Chapter 3: The Truth

115 28 22
                                    

Nandito ako ngayon sa bahay mag-isa. Dahil si Kuya ayun inaasikaso na si Ate Chloe dahil may nalaman daw syang posibleng dahilan kung bakit nakipag-break sa kanya si Ate Chloe. Tas sila mom and dad ayun tinuloy na ang out of town nila at one week sila sa Hongkong. Gusto ko ngang sumama kaso gusto ko naman ibigay sa kanila ang time na yun dahil alam kong bonding at relax time na nila yun mag-asawa kaya, hindi na ko nagpumilit pang sumama. Yung boyfriend ko? Ayun pagkatapos ng monthsary namin maaga daw'ng umalis kinabukasan dahil isinama daw sya ng daddy nya sa isang business trip at hindi ko alam kung saan. May 09 na ngayon at ilang week nalang birthday ko na!! hihihi May 31 ang birthday ko.


At dahil wala akong magawa nag Facebook nalang ako at ang daming Friend request, in-accept ko lang yung mga kakilala ko pero may isang request na nakapukaw ng pansin ko ang friend request ni Althea Lee Guevara. Isa lang ang mutual friend namin at sya si.... Josh Fernandez ang boyfriend ko.

Bigla ko naman naisip kung sino sya? kamag-anak ba? kaibigan?Kaklase? Dahil hindi naman naga-accept si Josh kung hindi nya naman ito ganun ka kilala. Dahil sa Curiosity niclick ko nalang ang accept at tinignan ang profile nya, yung mga status nya parang pinatutungkulan niya lang sa isang tao na si "JF" katulad nalang nito:


'I Love you so much baby! But I really need to go. I promised you na babalik ako dyan para sayo.'- JF


'I missed you so much baby!'-JF


'1 year na lang baby babalik nako sayo. Wait for me okay?'-JF

Halos lahat ng yan 2 or 1year ago na hindi sya ganun ka active sa pag popost ng status sa fb pero yung pinaka bago is yung "Finally at hongkong with my baby" <3 1 day ago. Tas nakalagay sa taas feeling inloved.

Tss. Sino kaya yung JF? Bigla nalang akong natigil sa pag scan ng mga status nya ng pumasok sa isip ko ang "J-JOSH FERNANDEZ".


*Kenneth POV.*



"O pre musta na kayo ni Chloe? Balita ko nag break daw kayo?" Tanong sa akin ni Kevin barkada ko na pinsan ni Chloe.

"Yeah, she broke up with me ng hindi man lang sinasabi sa akin ang dahilan." Sabi ko sabay shoot ng bola. Nandito kasi kami ngayon sa Court sa Village namin. Ngayon nalang kasi kami ulit nakapag-laro dahil nagbakasyon sya London kasama yung girl friend nya tss. Sya ng mayaman.

"Pumayag ka naman?" Tanong nya habang pinipigilan akong i-shoot ang bola.

"Malamang hindi! pero anong magagawa ko kapag daw pinuntahan ko pa sya ulit sa kanila, hindi ko na daw sya ulit makikita. Dahil sasama na sya sa tita nya sa States. Kaya no choice ako." Sabi ko sabay talon at shoot ng bola.

"Pare halata namang nagsisinungaling lang yung babaing yun! Anong states naman?! sino naman daw tita? " Sunud-sunod nyang tanong.

"Ang natatandaan ko Tita Cecil daw eh." Sabi ko at umupo muna kanina pa kasi kami nag lalaro.

"ppfft- Hahahahaha! sabi na eh! an tanga mo naman pre! kung sinabi nya pang London dun maniwala ka! Pero states?! Hahaha wala kaming kamag anak o nakatira sa states!" Tawang tawa naman sya tss. loko to ah sinabihan akong tanga?! Binatukan ko nga!

"Bat kaba kasi tumatawa huh?! bat di mo nalang sabihin!" Asar na sabi ko sa kanya

"Kasi pare yung sinasabi nyang Tita Cecil mommy ko yun! at sa London na sila nakatira! kaya nga ko nag condo diba?! Antanga mo naman bro!" Sabi nya na umiiling iling pa.

