Chapter 4: Phone Calls

101 28 21
                                    


Halos lahat ng yan 2 or 1year ago na. hindi sya ganun ka active sa pag popost ng status sa fb pero yung pinaka bago is yung "Finally at Hongkong with my baby" <3  1 day ago. Tas nakalagay sa taas feeling inloved.

Tss. Sino kaya yung JF? Bigla nalang akong natigil sa pag scan ng mga status nya ng pumasok sa isip ko ang "J-JOSH FERNANDEZ".


"Hahaha baliw na talaga ako! Si Josh yung tinutukoy nya? Imposible" Sabi ko sa sarili ko at kinlose ko na yung tab kung saan naka-lagay yung profile nya

"Pwede namang Jake Flores yung JF diba? o kaya John Foster. Hindi lang namang ang Josh Fernandez ang JF! dahil hindi pwedeng maging baby niya ang Honey ko! tss." Sabi ko habang nanggigigil na in-off ang Laptop at nilagay sa side table ng bed ko.

Matutulog nalang sana ako ng mag ring ang phone ko

incoming call: honey Josh <3

Dali dali ko naman tong sinagot "Hello honey?" Sabi ko na may pagka-hyper ang boses.

(Let's talk the day after tomorrow. I need to tell you something.) Sabi nya in his cold voice

"Are you okay honey?" Tanong ko na binalewala ang sinabi nya.

(Yeah. Masaya nako dito Lhae Bye. I'll hang up na.) Sabi nya

"Pero hon—-" *toot* *toot*.                                           


Hindi ko alam kung ka-praningan pa ba ang tawag dito pero I think there's something wrong with him. At sana wala syang ibang dahilan sa "Masaya nako dito Lhae" at sa cold treatment na pinaparamdam nya sa akin. Hindi ko namalayan na meron na palang tumutulong hula sa mga mata ko... Ngayon nya lang to ginawa sakin ang umalis nang hindi nagpapaalam O.A ko ba? Pero kasi lagi syang ganun sa akin na kahit nga gumimik lang silang magbabarkada tatawag pa sya sa akin para lang daw alam ko pero anong nangyari ngayon? kung hindi pa ko tatawag sa kanila hindi ko pa malalaman na umalis pala sya.

Tas tumawag nga sya sa akin pero ano? Ni hindi man lang ako kinamusta o sinabi sa akin kung bakit siya biglang umalis! May karapatan naman akong maiinis diba? Kasi boyfriend ko sya. Kahit papaano may karapatan akong malaman kung anong ginagawa o nasaan ang boy friend ko. Pero malay mo kapag nag usap na kami dun niya i-explain diba? Think positive lang dapat lagi and I trust my boy friend :).

"Lhae Wake up na mag-didinner na tayo" Sabi ni Kuya habang tinatapik-tapik ako sa braso

"Hmm! Inaantok pa ko kuya later nalang. Maaga pa naman!"Sabay talikod sa kanya.

"Lhae naman 7pm na. anong maaga dun!" Sabi naman nya.

Tinignan ko naman ang orasan at tama nga sya kala ko pinagtitripan nanaman ako ni kuya eh.

"Fine kuya. susunod nako sayo." Sabi ko sakanya at tumayo na.

"Bilisan mo. Wag mong paghintayin ang hapag-kainan" Sabi nya sabay labas.

Habang kumakain kami biglang nag ring ang Cellphone ko na nasa table. Tinignan ko naman si kuya at tumango naman siya kaya pumunta ako sa sala para sagutin yung call.

Bigla naman akong nagtaka nang makita kong unregistered number ang tumatawag sa akin. " Hello Who's this?"

(Is this Rhia Lhae Fuertez? )Hindi ko kilala ang boses nya pero babae itong kausap ko ngayon

"Hmm, Yes. Who's this by the way?"Pagtatanong ko naman.

