"OMO!! What happen to your face bessy?!" Gulat na gulat na tanong ni Chesca ng makapasok nako sa room.
"Why? What happen ba?" Wala sa sarili ko ring tanong sa kanya at sumalampak sa upuan ko.
"You look like a walking dead! Hindi kaba nakatulog kagabi at ganyan ka mugto ang mga mata mo?" Concern na tanong ni Chelsea sa akin.
"Hay naku chel... maaga akong natulog kaso 2 am naman ako nagising at di na ulit nakatulog..." Sabi ko at dumuko na sa desk ko.
"Thinking of him again?" Tanong naman ni Chesca kaya napaangat ang tingin ko sa kanya saka dumuko ulit sa desk ko.
"Bes alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon pero please atleast try to move on. Kasi hanggang umaasa ka sa kanya mas lalo ka lang masasaktan..." Dugtong ni Chesca sa kanyang sinasabi kanina.
"I'm trying naman eh, I'm really trying..." Sabi ko na naka subsob parin sa desk ko dahil ayokong makita nilang umiiyak nanaman ako sa lalaking pagmamay-ari na ng iba...
"Nandiyan na si Sir!" Kinikilig na sigaw ni Charmaine at nagsitakbuhan na sila sa kanya kanya nilang lugar.
"Good Morning everyone!" Masayang bati ni Sir sa klase at sinuklian naman yun ng maganda ring bati ng aming mga kaklase.
Sumingkit ang mga mata ni Sir sa likod at dahil na curious ako ay tinignan ko rin ang tinitignan nya at nakita ko si Min na masamang nakatingin sa labas.
"Mamamatay na ang mga halaman dyan sa tabi sa sama ng tingin mo Mr. Guevarra" Pabirong sabi ni Sir sa kanya at isang 'Tsk!' lang ang kanyang isinagot sa aming guro. Pinagtatakahan ko nga at kung bakit kahit ginaganyan na sya ng kanyang estudyante ay tinatawanan nya lang ito.
Biglang napatingin sa akin si Sir kaya nman ay napa yuko ako bigla dahil naalala kong namumugto parin nga pala ang mga mata ko.
"Sige na't maaari na kayong umupo." Nakangiti paring sabi ni sir sa amin.
"Maaari ko bang malaman Kung bakit mugto ang iyong mga mata Rhia Lhae at kung bakit mukhang wala sa mood si Andrew? Ito ba'y magka-connect?" Pabirong tanong ni Sir at nagsimula ng magbulung-bulungan ang aming mga kaklase.
"Hindi/Yes" Ang sabay naming sagot ni Min. Nagulat ako dahil Yes ang kanyang isinagot kaya napatingin ako sa kanya.
Mas lalong umingay sa klase dahil sa sinagot ni Min, may mga naiinis, kinikilig at nagbubulung-bulungan ng kung ano-ano.
"Hindi mo man lang sinabi na may Girl friend kana pala Andrew." Gulat na sabi ni Sir Angelo sa kanya.
Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Min at sinabing. "She's not my girl friend! What I am saying is she's the reason why I feel this anger!" Galit na saad ni Min at padabog na umalis.
"Bessy anong drama nun?" Tanong sa akin ni Chelsea at nag kibit balikat nalang ako dahil kahit ako ay naguguluhan narin.
"Omy! Ang swerte nya talaga nya! una si josh tas ngayon si Mr. transferee naman!"
"Oo nga eh, Pero totoo kyang break na sila ni Josh?"
"Oo nakita ko si Josh kahapon may kasamang magandang babae pero mukhang mataray."
"Akala ko pa naman sil---""OO akala mo lang yun! At oo ulit break na sila ano happy? hiyang hiya naman ako sa inyo ano? magchichismisan na nga lang kayo yung rinig pa hanggang kabilang baryo! And worst pinaparinig nyo pa sa taong pinag chichismisan nyo!" Pagalit na sigaw sa kanila ni Chesca at natahimik naman ang apat.
BINABASA MO ANG
Sweet Lovers turn to Mortal Enemies
Ficção AdolescenteIto ang kwento ng isang babaeng nag-mahal nang sobra sa kanyang kasintahan na niloko, iniwan at ipinagpalit lang sya sa ibang babae. Pero may darating na lalaking tuturuan ulit syang magmahal. Pero makakayanan nya kayang malaman na ang lalaking mina...