"Ba malay ko ba na mommy mo ang tinutukoy nya?! maka-tanga ah Tss."Sabi ko na naka-kunot ang noo.

"Bro gusto mo tulungan ko kayo na magkaayos ni Insan?"Pag piprisinta nya.

Bigla naman ako napatingin sa kanya "Talaga?! Gagawin mo yun?" Di maka-paniwala kong tanong sa kanya

"Of course! I will do that but in one condition." He said while smirking.

"Tss. At ano naman yun?" sabi ko na naka-poker face.

"Hmm, kahit yung Silver gray shoes mo nalang na nakadisplay sa room mo yung kapalit." sabi nya na naka-ngisi.

Inisip ko naman kung anong sapatos yung sinasabi nya at "You're taking advantage dude! alam mo namang limited edition lang yung ganong sapatos."Sabi sabay suntok sa kanya pero mahina lang

"O sige Ikaw bahala nag-ooffer lang naman ako eh. Sapatos o pinsan ko? you choose."Sabi na nakatingin sa akin.

Wala na nga yata akong magagawa dahil kahit mahal at limited edition lang yung sapatos na yun kailangan kong isuko para lang magkaayos kami ng taong mahal ko.

"Fine! pero gusto ko bukas na bukas malalaman ko ang dahilan kung bakit sya nakipag-break sa akin ano deal?" Paninigurado ko.

"Deal." Sabi nya at nakipag-shake hand sa akin. "Sige dude alis na ko gagawin ko pa mission ko eh."Sabi nya na naka-ngisi nanaman at tinapik ako sa balikat.

"Ge alis na." Pagtataboy ko sa kanya.

Kinabukasan tumawag sa akin si Kevin na alam nya na daw yung dahilan at pumunta na daw ako sa bahay nila Chloe kasi nandun din sya. Kaya pumunta ako sa room ni Lhae at nagpaalam na aalis para puntahan si Ate Chloe nya.

"O Ken ang tagal mo naman! kanina pa kita hinihintay dito sa labas eh. " Pagrereklamo nya pagkalabas ko sa kotse.

"Tss. puro ka reklamo! o ano daw yung reason nya?" tanong ko naman

"Sabi nya madami daw'ng tutol sa relasyon nyo, may mga natatanggap pa nga daw syang threat sa buhay nya galing sa mga fangirl mo. tas ano pa kasi? aish! nakalimutan ko na" Sabi nito sa akin na ikina gulat ko.

"Wala syang sinasabi sa aking ganyan! humanda talaga sakin kung sino man ang nanggugulo sa relasyon namin! at ikaw naman ayus ayusin mo ang pagkukwento! dahil merong kapalit tong ginagawa mo tss." Galit na talaga ako! kaya ba sya nakipag-break dahil may natatanggap syang threat?! Humanada ka talaga kung sino Ka man.

"Madami syang kinwento sa akin eh! nakalimutan ko na yung iba" sabi nya sabay kamot sa batok nya.

"Pero para maka-bawi naman ng kahit konti,sige na pumasok kana sa loob kausapin mo sya at sa kanya mo itanong ang mga gusto mo itanong. " Sabi nya habang tinutulak ako papasok ng gate

"teka baka magalit sakain sila Tito Erick" Pag-aalinlangan ko.

"Wala sila don't worry. Ako yung bantay ng pinsan ko ngayon dahil bukas pa sila babalik."naninigurado nya. Kaya pumasok narin ako sa loob wala sa sala nila at sa kitchen kaya sure akong nandun yun sa loob ng kwarto nya, tumakbo na ko sa hagdan dahil gusto ko na sya makita. Kumatok muna ako sa pinto nya ng tatlong beses.

"O kuya ba—" nagulat siguro siya kaya napatigil sya sa pagsasalita habang nanlalaki ang mga mata.




"Baby..."

—————————————————————.


Abangan~!! hahaha sorry kung boring tong chapter na to. Hindi kasi gumagana ang utak ko ngayon eh. hahaha Lol xDD.


please VOTE and COMMENT :)


Sweet Lovers turn to Mortal EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon