nabaril kasi ang kaliwang braso nya kaya hindi sya pwedeng tumihaya...

Natanggal na ang bala at Nagamot na rin ang sugat nya..

"Tulog pa rin sya" - disappointed na sabi ni Nett.

Pagkapasok nya umupo sya sa kanang bahagi ng bed ko...
At tiningnan nya si Crystal.

"1 hour palang syang tulog Nett, gigising din yan mamaya" -sabi ko ...

Dito ko na sa kwarto pinalagay si Crystal para mabantayan ko.. 

"Tagal naman ang mamaya na yan" - reklamo ni Nett.

"Maghintay ka, tatanungin natin sya agad pag gising nya, kaya relax pre" - sabi ko ...

Hindi na nagsalita si Nett lumipat sya ng upo sa mini sofa ko.. doon sya tumambay...

Habang ako andito sa ottoman nakaupo... 
-

-CRYSTAL POV-

Nagising ako na may kakaiba sa braso ko ... ginalaw ko ito..

"Aray" - daing ko ...

Shocks kala ko panaginip lang, totoo ngang nabaril ako.. ang sakit mga teh..

Nilibot ko ang paningin ko. Wow white and blue ang kulay ng kwartong to.. teka nasan ako..

"Are you okay?" - worried na tanong ni Hance..

Nagulat ako ng makita ko silang lahat, ang 7 boys..

"No" - maikli kong sagot. Naiilang ako ... naka sando lang kasi ako tapos mga lalaki pa ang kasama ko..

"May naalala kaba?" - tanong ni Jett.

"Oo, may bumaril sakin, hindi ko lang alam kong sino... na saan pala ako?" - tanong ko rin ...

"Andito ka sa mansyon namin.. kaming pito lang ang nakatira dito" - sagot ni Hance.

Umayos ako, umupo ako sa kama..
Ang sakit ng sugat ko ..

"Akin na phone mo,, buburahin ko lang ang video doon" - out of nowhere na sabi ni Nett..

Tiningnan ko sya ng masama...

"Ayaw ko .." - sagot ko lang ...

Bigla naman nagdilim ang paningin nya at nilapitan ako..

"Give me your fucking phone" - galit na sabi ni Nett..

Katakot naman ang isang to..
Kahit takot ako, nagawa ko pa ring sumagot sa kanya.

"Ayaw ko nga sabi eh" -pagmamatigas ko...

Nagulat ako ng bigla nya akong hinawakan sa braso kong saan malapit sa may sugat ko..

Napapikit ako sa sakit
...

"Shit... bitawan mo ko" - sabi ko ... pero mas lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakahawak...

"Hey,... tama na yan ..." - awat ni Frost ....

"No" - galit na sabi ni Nett..

"Pre, ano ba ? ... tigil mo yan or tatawagan ko si grandad mo" - sabi naman ni Hance..

Kaya natauhan si Nett at binitawan ako..

Oh my gosh, ang sakit...

"Sorry about that" - paumanhin ni Hance..

Nakita kong hinila nya palabas si Nett.. 

"Tawagan mo na mga kaibigan mo or family , ipaalam mo na andito ka samin" - sabi ni Frost sabay labas ng kwarto..

Ako ito hindi makaimik, dinadamdam ko ang sakit ng braso ko..

"Hey .... relax.. get rest" - sabi naman ni Ice.. nag nod lang ako sa kanya...

"Salamat" - sabi ko ....
-
-

----------------------
》NEXT CHAPTER《

Crystal Light AcademyStories to obsess over. Discover now