(So ikaw pala ang ginawang rebound ng boyfriend ko, I mean ng Fiancé ko) Mataray na pagkakatanong naman nito na ikinataas ng kilay ko rebound? ako?

"Excuse me? What are you talking about?!"Hindi ko narin napigilang magataray dahil sa kausap kong to.

"You are my fiancé's rebound right?" Hindi parin matanggal ang pagka-mataray ng boses nya kaya tinarayan ko rin

 "Mawalang galang na PO pero hindi ko alam ang pinag sasabi nyo dahil una sa lahat wala pong FIANCEE ang boyfriend ko dahil imposibleng mangyari yun dahil he is just 17 years old. " Sagot ko naman sa kanya.

"Really? so same age pala sila ng FIANCE KO? Btw. His name is JOSH LLAMES FERNANDEZ bye. Tinatawag nya na kasi ako eh. hahaha " Malanding pagkakatawa nito at in-end nya na yung call.



"O sinong tumawag sayo at ganyan ang itsura mo?" Pagtatanong ni kuya pagkadating ko sa dining room

"Wala kuya. Isang malanding baliw lang naman ang tumawag sa akin" Sabi ko at ipinag-patuloy na ang pagkain

"Bakit ano bang sinabi?"Pag tatanong ni kuya, kahit ayaw ko ng pag-usap no choice ako dahil kukulitin lang nya ako hanggang sabihin ko.

"FIANCE nya daw boy friend ko"walang emosyon kong sagot.

"What??! May fiancée na si Josh???!" O.A nanaman neto tss. "Kuya pwede bawas bawasan ang ka O.A-yan mo? nakakairita eh" masungit na sagot ko sa kuya ko.

"Why? Don't tell me hindi ka man lang nagulat?" gulat na tanong ni kuya.

"Kuya duhh?! Bkit naman ako magugulat?! eh halata namang nag sisinungaling sya. Fiancé nya daw si Josh eh 17y/o palang yung tao! wala pa nga siya sa legal age diba? kaya imposible "  "Atsaka I don't believe her because I trusted my BOYFRIEND  get it?" Naka taas kong kilay na tanong sa kanya.

 "Sabagay madami namang Josh sa mundo. pero Paano nya naman nalaman yung no. mo?"pagtatanong ni kuya. Oo nga no? bat b parang hindi nagfu-function ng tama ang utak ko ngayon?! Urrg! Pero hindi imposible talaga! I love josh and I know He loves me too. kaya IMPOSIBLE yun! tss.

"E-ewan ko. Malay mo hinula lang" Pati sarili ko niloloko ko na sa ginagawa ko dahil alam ko namang kilala nya talaga ako.

"Wait! Josh lang ba ang sinabi nya na pangalan ng Fiancé nya?" Umiling naman ako "Hindi kuya. sinabi nya ng buo yung pangalan ni Josh. kahit yung middle name nya sinabi nya."

"What??! Tanga kana ba Lhae huh?! Ibig sabihin nagsasabi nga ng totoo yung tumawag sayo " Sabi ni kuya sabay lipat ng upuan para lang batukan ako.

"Aray ko kuya ha! Masyadong common ang name, middle name at last name ng boy friend ko kaya baka magkaparehas lang! tss." Sabi ko habang hinihimas ang ulo ko.

"Lhae masama ang pakiramdam ko dyan ah. Baka toto—-"




"Please kuya wag mo ng ituloy yan sasabihin mo. Ilang beses ko bang sasabihin na IMPOSIBLE na mangyari yun huh?" sabi ko sabay tayo. "Punta nako sa room ko kuya."Sabi ko at tinaikuran na sya.



————————————-


Urrrgg! Ilang araw na pala akong nakatutok sa Laptop huhuhuhu Headache again! >___<!! Okay ito na muna po! Sana nagustuhan nyo kahit ang konte ng UD ko ngayon :3 Bye :)))


VOTE..COMMENT ^_____^v.

Sweet Lovers turn to Mortal EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon