Uno

17.9K 113 4
                                    

LISA SIMON MANOBAN POV

"Good morning Mama!" I kissed my mother's cheek. "Anak kumusta nga pala ang pag apply mo nang scholarship, tinawagan kana ba nila o nag email man lang?" Tanong ni mama habang ipinag timpla niya ako ng kape, kumuha ako nang pan sa mesa at isinawsaw ko ito sa kape ko masarap kasi pag ganon, aminin kadalasan sa atin talaga isinawsaw sa kape ang Pan bago kainin ang sarap kaya.

"Wala pa ma eh yon nga din ang ina-alala ko paano kong hindi ako nakuha o hindi ako nakapasa hindi talaga ako makakapag aral ng College kong ganon!" Malungkot na sabi ko umupo si mama sa harap ko hinawakan ni mama ang kamay ko.

"Ano kaba anak kahit anong mangyari makakapag aral ka ng College diba pangarap mong maging isang Pulis kahit na magkada-utang utang kami ng papa mo gagawin nami lahat basta makakapagtapos kalang nang pag-aaral o hindi naman kaya isanla muna namin ang lupa natin para pambayad sa pag aaral." Sabi ni mama malapit na talaga akong maiyak dahil sa sinabi nya alam ko naman na nahihirapan talaga sila ni papa, pagsasaka lang kasi ang hanap buhay ng mga magulang ko.

"Ma, hindi naman na kailangan pa na ibenta ang lupa natin umm.. nandon naman ang kapatid mo sina anti Susan diba? So walang problima sa bahay at pwedi naman akong mag trabaho ma doon habang nag aaral ako, wag kayong mag alala ma kaya ko to ako pa!" Pagkukum binsi ko sa kanya nakita ko naman natuwa sya sa desisyon ko ayaw ko na kasing makita silang nahihirapan dahil sakin.

"Oh! anak nasabihan ko na si Edmond na sasabay ka sa kanya bukas papuntang Syudad!" Sabi ng papa ko at umupo ito sa tabi ng mama ko inilagay nya ang sumbrero nya sa mesa medyo mahaba naman ang misa naman.

Isang deputy kasi ang papa ko dito sa probisya namin kaya maraming nakakakilala samin dito, sa probinsya kasi namin lahat nagdadamayan pag may problima isa-isa yang magbibigay ng bigas o ulam natutuwa nga ako eh....kasi mga tao dito samin mamabait.

"Ahh ganon po ba Pa, nasabihin nyo na po ba sina Anti Susan Ma na doon ako sa kanila muna titira pan samantala, habang wala pa akong trabaho?'' 

"Oo anak nong isang linggo pa sabi pa nga nya sakin na 1500 lang dw ang bayad nantin doon sa boarding house mo pero nasa second floor ka nang bahay nila wala naman dw kasing nakatira doon sayang dw." sabi ni mama habang binigyan nya ng pagkain si papa sa plato.

"T-tika lang ma anong babayaran diba sabi nya sakin nong tumawag ako sa kanya na wala tayong babayaran ni peso?Anong nangyari?" Takang tanong ko, kapatid yon ni mama bakit naman ganon?

"Ano ka ba anak pabayaan mo na, kaya naman namin ng ama mo na yon ang mas importante lang sa ngayon eh may bahay kang matutuluyan doon at malapit lang din sa skwelahan na papasukan mo!" pagkukumbinsi ni mama sakin hindi ko maiwasang magalit sa ante ko bakit sila ganon nong sila nangangailangan ng matutuluyan hindi kami nag pabayad ni piso bakit kami na kailangan namin ng tulong nila eh ganon yong desisyon nila, sorry pero yon talaga ang laman ng utak ko eh.

"Anak, handa ka na ba bukas?" ngiting tanong nang papa ko.

"Oo naman pa handa na ako at gusto ko ring makatapos na agad nang pag-aaral para hindi na kayo mag alala sakin at matulungan ko na din kayo." ngiting sabi ko talagang sinantabi ko muna ang galit ko sa ante ko hayyzzz wala naman talaga akong magagawa pa sa ngayon.

"Anak mag ingat ka don ok? Tuwag ka kaagad bagdating mo don ha!" Malungot na sabi ni mama sakin at niyakap ako niyakap ko din sya at si papa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Anak mag ingat ka don ok? Tuwag ka kaagad bagdating mo don ha!" Malungot na sabi ni mama sakin at niyakap ako niyakap ko din sya at si papa.

"Anak, Pag-aaral ang pinunta mo doon, wag kang gagawa nang kong ano pag malaman-laman ko talagang may babaing iiyak at punta dito talaga mawawalan ka ng kaligayan!" birong sabi ni papa at itinuro nito ang back-up ko, Oo in born kasi to pero masayang masaya ako dahil kahit na ganon ay tanggap ako nang mga ka barangay namin at lalong lalo ang pamilya ko.

Natawa naman ako dahil kinurot ito ni mama sa tagiliran, walang magawa si papa pag si mama na ang kalaban nya kawawang papa hahaha. (napangiti nalang ako sa naisip ko.)

"Oo naman pa at mag iingat kayo dito Ma, Pa ha!? tawagan nyo kaagad ako kong may problima, wag kayong maglilihim sakin!" seryusong sabi ko sa kanila ngumiti lang sila,  kumaway narin ako sa mga taong nandito samin para nga akong celebrity sa lagay ko nato hahaha...

"Mag-ingat ka Lisa dalhan mo kami ng mga babaing maganda dito!"sigaw na sabi ng mga ka tropa kong unggoy dito samin, natawa nalang ako.


Umalis na kami......


"Tol kailan ka naman makakabalik satin?" tanong ni kuya edmond habang nag dadrive.

"Matagal tagal pa tol, kasi kailangan ko rin maghanap ng trabaho eh, ayaw ko namang aasa lang ako sa mga magulang ko eh matatanda nayon?" Sagot ko.

"Nako mukhang mahihirapan ka talaga nyan tol, pero wag kang mag alala pag may pera ako kahit kunti papadalhan kita, napa kabuti kasi ng mga magulang mo samin tol, kaya kahit maliit basta makatulong ako tutulungan kita." ngiting sabi nya at sabay kaming nag peace boom.

After 2 ahours dumating na kami sa Airport.

"Pasensya kana tol ah, sa airport lang talaga kita mahahatid mag ingat ka don tol.." Nagyakapan muna kami at tinapik tapik ko ang likod nito.

"Tol tawagan mo ako kaagad kong may problima sa bahay alam mo naman na wala na akong maasahan sa pag aalaga sa mga magulang ko ikaw lang!" 

Si Edmund kasi ay ka tropa ko din sa amin, magkapatid ang ama ko at ang ina nya kaya ganon nalang kami sa isa't-isa.

"Wag kang mag alala tol akong bahala at tatawagan lagi kita, mag ingat ka don!"

Tumango lang ako at pumasok na sa Airport...


After 1hour lumapag na ang Eroplanong sinasakyan ko sa Incheon International Airport, agad akong sumakay ng taxi papunta sa bahay nila ante Susan.

My Sweet Boss ( Complete ) ✅Where stories live. Discover now